Hindi naman malaman ni Bleak kung paano sya magrereact sa nakikita. Napakacute ng babae sa harapan nya. Nakangiti pa ito sa kanya ng ubod ng tamis.

"Bleak! Mabuti na lang nakita kita. Kanina ko pa hinihintay na matapos ang klase nyo eh. Alam mo ba pumasok akong waitress sa coffee shop na ito para palagi akong malapit sayo. Ayaw mo kasing binabantayan kita sa eskwelahan hehe~" paliwanag ni Jasmine ngunit tila tuod naman ang kausap nya at hindi man lang ito sumagot. Nakatingin lang ito sa kanya na parang nakakita ng nakapaimposibleng bagay. "Tara Bleak! Pumasok ka muna, ililibre kita. Marami silang masarap na desserts at frappe!" Doon lamang natauhan si Bleak nang hilahin sya ni Jasmine. Naroon ang mga schoolmates nya maging ang ilan sa mga kaklase nya mismo. Napatingin si Bleak sa mga nakapila sa shop at nagbubulungan ang mga ito.

"Kilala nya si Zachary?"

"Magkaano-ano kaya sila? Tinawag nya si Zachary sa first name nya."

"Biruin mo nga naman! Kilala pala ni Zachary iyong cute na bagong waitress!"

Ilan lamang iyon sa mga narinig ni Bleak na bulungan. Kaagad nyang pinigilan si Jasmine sa paghila sa kanya ng halos malapit na sila sa pinto ng shop.

"A-ah t-teka..." napatingin naman si Jasmine sa kanya na nagtatanong kung may problema ba. "Ayokong pumasok. Kailangan ko ng umuwi kaagad, marami pa akong gagawin." Dahilan ni Bleak at aalis na sana pero pinigilan sya ni Jasmine.

"Wag ka munang umalis. Sige na, magstay ka lang kahit sandali. Please?" At nagpuppy eyes pa si Jasmine para lang mapapayag ang kanyang meister. Medyo nairita naman si Bleak dahil nagigipit sya sa sitwasyon.

Ano bang iniisip ni Jasmine at bigla na lang syang tatawagin sa harap ng maraming tao. Higit sa lahat naroon pa ang mga kaklase at kamag-aral nya!

Nilingon ni Bleak ang mga tao sa paligid na patuloy pa rin ang bulungan. Nacucurious ang lahat kung sino ba ang bagong waitress at bakit tila close ito sa pinakasupladong estudyante sa eskwelahan. Hindi naman mapigilan ng mga kalalakihan ang mainggit at mainis ng bahagya kay Bleak. Sinadya pa naman nila ang shop ng malaman na may bagong waitress na sobrang cute.

"Sige na Bleak~~" patuloy na pakiusap ni Jasmine at tila pinana naman ni cupido ang mga puso ng kalalakihan ng makita ang napakacute na pamimilit ni Jasmine kay Bleak. Naramdaman naman ni Bleak na tila patayin sya sa talim ng titig ng mga kalalakihang naroon sa selos. Aba't ngayon lang iyon nangyari na may naglakas ng loob na gawin iyon sa kanya!

Wala naman nang nagawa si Bleak nang hilahin sya ni Jasmine sa shop at pinaupo sa mag table malapit sa counter para maasikaso nya ito kaagad.

Nang makaupo si Bleak ay nilapitan si Jasmine ng manager ng shop.

"Jasmine bawal ang special treatment dito. Marami ang nakapila sa labas." Puna ng manager kay Jasmine ngunit hindi nito magawang magalit sa kanya. Maging sya kasi ay nahumaling na sa kagandahan ni Jasmine.

"Pasensya na po, kaibigan ko po sya at medyo nagmamadali po kasi syang umalis. Pinilit ko lang din po kasi syang pumasok para masubukan nya ang mga desserts natin." malungkot na sagot ni Jasmine. Kaagad namang nataranta ang manager nang makita ang malungkot na mukha ng dyosa kaya kaagad nya itong inalo.

"Ah! Ganoon ba? Naku pasensya na Jasmine. Sige na asikasuhin mo na sya. Pwede pa natin syang bigyan ng 10% discount!" Natatarantang sabi ng manager na tila ba nakagawa ng pagkakamali kay Jasmine.

"Talaga po?! Napakabait nyo po manager!" Ubod ng tamis na ngiting tugon ni Jasmine at kaagad na inasikaso si Bleak.

Samantala hindi naman mapakali sa kanyang pwesto si Bleak. Alam nya kasing nakatingin sa kanya ang mga classmates na naroroon. Ano na lang ang iisipin ng mga iyon sa kanya.

Lady of the Blue Moon LakeWhere stories live. Discover now