Nung tapos na 'ko at babalik na sana sa dati kong pwesto, bigla na lamang lumitaw 'yung ulo ni Jared doon sa hagdan na mas nauna dito.

Oh my shit oh my shit oh my shit!

Adrianna! Takbo!

Tumayo na 'ko para umalis doon pero napatigil ako sa boses niya, "Don't even think about running away from me." aniya at nag si taasan 'yung balahibo ko. Umakyat pa siya hanggang sa nasa harap ko na siya kaya naman napasandal ako doon sa pader na nasa gilid ko.

Napayuko ako nang ilagay niya 'yung isang kamay niya sa gilid ng ulo ko at 'yung isa naman ay ginamit niya para dahan dahang i-angat 'yung ulo ko. Ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko! Pakiramdam ko isa 'tong ticking time bomb na sasabog nalang bigla.

Nakita ko nanaman 'yung mala chokolate niyang mga mata na puno ng pagaalala. Kelan ba ang huling beses na naging ganito ako kalapit sakanya?

Bihira lang ang studyante dito ngayon dahil halos lahat e nasa kabilang campus. 'Yung mga tulad naman namin na nagtatago dahil ayaw mainitan ay nasa kung kaninong classroom para magpalamig. Kaya kampante ako na walang makakakita sa mga reaksyon ko kapag ganito kalapit sa'kin si Jared.

"J-Jared..." nauutal na pagtawag ko sakanya.

Anong katuloy niyang 'Jared' mo na 'yan Adrian ah? Anong sasabihin mo sakanya? 'Di mo din alam? Nganga.

"Something's bothering you..." mahinang aniya. "Tell me."

Tell him? Sa dinami dami ng tao sakanya ko sasabihin? Oh no no no no no! Hindi ba't parang mali 'yon?

"Masyadong personal..."

Nagbuntong hininga siya at pumikit, tapos tumango siya at tinignan ulit ako. Pumungay ang mata niya, "If he ever does something to you, na ayaw mong mangyari. You tell him or you push him away okay?"

"H-Hindi niya naman ako sasakta--"

"Physically hindi." bulong niya at halos 'yung huling salita lang ang naintindihan ko pero wala na 'kong planong magtanong pa. "Basta, he's still a guy Adrian. Not all guys have self control." nahulog 'yung titig niya sa labi ko at nahigit ko 'yung hininga ko.

Oh.... my..... shit

"A-Anong alam m-mo sa self control?" biro ko para kahit papano makapag relax 'yung puso ko sa pagtakbo niya (feeling kabayo) pero hindi 'to gumana.

"Marami." lumapit siya sa'kin habang nakakagat labi at kinailangan ko na tumingala para matignan siya.

Ayan nanaman 'yung perpekto niyang mukha. Sa loob ng apat na buwan namin dito sa school, kelan ba siya nagka tigyawat? Once? Never? Napakalambot at kinis ng balat niya. Kapag ganito siya kalapit, kitang kita ko ang bawat detalye ng mukha niya. 'Yung nunal niya sa pisngi, 'yung mahahaba niyang pilik mata, at syempre 'yung pores niya. Charot.

Hay nako Adrianna! Focus!

"Lumilipad nanaman ang isip mo..." bulong niya kaya naman ibinalik ko na talaga sakanya 'yung buong atensyon ko. "Anong iniisip mo?"

"Yung mukha mo." naibulaslas ko nalang bigla at nakita ko ang pangungunot ng noo niya bago tumaas ang kilay niya. Napatakip ako sa bibig ko nang marealize ko 'yung sinabi ko at dahil nga malapit siya, nag joy ride pa 'yung likod ng kamay ko sa tyan at dibdib niya. Jusko tumama pa yata sa belt ng pantalon niya. Ba't bla siya naka pants? Dapat mag suot din siya ng P.E para fair.

Napapikit siya at umatras ng konti sabay tinanggal na din niya 'yung kamay niya na nasa gilid ng ulo ko. "Sasabihin mo ba sa'kin 'yung problema mo, o hindi?" tanong niya.

"Natatakot ako." diretsong sagot ko sakanya.

"Saan?"

"K-Kasi kanina... muntik na ano.."

"Ano?"

"P-Parang.. gusto niya na.. may mangyari..?"

"Nag kiss kayo?" tanong niya at agad akong napatakip sa mukha ko dahil sa kahihiyan. "Hey, no, it's okay. It's fine." aniya habang tinatanggal 'yung kamay ko. "You can tell me anything."

Napakagat pa 'ko sa ibabang labi ko bago ko ikwento sakanya ang nangyari kanina at tahimik lang siyang nakinig. Nang matapos ako ay tumango siya.

"Tama lang na tinulak mo siya." aniya, "Hindi sa lahat ng panahon may tutulong sa'yo... kaya mabuti at pinagtanggol mo sarili mo."

"A-Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung kaya ko ba siyang tignan..."

"Bakit?"

"Para.. para kasing may mali." mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya. "Parang may dapat akong malaman. Gut feeling lang. Pero hindi ko alam kung ano."

"Just remember," tinignan niya ko ng diretso sa mata. "Walang sikretong hindi nabubunyag."

---------

"Mogu mogu lang sa'kin." tumango si Henry sa sinabi ko at pumasok na.

Kumpleto nanaman ang barkada at nandito kami sa mini stop malapit sa Remy field kung saan mayroong track and field na magaganap mamaya.

"Pagkatapos nito san tayo?" tanong ni Angelo. "Lunch?"

"Doon tayo sa bahay nila Kei sa 9th street." pag aya ni Tris. "Noh Kei? Pakita mo naman samin 'yang nilipatan niyo."

"Hala bakit samin? Masikip doon." paliwanag ni Kei. "Tsaka andun si Lolo, may pagka masungit pa naman 'yun."

"Mag take out nalang tayo sa Mcdo sabay jamming tayo doon sa classroom." pag suggest ni Kris.

Ngumiti ako, "Oo nga, pwede din 'yon." tapos may nakita akong isang pamilyar na mukha na dadaan sa harapan namin kaya naman tumayo ako para salubungin siya. "Troy!"

"Hey," bati niya bago ako bigyan ng isang maikling yakap. "Kamusta?"

"Okay lang," sagot ko. "Ikaw?" tapos tumingin ako sa likod niya. "San sina James? Si Hannah?"

"Si James nandun sa Remy, kasali kasi si Enrico sa track." sagot niya tapos napakamot siya sa batok niya. "Si Hannah... ewan ang labo."

Kumunot noo ko, "Bakit? Ano nangyari?"

"Wala," umiling siya at ngumiti. "Para kasing ano, may tinatago."

"Baka may surprise sa'yo?"

Bahagya siyang tumawa bago umiling at lumunok. Nag iwas siya ng tingin na para banag nahihirapan na siya bago niya 'ko tapikin sa balikat. "Sige na, mauna na 'ko doon." tumango na lamang ako at hinayaan na siyang umalis.

"Si Troy 'yun diba?" tanong ni Ethel ng bumalik na 'ko sa pwesto namin. May mga maliliit at pabilog na lamesa kasi dito sa labas ng ministop at dalawa ang sakop namin. "Ano sabi?"

Ngumuso ako at nagkibit balikat, "Si Hannah daw parang may tinatago?"

Bakit naman magtatago si Hannah kay Troy?

A & AWhere stories live. Discover now