"I don't need it." nagulat ako sa sagot niya sa'kin pero hindi na 'ko nakapagtanong pa dahil tumingin na siya kina Tris. "So? What's new? Kwento naman kayo."

"Parang may nagbago kay Jared...." bulong ni Asher sa'kin kaya naman nabaling ang atensyon ko sakanya. "Siguro 'yung piercing niya?"

Nanlaki 'yung mata ko. "Meron?!" pabulong na tanong ko.

"Oo, 'di mo ba napansin? May itim siyang hikaw sa kaliwang tenga. Tignan mo."

Mabilis akong sumulyap sakanya habang busy siya sa pakikipag usap kay Tris. Napatingin pa 'ko sa nunal niya sa pisngi tapos ayun, meron nga siyang hikaw sa kaliwang tenga niya.

Itinulak ko si Asher paharap para makapagtago sa likod niya at mabulungan ko si Ethel.

"Ano 'yun?" tanong niya at napansin ko si Angelo na nakahalukipkip at nakatingin saming dalawa habang nakataas 'yung kilay. Sumenyas ako na 'wag siyang tumingin at umirap lang siya at bumuntong hininga.

Binalik ko atensyon ko kay Ethel. "Kita mo 'yung hikaw niya?"

"Oo," sagot niya. "Meron na talagang nagbago." parang nalungkot siya at pati ako e nalungkot. Ako ba ang dahilan ng pagbabago niya? 'Wag naman sana. Bumalik sa kami sa dating pwesto bago pa sila magtanong kung ano pinag uusapan namin.

"Hindi ko naman nakasama si Chance masyado..." ang sinasabi ni Jared ng bumalik na ang atensyon ko sakanila. "I was with Link, Theo and Arthur most of the time."

"Sino 'yun?" tanong ni Asher sa'kin.

"Si Chance at Link, dalawa sa mga kaibigan ni Arthur at Theo na pinsan ni Jared."

"Yung sa labas ng room dati?" tumango tango ako tapos nakita kong sumulyap siya sa phone niya.

"Sinong katext mo?" tanong ko sakanya.

Itinago niya 'yung phone niya at sinabing, "Wala, may GM lang." tapos tumingin siya sa labas. "Simula na yata."

Tumingin na din ako at nakita ngang naka pwesto na ang mga dancer na naka green. Mga freshmen.

"Uy simula na." sabi ko sakanila. "Tara nood tayo."

"San tayo p-pwesto?" tanong ni Ethel na tumatayo na.

"Second floor." sabi naman ni Henry. "Tara na."

Nagsitayuan na kami at sakto nagsimula na 'yung music ng freshmen at nagsitilian na 'yung mga tao.

Tumakbo na sina Asher at Angelo doon sa labas. Ang gago iniwan ako! Mas excited pa sa'kin?!

May hagdanan kasi malapit sa gilid ng canteen. Buti nalang bukas ang pinto nito kaya naka akyat kami. Pero matarik kasi 'yung hagdan at muntik pa 'ko masubsob kundi may humila sa dulo ng shirt ko.

Kumalabog ang puso ko at tumama 'yung likod ko sa dibdib ni Jared. Alam ko kaagad na siya. Saulong saulo ko siya.

"Easy beautiful." bulong niya sa tenga ko bago ako bitawan at lagpasan.

"Okay ka lang?" tanong ni Kei. "Muntik ka na dun ah!" tapos kinapitan niya 'ko at hinila hila. "Uy? Tara na! Natulala ka na jan."

Nagpahila na 'ko at dumating na kami sa second floor. Doon kami pumwesto sa kung saan makikita lahat. May iba ding mga nakatambay dito pero lahat ng kaibigan ko e nakasandal sa railings.

"Muntik ka na daw mahulog?" tanong ni Asher tapos hinawakan niya ulo ko, 'yung mata niya puno ng pag aalala. "Okay ka lang?"

"Oo," sagot ko. "Nahila naman ako bago mahulog."

Ngumiti siya at huminga ng malalim, "Buti naman." tapos hinila niya ko at inilagay sa harap niya. Isinandal ko 'yung baba ko sa dalawang kamay ko na nakahawak sa railings at pinanood 'yung mga nagsasayaw habang si Asher naman e nilagay 'yung baba niya sa balikat ko tapos 'yung dalawang kamay niya ay nakalagay sa gilid ko. Aba, wala akong kawala dito at wala din naman akong planong kumawala.

Pinanood na namin sila at ayan si Tris, puno ng pamimintas porket kalaban namin sila. Tatawa tawa pa tuwing may nagkakamali. May ibang nasa baba na nga ang napapatingin sakanya. Gaga talaga.

"Natatakot ako." bulong ni Asher na nakakuha ng atensyon ko.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

Inilipat niya 'yung nga kamay niya sa bewang ko at niyakap ako. "Dahil bumalik na siya."

Nahigit ko ang hininga ko. "Si Jared?" tanong ko sakanya at tumango siya.

"Nakita ko kung paano mo siya tignan dati..." paliwanag niya. "Nag aalala lang ako."

"Isang buwan na ang nakalipas Ash," sagot ko. "Ikaw na pinili ko."

"Sagutin mo na kasi ako." pangungulit niya.

Napasimangot ako. Sinasabi ko na nga ba e! 'Tong loko na 'to nagdadrama lang para sagutin ko na siya! Siniko ko nga.

"Langya ka."

"Mahal mo naman." tapos hinigpitan niya 'yung yakap niya.

"Hindi...." pinalo ko 'yung braso niya. "Ako..." isa pang palo. "Makahinga!"

"Hoy!" sigaw ni Tris. "Landian nanaman kayo ng landian!!"

"Inggit ka lang e." pang aasar ni Asher sakanya.

"Gusto mo Tris tayo maglandian?" sabi ni Kris tapos kumindat siya. Napatawa naman kami tapos si Tris halos sumuka na.

"Heh!"

Bigla na lamang nag ring ang phone ni Asher kaya ibinitaw niya 'yung isang kamay niya sa'kin para kunin 'to at sagutin.

"Hello?....Oh? Bakit?... Ngayon na? Eh kasama ko pa sila-- O.. Oo sige puntahan na kita." binaba niya na 'yung phone niya at nakita ko 'yung pangalan ni Hannah bago niya 'to ibulsa.

Pero tinanong ko parin, "Sino yun?" tanong ko sakanya.

"Ah si James," mabilis na sagot niya at pakiramdam ko nahulog 'yung puso ko. Nakakunot 'yung noo niya. "Pinapapunta na 'ko dun."

"Gamit niya phone ni Hannah?"

"O-Oo, wala kasing load 'yun." tapos hinalikan niya ko sa pisngi. "Punta na ko ah?" paalam niya.

"Sama na ko."

"Wag na, eto naman," ngumuso siya, "Mag enjoy ka nalang dito. Ha?"

"Ba't ba ayaw mo 'ko isama?"

Niyakap niya 'ko, "Eto naman ang clingy. Sasama kita kung sasagutin mo na 'ko ngayon."

Ngumuso ako, "Wag na pala."

Natawa siya tapos hinalikan niya ulit ako sa pisngi. Hinampas ko nga. "Nakaka ilan ka na ah!"

"Sige na," humiwalay na siya tapos bumaling sa mga kaibigan namin. "Oy, una na 'ko." aniya.

"Alis ka na? Kala ko mamaya pa?" tanong ni Kei.

"Pinapapunta na 'ko e." napakamot siya sa batok tapos itinuro niya 'ko. "Pakibantayan ah? Tanga pa naman 'to."

Natawa sila sa sinabi ni Asher habang ako e sinapak siya sa braso.

"Brutal pa." sabi niya bago humakbang paalis. "Bye! Labyu!" tapos tumalikod na siya at tumakbo pababa.

Humalukipkip ako at hinarap 'yung mga kaibigan ko. Agad akong napatingin kay Jared na nakatitig sa'kin habang nakahawak sa ibabang labi niya. Tumaas ang kilay ko at nakita ang naglalarong ngisi niya. Kumindat siya at nahigit ko 'yung hininga ko.

Shet ka Jared.

A & AWhere stories live. Discover now