Ilang minuto lang, dumating na ang mga pulis dito sa theme park. Prior to that, pinakiusapan ko sila na huwag gumamit ng wangwang para hindi malaman nung sundalo na naririto sila.

Nung dumating sila dito, agad kong sinabi sa kanila ang plano ko. Agad naman silang pumayag dun.

The plan is, we will be divided into two groups. My group and the other group. Papalibutan ng other group ang harap ng horror house at magsisilbi silang distractor ng sundalo. Kakausapin nila ito or anything basta madistract siya at matuon lang ang attention nito sa kanila.

On the other hand, sa pagkakaalam ko, may fire exit ang horror house kaya doon kami papasok ng grupo ko. We will try to get Mandy without the soldier knowing.

Alam kong parang ginawa ko na lang assistant ang mga pulis pero hayaan niyo na lang.

Sana talaga magwork itong plano ko.

"Boss, pahiram po ng baril." Sabi ko dun sa isang pulis.

"Sige, eto." Binigay niya sa akin ang baril niya. "Susulong na ba tayo?" Tanong niya sa akin.

"Opo. Let's get this started." Sabi ko.

Kasama ang grupo ko na mga pulis, pinuntahan namin ang fire exit ng horror house.

Nang makarating na kami sa fire exit ng horror house..

"Mauuna akong papasok, just stay behind and follow me." Sabi ko sa mga kasama ko.

"Okay." Sagot nila.

Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa kinaroroonan nina Mandy. We're making sure na hindi mararamdaman ng sundalo na nandidito kami.

Ayun si Mandy, nakatayo lang. Nasa may bintana yung sundalo patuloy pa ring dinidistract ng mga pulis.

Nakatalikod ito kay Mandy pero panay pa rin ang sulyap sa kanya.

Lumapit pa ako ng kaunti sa kinaroonan ni Mandy pero sinisigurado kong di ako nakikita ng sundalo. Buti na lang medyo madilim dito.

"Pst!" Sitsit ko.

Lumingon siya. Buti naman at mukhang narinig naman niya ako agad.

"Yaba--" Agad kong sumenyas na tumahimik siya. Tiningnan ko yung sundalo kung narinig niya kami.

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon