Chapter 78: Dux and Charie

1.6K 44 0
                                    


"Cath!" Napalingon ako nang tawagin ako ni Dux. Nakangiti ito ngayon sa'kin. "Sino hinihintay mo?"

"Si Noah. Sino pa ba?" Sabi ko. "Sya nga pala, Anong meron sa inyo ni Charie?" Tanong ko na bigla nalang nyang ikinabalisa.

"W-wag mo ng alamin."

"Mahal mo ba?" Nanlalaking matang tinignan ko ito. Mabilis syang prumotesta.

"Ewan ko..." Kusang bumaba ang ulo ni Dux dahilan upang mapabuntong hininga na lang ako. "Hindi ko alam." Dagdag nya.

"Alam mo Dux, Sa panahon ngayon, pag torpe ka, talo ka." Napatingin ito sa akin. "Pag slow ka, mauunahan ka." I tapped his shoulders then smile. Aalis na sana ako nang may bigla nalang umakbay sa akin.

"Hey. Anong ginagaw mo dito? Bakit kinakausap mo si Dux? Pinagtataguan nyo ba ako?" Napalingon ako kay Noah at tinitigan sya ng masama.

"Really? Anong pinagsasabi mo dyan?" I asked him. Tumingin sya kay Dux na tatawa-tawa lang.

"Know your limitation, Cath. Pag sinabi kong akin ka lang, akin ka lang."

"Eh?" Anong pinagsasabi nito?

"Nevermind."

Natawa si Dux sa usapan namin. "Hayy nako... You're really one of a kind, Cath." Huli nitong lintanya bago magpaalam.

---

HHWW Kami ngayon ng aking kasama habang naglalakad. Hanggang sa madatnan namin si Charie na namimili sa isang pwesto. Dahan-dahan kaming lumapit dito at ganoon na nga lang ako mapangiti nang makita na bumili ito ng Poster ng sunrise at ng bias nya na si Dux. Sino pa ba?

Napatingin ako ngayon kay Noah. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa poster nila. "Tss. Ang panget ko naman dyan." At dahil nga doon ay gulat na napaharap sa amin si Charie.

"C-Cath? A-Alli? Anong ginagawa nyo dito?"

"May masama? Besides, wala namang tao dito. Maliban nga lang kay Manong, Ako, si Noah at Ikaw." Lintanya ko dahilan upang maikot na lang nito ang kanyang mga mata. "Teka, ano ba yang pinamimili mo?"

"Y-yung Poster ni Dux." Sagot nya.

"Haha. Seriously? Araw-araw mo ng nakakasama yun? Ultimate fan ka pa rin nya?" Natawa ako. Charie rolled her eyes.

"Bibili ho ba kayo?" Tinignan ko si Manong. Magsasalita na sana ako nang sumagot si Charie.

"Wait lang po manong, bibilin ko lahat 'to." Pinakyaw nya ang lahat ng poster ng Sunrise at ni Dux. Habang ako naman ay bumili lang ng tatlong poster ni Noah.

Sumabay sa amin si Charie sa paglalakad. "Bakit hindi kayo nagdala ng kotse?" Tanong nito. Nag shrugged lang ako sa kanya at tumingin kay Noah.

"Mahal gasulina." Bigla kaming napaubo ni Charie sa biglaan nitong pananalita.

"Tag hirap kaba ngayon, Noah?" Natatawa naming sabi. Tinignan nya lang kami at ngumiwi.

"Hindi naman. Nag-iipon lang ako para sa future namin ng Asawa ko." He winked at me. Nanlaki naman ang mata ko.

"A-asawa?!"

Tumango sa akin si Noah. "Sa ganun na din naman yun mapupunta, Mommy Minnie." Sumimangot sya at saka na ulit kami naglakad.

"Hay nako... Nung mga panahong na-kidnap ka ni GX, Walang sinabi yan kundi asawa nya. Puro asawa. Feel na feel eh." Sabi ni Charie. Natawa nalang ako at sabay napailing. Hay nako!

Kinabukasan ay sabay nanaman kaming pumasok ni Noah. "Mommy Minnie. May sasabihin ako sayo..."

"Ano?"

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now