"Si Asher ba hindi mo tinawagan?"

"Tinawagan din kaso..." nagpout ako. "Binabaan niya 'ko at sinabing matulog na."

Hindi sumagot si Jared at matagal din kaming natahimik. Akala ko pa nga nakatulog na siya 'kung 'di lang siya nagsalita.

"Will you sleep na if I sing to you?"

"Opo."

"Okay..." bahagya akong napangiti at umayos na ng higa. 'Yung cellphone nakalagay malapit sa tenga ko kung saan maririnig ko parin siya.

Just like the old times.

"Somethin' bout the way... somethin' bout the way you look in my eyes." nahigit ko 'yung hininga ko at napapikit ako. "You make everything so damn easy... so easy that I don't got to worry about a thing."

Aaminin ko, namiss ko 'yung mga time na ganito. 'Yung parehas kaming walang problema.

Magkaibigan lang.

"And baby when we touch all I can see is the image of us. Sittin' by the ocean, just before the dusk, sippin' on a juicebox, with sand between our toes.."

Naalala ko 'yung time na tumambay kaming dalawa sa boardwalk. Nung nag open up siya about sa bracelet niya. Naalala ko kung gaano ako kakuntento na nandun lang kasama siya.

"And this is the part when we say we're in love. And the part where we have our first kiss," I remember our first kiss. Tama pa ba na iniisip ko 'yun? Tama ba na inaalala ko? Pwede siguro... kasi pasikreto. Walang makaka alam. "But this ain't a movie, I know you can't come with me... you got your life, he better be treatin' you right."

Don't worry Jared, he is.

"Just tell me you don't love me. Tell me you don't feel the same way that I do. Tell me I don't make you smile like I do when you walk in the room, you're so... so hard to let go... Oh..."

Nagsisimula ng bumigat 'yung mga mata ko at nagiging banayad na 'yung paghinga ko. Pinilit kong manatiling gising hanggang sa matapos niya 'yung kanta. Pakiramdam ko kasi hindi na 'to mauulit pa. Gusto ko siyang sulitin.

"This hurts so much... to know that you're with someone else when you should be with me. It's just hard to accept that I can't be around. He better be treatin' you good. I'm no Einstein but I know a sign when I see one... and I know you love me too...."

I do Jared. I do. God, hindi ako makapaniwalang naiisip ko 'to. Isang tao lang ang pwede kong mahalin... at nakapili na 'ko.

----------

"Tok tok! Tao po!"

Nakita ko si Tita na lumalabas ng bahay nila kaya mas lumawak ang ngiti ko.

"Hi Tita!"

"Oh Adrian, ikaw pala. Napadaan ka?"

"Kakamustahin ko lang po sana si Asher. Okay na po ba siya?"

"Okay lang naman?" parang nagtatakang sabi niya. "Tulog pa e. Anong oras na umu--"

"Ma! Pahinging baon!" sigaw ni Kuya Griffin mula sa loob. "Mala-late na 'ko!"

Binuksan ni Tita 'yung gate nila at pinapasok ako. "Sige, puntahan mo 'yung si Asher doon sa kwarto niya at baka pakielaman nanaman ni Griffin pitaka ko."

Natawa ako sa sinabi niya at tumango, "Sige po tita."

Sabay kaming pumasok at kinawayan ko pa si Kuya Griffin na ngingisi ngisi. Hula ko e nakakuha na 'to ng pera. Loko din e.

Dumiretso ako sa kwarto ni Asher at nakita siya doon na tulog pa. Nakatalukbong 'yung kumot niya sa katawan niya kaya naman lumapit ako at umupo doon sa tabi niya.

"Asher..." pagtawag ko habang dahan dahan hinahawakan 'yung nangungunot niyang noo. "Gising na po." Bahagya siyang gumalaw at nagbuntong hininga. Hinawakan ko naman 'yung buhok niya. "Panget gising ka na po."

Nakita ko ang pagdilat ng isa niyang mata para tignan ako. Nginitian ko siya sabay gumulong siya palayo tapos nagulat ako ng hapitin niya 'ko sa baywang at hilain patabi sakanya.

Napatakip pa ko sa bibig ko dahil muntik pa 'kong mapasigaw si gulat.

"Hmm.. goodmorning." aniya. Nakapikit parin siya pero may ngiti siya sa labi.

Napangiti din ako at hinawakan ko 'yung mukha niya sabay tinapik tapik 'yung pisngi niya. "Bangon ka na."

"Kiss muna?"

"Eh, mabaho hininga mo."

"Ha?" dinilat niya ulit ang isang mata niya. "Hindi kaya. Palusot ka." tumawa ako at ngumuso siya. "Sige na, kahit isang kiss lang."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Pwede naman na siguro diba?

Dahan dahan akong lumapit at hinalikan siya sa noo.

Nagdikit 'yung dalawang kilay niya ng kumunot noo niya, "Bakit doon?" parang iritadong tanong niya kaya naman lumapit ulit ako at hinalikan naman 'yung ilong niya.

Nagulat ako nung dumilat siya at tinitigan ako sabay ang labi ko. Naramdaman ko 'yung pagtanggal niya ng kamay niya sa bewang ko at nahigit ko 'yung hininga ko nang ilagay niya 'to sa pisngi ko.

"Mahal mo ba 'ko?" tanong niya habang dahan dahang lumalapit. Hindi ako makahinga. "Isang tanong isang sagot." bulong niya nang magdikit na ang ilong namin. "Mahal mo ba 'ko?" pag ulit niya tapos sumulyap ulit siya sa labi ko at napakagat siya sa labi niya.

Dahan dahan akong tumango.

"Sabihin mo." utos niya. "Gusto kong marinig."

"I love you... Asher."

Ngumiti siya at lumapit pa lalo. Napapikit na 'ko nang maglapat ang labi namin. Nanghihina ako at pakiramdam ko ano mang oras ay malalagutan na 'ko ng hininga.

Gaano katagal ko ba 'tong hinintay? Etong moment na 'to? Hindi ako makapaniwalang hinahalikan ko na siya.

Mabagal lang 'to at nararamdaman ko 'yung init ng katawan niya. Bigla akong kinabahan nung dahan dahan siyang umibabaw sa'kin.

Teka. Sandali lang.

"A-Asher..." sinubukan kong sabihin sa pagitan ng maiinit niyang halik. "T-Teka.." naramdaman ko 'yung kamay niya sa bewang ko. Dahan dahan 'tong umaakyat.

No!

Mabilis ko siyang tinulak paalis sa ibabaw ko at napaupo ako sabay napahawak sa dibdib ko. Sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko.

"Shit," mura niya. "Shit Adrian sorry." Napalunok ako. "Tangina first kiss mo pa yun.. ah shit." hindi ako makapagsalita. Tumayo siya at binuksan 'yung pinto ng kwarto niya. "Y-You should go. Magkita nalang tayo sa school. Sorry talaga."

A & AWhere stories live. Discover now