Chapter 30: Key Chain

1.8K 41 2
                                    

Napatingin ako kay Clyde na ngayon ay hindi ko maintindihan ang ekspresyon sa kanyang mukha. Bahagyang kumunot ang noo ko at bago pa man ako makapag salita, naunahan na nya ako.

"Hehe. m-may boyfriend ka pala, Cathalene." Pilit ang ngiting nag kamot ito sa ulo. Hindi na lang ako nag salita sapagkat hindi ko din alam kung ano ang sasabihin.

"Excuse us..." Bigla akong hinila ni Noah papalayo sa lugar na 'yon kaya wala akong nagawa kundi ang magpahila na lang din. Nakaramdam ako ng inis. Nang huminto kami, irita syang humarap sa'kin.

At sya pa ngayon ang may ganang mainis?

"Why?" Pinamewangan nya ako dahilan para di agad ako makapagsalita. Oh sh*t! Ayan na naman yung mga kilos nyang out of the blue.

"B-bakit sinabi mong girlfriend mo ako?" Tinaasan ko sya ng kilay at sinabayan ang pamewang nya sa akin. At aba ang mokong! siningkitan pa ako ng mata.

Agad akong napalunok ng ilapit nya yung mukha nya sa akin. "Bakit? hindi ba?" He said.

"A-ano?"

Natawa sya. "Thank you."

"For what?"

"For being the reason why I smile." And that moment when he said that, my heart stops beating. Tangina! I don't even know how to catch my breath!

"A-ano?"

"Alam mo ba na sa tuwing mawawala ka sa paningin ko, nag-aalala ako?" Really, I have no Idea what this guy is talking about. Ano ba ang pinagsasabi nito?

"A-ano ba yang sinasabi mo? May sakit ka ba? sinapian ka ba?" Umatras ako.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa barkong 'to. Napaka dami ko ng problema dumadagdag pa sya.

"Kung ano man 'tong sumapi sa akin, pinagpapasalamat ko." Wika nito na sinabayan pa ng kindat. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari basta ang alam 'ko nandito na kami sa lugar na kung saan nandito ang mga kasama namin.

"Huy! saan ka nagpunta?" Tanong sa akin ni Shara. Hindi ako nag salita. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

AISSSSHHH! ANO BA ANG NANGYAYARI SA AKIN?

She waved her hand infront of me as if trying to get my attention pero wala syang napala. Hanggang ngayon eh pinagpapawisan parin ako.

Noah! ano ba ang nangyayari sa 'yo?

"Cath! may lagnat ka ba?" Kinapa ni Charie yung noo at leeg ko. "Wala naman." She shrugged.

"Hoy! Noah! anong ginawa mo kay Cath?" Pinamewangan ni Maureen si Noah at tinaasan pa ng kilay. Kunot-noo itong tumingin sa kanya.

"Wala naman." Nagkibit-balikat si Noah at tsaka lumapit sa akin. Hahawakan pa lang sana ako nito nang lumayo na ako.

Hindi ko alam kung normal pa ba itong mga nangyayari sa akin o hindi na. Need ko na ata ng psychiatrist dahil nababaliw na ako.

"Don't." I said.

"Why?"

"Nothing. Just don't." Bigla 'ko na lang naisambit. Nakita ko ang pag bago ng ekspresyon sa mukha nito hanggang sa unti-unti itong naging poker face. Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko nang mag walk out na sya. 

"Anong nangyari dun?" Tanong ni Rhailey.

"Patay Ka, Cath. ginalit mo si Master namin..."

Hindi ko na pinansin pa si David at naupo na lang sa couch. Mahirap na kasi eh.

Baka mamaya umasa ako tapos wala naman pala? Ako lang ang masasaktan. Baka mamaya ginagawa nya lang akong katawa-tawa. Ayoko namang masaktan noh! Mahirap na...

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now