"Wag mo na sila masyadong isipin bes!" ani Hannah na naka akbay sa'kin. "Birthday mo ngayon at kung tunay na kaibigan sila edi sana naintindihan nila ang desisyon mo? Bitter lang si Jared."

Hindi ako natuwa sa sinabi niya kaya hindi ako sumagot.

Lumalim na ang gabi at kaonti nalang kami. Pero hindi parin sila mawala sa isip ko. Lalo na siya.

"Andy," pag tawag ni Asher sa atensyon ko. Magkatabi kasi kami ngayon at nagk-kwentuhan lang. Andito din sina Enrico, pati sina Hero at Ralex. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya at napatungo ako. "H-Hindi ka ba masaya na andito ako? Nagsisisi ka ba sa desisyon mo?" tanong niya at agad akong umiling.

Hinawakan ko ang kamay niya, "Wag ka masyadong mag alala." sabi ko. "Tsaka hindi pa naman kita boyfriend."

Nag 'Oooooh!' ang mga taong nakapaligid samin at napa ngisi ako.

Naka awang ang bibig ni Asher habang naka titig sa'kin. "Bakit hindi pa?!" tanong niya at napataas ang kilay ko.

"Ano ka? Manligaw ka muna bruto." umirap ako. "Mag dusa ka."

"Tss," aniya bago sumandal sa upuan niya at tinitigan ako. Nakanguso siya. Kyot. Sarap ibalibag. "Kung yan lang ang paraan para makuha ka. Kahit abutin pa 'ko ng taon."

Sabay sabay kaming nag "WEH."

"Tangina niyo talaga pag uumpugin ko kayo." tapos sinamaan niya ko ng tingin. "Pasalamat ka mahal kita."

Nag init ang pisngi ko. Hanggang ngayon talaga hindi ko maisip na ganito si Asher sa'kin. Sobrang open niya na sa feelings niya. Naka ilang beses na ba niya 'ko nasabihan ng 'Mahal kita'? Hindi ko na mabilang.

Pero aaminin ko na hindi ko pa 'to kayang sabihin pabalik. Dahil alam ko kahit papano ay nabawasan na ang pagmamahal ko sakanya at alam kong alam niya 'yon at determinado siyang ibalik ang pagtingin ko sakanya.

Alam ko din na sa loob ng dalawang buwan, nakuha ni Jared ang kalahati ng puso ko. Paano ko ba 'to mababawi? Gusto ko pa bang bawiin?

Gulong gulo parin talaga ako.

Umalis sina Asher ng mga bandang 10pm sa kadahilanang may pasok bukas. Nagpaalam siya ng may kasamang halik sa pisngi at isang 'Mahal kita'.

"Pakipalitan nga pala 'yung wallpaper mo. Nagseselos ako." aniya nung nasa gate na siya at umirap lamang ako.

"Hindi mo 'ko pag aari." binelatan ko siya.

"Hindi pa." ang huling sinabi niya bago maglakad paalis.

-------

Inabot kami ng halos isang oras nina Tita sa pagliligpit at nung tapos na ay naisipan konv tumambay muna sa terrace dahil hindi pa 'ko inaantok.

Naka jacket ako dahil umuulan at medyo malakas ang hangin. Hawak hawak ko ang cellphone ko at tinitignan lang 'yung picture namin ni Jared.

Bakit mo siya sinaktan Adrian?

Pinukpok ko 'yung ulo ko sa inis. Hindi talaga ako nag iisip.

Kumulog bigla kaya naman napatingin ako sa langit. Ang lakas talaga ng ulan kaya naman nakapag desisyon akong pumasok na.

Pero halos napasigaw ako ng makita ko ang isang lalaki na nakaluhod sa may gate at nakatingila. Nagpapaulan. Napatingin ako sa suot niyang damit at nang marecognize ko 'to at walang sabi sabing tumakbo ako papalabas.

"Jared!" gulat na sigaw ko doon sa lalaking hanggang ngayon e nakaluhod sa labas. "Jared!" binuksan ko 'yung gate. "Anong ginagawa mo dito?!"

Wala na 'kong pakielam kahit sobrang basa na 'ko. Sinubukan kong itayo si Jared pero nang marinig ko ang tahimik niyang pag iyak ay napaluhod nalang din ako.

A & AWhere stories live. Discover now