Chapter 29: Trip

1.8K 41 3
                                    


Matapos magising, naalala 'ko na ngayong araw pala ang alis ng mga kasama 'ko. Mabilis akong nag ayos at bumaba mula sa sala dahil inaasahan 'ko silang naroon pa. 7:45 pa lang naman ng umaga. Malamang ay nandodoon pa sila.

Ngunit nang makababa ako, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nadatnan. Oh let me erase that. Wala pala akong nadatnan. Kahit ni isang bakas nila. Wala akong nagawa kundi ang yumuko na lang. Di man lang sila nang gising.

Hanggang sa sumalubong sa akin si Mama. "Oh! anong ginagawa mo dyan, Catha?" Tinignan ko si sya. Bahagyang kumunot ang noo 'ko nang makita ko ang bihis nya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko. Ngunit tanging malawak na ngiti lang ang isinagot nya sa akin. "A-anong ngiti yan?" Napaatras tuloy ako ng wala sa oras. Gah! Confirm! baliw na nga ang nanay ko!

"Ano pa ba? Edi makikipagkita ako kay Emanuel." Halos maibuga ko ang sarili kong laway sa gulat. Walang preno ang bibig ng nanay 'ko!

Pero teka, Emanuel ba kamo? Yung gwapong business man? Wag mong sabihing,

"Waaaaaahh!"

"Jusko naman! ano ba at bigla-bigla kang sumisigaw??"

"Eh paano ba naman kasi... mama! wag mong sabihin na may relasyon kayo ng lalaking yu—hmmm!" Biglaan nyang tinakpan yung bunganga ko at bigla akong binatukan. "Aray naman!"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, Catha! una sa lahat, hinding hindi ko papalitan ang tatay mo sa puso ko. pangalawa, wala kaming relasyon ng lalaking yun. mag-uusap lang kami tungkol sa business! ok? magtatayo ako ng Salon!" Tapos confident syang nag chin up. Wala akong nagawa kundi ang tumango na lang. 

"Ayun naman pala eh..." Nagkamot ako sa ulo. Sabi ko nga, Cath. Hays. Akala 'ko tuluyan ng makakalimutan ni mama si papa.

Pero mali naman ata na hindi na mag-asawa si mama, right? I mean, paano pag nag-asawa na ako? Sinong mag-aalaga sa kanya. Kailangan ulit sumaya ni mama. I think, this is the right time to find a right man for my mom.

"Hay nako!! umalis ka na nga dito at hinihintay ka ng Boyfriend mo sa labas!" Pagtataboy pa nito sa akin.

Magrereklamo pa lang sana ako nang matigilan ako sa sinabi nya.

"Boyfriend?" Tinaasan ko sya ng kilay. kaso wala eh. Mas mataas yung kilay ni mama kesa sakin.

"Boyfriend mo di mo kilala? tss. sabi nya sa akin boyfriend mo daw sya. lumabas ka para makilala mo! hayy nako! mga bata nga naman ohh..." Ayan lang ang narinig kong sabi ni mama dahil nagmamadali akong lumabas ng bahay.

What a supportive mother!

Nasa labas na ako nang mapawi ang mga ngiti 'ko dahil iba ang aking inaasahan. "R-rouge." Bigla nya akong nginitian sabay nagkamot sa batok.

"Hehe. sabi ko sa nanay mo boyfriend mo ako para sana... payagan ka?" Nahihiyang saad nya. Natawa ako. Saan naman ako papayagan?

Nagtaka ako. "Bakit? anong gagawin natin?" Tumingin sya sa ibang direksyon at saka umikot. Ok? anong ginagawa nya? teka... Nahihiya ba sya?

"Ano kasi sana eh. pwede ba tayong... L-lumabas?"

*cough

Waahh! Ano ba itong sinabi ni Rouge. Nakakagulat!

"A-ayos ka lang??" Bigla syang lumapit sa akin.

"A-ayos lang." Sabi ko na lang at bahagyang ngumiti. "A-ano ulit yung sinabi mo?" Paulit 'ko. Kasi alam nyo na... Maraming bingi ngayon.

Hehehe

"Aayain sana kitang lumabas. pwede ba?" Hindi nga ako nagkamali. Hehe!

Huminga muna ako ng malalim bago magpasyang sumagot. Magsasalita palang sana ako ngunit ganoon na lamang manlaki ang mata ko nang may biglaang umakbay sa'kin.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now