Chapter 53: Sino kayo?

1.5K 37 0
                                    


Nandito kami ngayon ni Kuya Kiel kasama si ate Shakira sa CX Bar. Nag-aya dito si Ate Shak sapagkat gusto nya raw akong makausap. Nang malaman ni Kuya Kiel iyon ay nagpilit itong sumama sa amin kahit pa ayaw ni Ate Shakira.

Siguro enemy talaga sila. Hindi nila nahahalata ang spark sa kanilang mga mata sa tuwing sila ay nagkakatinginan. Alam ko dahil gano'n din ako noon kay Noah.

"I heared about what happ---"

"Alam ko. chismoso ka eh." Putol ni ate Shak sa sasabihin ni kuya Kiel. I sighed. Ano ba ang sasabihin sa akin ni Ate Shakira at hindi parin sya nagsisimula? Kailangan ko pang bumalik sa School.

"Ate Shakira. kailangan ko pang bumalik sa Melochords." Wika ko dahilan upang mapunta sa'kin ang kanilang atensyon. Kasi naman parang may kidlat na sa mga mata nila habang nagtititigan sila kanina.

Hmm... I smell something Fishyy!

"Oh." Para naman syang natauhan. "Gusto ko lang ipaalam sa 'yo na Noah's doing fine. I mean, Successful ang Operasyon. sa ngayon, hinihintay nalang ang magising sya. ngayon ko lang din nalaman ito at sa tingin ko, alam na din nang mga kabarkada mo." I suddenly froze when I heard what she said.

A-ano daw? Success ang operasyon? Hindi ko mapigilang maluha. Niyakap naman ako ni Ate Shakira habang si kuya Kiel ay nakangiti lang sa amin.

"G-gusto ko po syang makita, Ate." Sabi ko sa gitna ng paghikbi. Naghiwalay kami nang yakap. She wiped my tears then smile.

"Sure. pero hindi ko maipapangako kung kailan---"

"That's ok, ate. basta po makikita ko sya." I forced a smile.

"You know, Cath? Isa kang mabuting GF para kay Noah. Botong boto ako sayo." Muli nya akong niyakap.

Nang makalabas kami sa CX Bar, nagpaalam na ako sa kanila. Ngunit bago pa man ako makaalis ay narinig ko ang mga sinabi ni Kuya Kiel kay ate Shak.

"Hey, Shak. I want to be part of your mission."

Kilala ko si Kuya Kiel. Hindi na ako medyo nagulat na magkakilala sila ni Ate Shakira. Dahil ganoon din naman ang trabaho noon ni Kuya. But as far as I know, mas pinili ni kuya ang gusto nya. Ang pangarap nya. Ang maging isang Piloto.

Matagal ko na syang hindi nakikita. Siguro mga 2 years na rin? Ganoon din ang kapatid nya na si Kuya Cavin. Sigurado akong magugulat si Kuya sa oras na malaman nya na nandito na si Kuya Kiel.

Nang makarating ako sa Melochords ay Luch break na. Mabilis akong nag punta sa Cafeteria. Nang makapunta at sinalubong agad ako nina Charie.

"Hey! bakit hindi ka sumulpot sa Class kanina? alam ko pumasok ka eh. nag cut ka ba, Cath?" Bungad nito sa'kin. Napabuntong hininga nalang ako.

"I'm sorry." Ayun lang ang naisambit ko.

"May kailangan kaming sabihin sa 'yo." Wika ni Rhailey. Nginitian ko lang ito kahit na mukhang alam ko na kung ano iyon. "Successful ang operation ni Noah." Napatango ako.

Aaminin ko, masaya ako sa nalaman ko but on the other hand, I'm a little bit sad because I hate the fact na pag nagising sya, maaaring wala ako doon. Wala ako sa tabi ng mahal ko. Hindi ganoon kadali ang magpunta sa ibang bansa.

Dumaan ang isang araw, nakabihis na ako papasok sa Melochords. Isang araw nalang ang mayroon ako upang magkapag-isip ng maayos. Kung papayag ba ako sa gusto ni Vorsh o hindi.

Nasabi ko narin iyon sa mga kaibigan ko. Sabi lang nila sa akin na sundin ko ang gusto ko. Alam naman nila na makakabuti iyon lalo na't si Noah ang nag utos.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now