"Ang galing mo!" aniya ng ibaba na niya ko.

"Thank you!" natatawa at nahihiyang sagot ko sakanya.

"Oh picture kayo dali!" singit ni Ate Skylynn na may hawak na camera.

Tumingkayad ako para ma akbayan si Jared at inakbayan niya din naman ako tapos ngumiti kami sa camera.

"Oh si Asher naman!" biglang sigaw ni Tita at napa awang 'yung bibig ko. "Lika dito! Magpicture kayo."

Someone kill me now.

"Ta, ayoko." sabi ko agad pero naramdaman ko ang paghawak ni Jared sa kamay ko.

"Sige na, isang picture lang. Bestfriend mo naman 'yan diba?"

"Jared..." ayoko talaga! Ayokong lumapit sakanya! I mean, sa halos dalawang linggong nakalipas ay naka-move on na 'ko pero syempre bitter parin!

"Bibilhan kitang ice cream? Come on, I know you want to be friends with him again." pinisil niya ulit 'yung kamay ko at naka-pout akong tumango. Tinapik niya 'yung pisngi ko, "Cute mo." bulong niya bago ako itulak papunta kina Tita na kinakamusta si Asher.

"Oh ayan na pala!" ani Tita. "Magtabi kayo. Sky, kunan mo na."

Nagtabi nga kami pero may halos 2 inches kaming pagitan. "Ano ba 'yan?" ani Ate Sky. "Adrian! Umayos kayo. Akbayan mo nga siya Asher."

Ang walanghiya, sinunod agad ang sinabi ni Ate Sky.

Ang init ng braso niya at ang bigat. Nakakairita! Ang sarap niyang ibalibag. Nakahalukipkip ako at nakasimangot. Tapos halos matumba na 'ko ng maramdaman ko 'yung hininga niya sa tenga ko.

"Kahit ngayon lang, magpanggap ka namang masaya ka kasama ako." bulong niya at halos mahigit ko na 'yung hininga ko.

Nakita ko si Jared na nakatayo sa tabi ni Ate Sky, kasama niya din sina Tris at pareparehas silang nakahalukipkip. Tumango si Jared tapos biglang nagsilly face. Agad akong napangiti tapos itinuro niya 'yung camera kaya sinunod ko siya.

Nagflash na 'yong camera at agad na 'kong lumayo kay Asher. "Patingin." sabi ko kay Ate Skylynn. Naki silip din sina Ethel at hindi ako natuwa sa nakita ko.

Ako lang ang nakangiti doon sa picture dahil si Asher ay nakatingin lang sa'kin. Kung dati siguro kikiligin ako pero ngayon napa irap nalang ako. 'Di ko din naman pwedeng i-delete dahil panigurado hahanapin ni Ate Sky 'yun at magtatanong tanong.

"Tita paki bigyan akong copy nun ah?" ani Asher na nakayakap kay Tita. "Tas ano, namiss ko mga luto mo." nakangisi niyang pambobola.

"Punta ka kasing bahay! Etong batang 'to, hindi na bumibisita!" pinalo siya ni Tita sa braso at tumawa naman si Asher.

"Sige 'Ta, next time." tapos pinanggigilan niya na 'yung Tiya ko. "Una na po ako at may susunduin pa 'ko."

"Girlfriend mo?" tanong ni Ate Sky.

Kumindat si Asher, "Nililigawan palang."

Nagpaalam na si Asher. Siguro ay naramdaman niyang ayaw din namin siyang nandito.

"Bakit 'di na kayo nagsasama nun?" tanong ni Ate Sky. "Dati hindi kayo mapaghiwalay ah? Kahit na ba nagkaka girlfriend siya."

"We grew apart." 'yun lamang ang isinagot ko. "Anyway, ate, may after party kila Angelo." itinuro ko si Angelo.

"Saan 'yun?" tanong niya.

"Sa binictican Ate Sky." sagot naman ni Kei.

"Hindi niyo ba hihintayin 'yung announcement kung sino nanalo?" tanong naman ni Tita at agad akong umiling.

"Bukas pa daw 'yun. Sa flag ceremony." paliwanag ko at tumango siya.

"Pano ka uuwi?" tanong ni Ate Sky.

"Hahatid ko po siya." sagot naman ni Jared.

"Osige, 'wag kayo papagabi."

Umalis na sila Ate nung naayos na ang lahat. Hanggang 10pm lang daw ako doon kaya naman may halos anim na oras pa 'ko.

Nagbihis muna kami ng mga kaklase ko at ganun rin 'yung mga naka uniform, kasama na si Jared. At dahil wala 'yung daddy ni Angelo, naglakad pa kami papasok ng base para sumakay sa malaking taxi na mukhang jeep (basta hindi ko alam tawag doon) kung saan marami ang magkakasya. Nakatatlo ata kaming ganun dahil halos lahat ng IV-Elijah sumama.

Medyo nakatulog pa ako sa byahe papunta doon at nagkakaumpugan kami ni Tris dahil maski siya e bagsak. Narinig ko ang pagtawa ni Kris kaya naman inakbayan niya si Beatrice (Ang baho talaga ng pangalan niya! Haha!) tapos pinasandal 'to sa dibdib niya.

Ehem. Ehem.

"Baka magka developan 'yang dalawa." inaantok na bulong ko kay Jared na tumawa lamang.

Hinawakan niya 'yung ulo ko at nilagay 'to sa balikat niya bago ako halikan sa noo. "Pahinga ka muna, medyo malayo pa tayo."

Nakangiti akong nakatulog.

--------

"So wake me up when it's all over. When I'm wiser and I'm older. All this time I was finding myself and I didn't know I was lost!!" naghiyawan kami at sabay sabay na nagtalunan. Hindi naman kami lasing pero sobrang enjoy lang talaga kapag sabay sabay kayong sumasayaw ng mga kaibigan mo tapos walang KJ.

Ang sabi nila, may mga humabol daw at kadarating lang pero hindi ko kilala kung sino. Nung una talaga kainan lang kami tapos kwentuhan hanggang sa nag 6pm na tapos doon na talaga nagsimula 'yung party. Inilabas 'yung mga alak na nasa red cup tapos nagpatugtog na.

Pinagbawalan kaming uminom ng boys kaya hanggang juice lang kami. Si Tris naman e tinawagan pa daw ni Chance para lang pagsabihan. Ano na kaya meron doon sa dalawa? Sila ba? Pero parang may gusto din si Kris sakanya.

Kahit papano naman e napilit ko si Jared na patikimin ako doon sa alak niya pero konting konti lang. Pakiramdam ko nga isang patak lang 'yon tapos inagaw na niya.

After ng halos tatlong kanta. Biglang itinigil 'yung patugtog kaya naman napatingin kami kay Alfonso na hawak hawak 'yong cellphone niya.

"Anong meron...?" nagtatakang tanong ni Ethel at halos lahat kami e nakasimangot na at 'yung iba ay nagrereklamo pero itinaas lang ni Alfonso 'yung kamay niya.

"H-Hello?" sabi ng boses ng matandang lalaki. Malapit lang kasi kami kay Alfonso at naka loud speaker pa 'yung phone niya.

"Sino po sila?" tanong ni Alfonso.

"Kaibigan ka ba ng may ari nitong telepono?"

"Opo...?"

Kumunot ang noo dahil mukhang kinakabahan si Alfonso. Ano bang nangyayari?

"Ah iho, nadisgrasya etong kaibigan mo at ikaw lang ang sumasagot ng tawag."

Nahigit ko 'yung hininga ko. "Ano po?!"

"Oo eh," ani nung matanda. "Tsk, tumatawid kasi tapos ayon may sasakyan. Pwede bang pakitawagan 'yung magulang niya?"

"Opo, s-sige po." nanginginig na ani Alfonso bago ibaba 'yung tawag.

"Sino daw?" tanong ng isa naming kaklase.

Nag angat ng tingin si Alfonso, "Si Asher." agad akong namutla.

A & AWhere stories live. Discover now