Chapter 77: After Sembreak

1.7K 40 0
                                    


C A T H A L E N E

Nandito ako ngayon sa Hospital. Sa kwarto ni Noah to be exact. Hawak-hawak ko ang kamay nito habang umiiyak. Iniintay ko syang gumising. Sabi ng doktor ay marami ang nabawas na dugo rito ngunit mabuti na lang at nagawan na nila ng paraan. Sa ngayon, ang hinihintay na lang namin ay magising sya.

"Cath?" Kusa akong napalingon sa mga bagong pasok. Mabilis akong yinakap ni Maureen. "You ok?" Tango lang ang aking isinagot na sinabayan ng mga malulungkot na ngiti. "You're not."

"I'm Ok. I'm just... I'm just worried." Sabi ko naman. Yinakap ako ni Shara na para bang sinasabi na ok na ang lahat. Sa oras na gumising si Noah ay magiging maayos na ang lahat.

Oo nga pala, sa Mental Hospital dinala si Lolo Rey. Napag-alaman kasi namin na anytime ay pwede pang magloko ang kanyang utak. Kailangan nya ng matinding gamutan at doon ay Magagamot sya. Wala na rin si GX sa loob ng kanyang katawan. Pinaalam nito sa amin na nagpaalam na raw ito sa kanya.

---

"Anak? Hindi ka lang ba uuwi?" Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Mama. "Hindi ka man lang ba napapagod?"

"Hindi ako napapagod, mama. Basta kay Noah, Hindi ako mapapagod." Pinagmasdan ko ang mukha ng Daddy Mickey ko. Para syang anghel. Napaka inosente ng mukha nya.

"Mahal na mahal mo nga sya, anak," Napangiti ako.

"Opo, Mama. Mahal na mahal na mahal na mahal ko si Daddy Mickey."

Hanggang sa maya maya pa nga ay bumungad sa amin si Tita Hazel na kasama si Tito William.

"Naistorbo ba namin kayong mag-ina?" Nakangiting tanong ng ina ni Noah. Para talaga syang Dyosa. Walang duda. Sya nga ang nanay ni Daddy Mickey.

"Hindi naman..." Natatawang sambit ni Mama. Pumasok naman ang dalawa at pinagmasdan ang malayang natutulog na anak.

"Hija, Pasensya ka na." Sukat sa sinabi ay kusang dumako ang aking mga tingin kay Tita Hazel.

"Para saan po?" Nagtataka 'kong tanong.

"Kasi noong una, Ayaw kita para kay Noah." Natigilan ako sa kanyang sinabi. "Ako nga ang nagpadala dito kay Doreen eh. Sakaling may feelings pa si Noah kay Doreen pero parang nagkamali ata ako. Grabe ka mahalin ng anak namin eh." Dagdag pa nito. Hinaplos naman ni Mama ang buhok ko.

"Anak, may kailangan kang malaman tungkol sa nakaraan naming apat." Natigilan ako sa sinabing iyon ni Mama.

"Ano iyon?" I asked. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"School mates kami noon nina Karen, Hazel, Ako at ang tatay mo. Si Jarred." Panimula ni Tito Wil. "Ang totoo nyan, May gusto ako noon kay Karen. Habang si Hazel naman, may gusto sa akin. Tapos si Jarred? May gusto si Karen sa kanya kaso wala namang gusto si Jarred dito. Kilala mo ba kung sino ang gusto ng Tatay mo?" Tumingin sya kay tita Hazel. "Si Hazel."

"Whoa." Seriously? Habulan lang, gano'n?

"To make the story short, nagkagulo-gulo ang buhay namin. Hanggang sa nalaman nalang namin na iba pala talaga ang mga taong nagpapatibok ng puso namin. Ako, si Hazel. Habang ang Papa mo, kay Karen." Napangiti ako. Ganoon pala 'yon? Ano kaya ang buong story nila? Maganda kaya? Nakakilig? Hihihi.

"Kaya nga minsan, nagsisisi rin ako sa ginawa ko. Dahil masyado akong selfish noon, akala ko mahal ko talaga si Jarred. Noong araw na rin 'yon ay nagalit ako sa Mama mo. But days pass, I just realize na ito nga, si William ang tinitibok ng puso ko. Mayroon ngang pagkakataon na niloko ko sya na naging reason kung bakit nasira ang family namin. Pero wag na nating pag-usapan yun. Hanggang ngayon naiinis parin ako sa sarili ko eh." Niyakap ni Tito William si Tita Hazel. Napangiti nalang ako sabay tumingin kay Noah.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now