Pinagmasdan ko si Adrian na nagkakamot ng ulo habang palabas ng classroom. 'Yung mga kaklase naman namin e nagbubulungan, anila'y sino daw 'yong mga 'yun. Tapos nung tinignan ko sila Beatrice e parang wala lang sakanila. Kilala kaya talaga nila? Kasama ba nila 'yun kagabi?

Badtrip!


TANGA

"Hello!" bati ni Arthur pagkalabas ko ng classroom. Windang parin talaga ako na nandito sila.

"Uy, ano ginagawa niyo dito?" tanong ko.

"Yan ba uniform niyo? Or P.E lang 'yan?" tanong naman ni Chance.

"Your school looks awesome! Public ba 'to?" tanong naman ni Isaac.

"It's a private school you idiot." ani Link sakanya.

"Pa-hug kami!!" sigaw ni Theo at dinumog nila 'ko. Pwera lang kay Six at Link na mas piniling panoorin nalang kami.

"Guys, guys, hindi ako makahinga!" sabi ko sakanila. Naging kaclose ko na din kasi sila lalo na't inabot kami ng ala una nina Tris doon kaya nakilala ko talaga sila ng lubos.

Binitawan nila ako at nun ko lang naalala na nakikita pala kami sa loob ng classroom. Jusko! Nakakahiya!

"Where's Kei? Hindi ba sila pwedeng lumabas?" tanong ni Theo.

"May klase pa kasi kami e. Ten minutes nga lang ako dito." ani ko bago sumilip sa classroom. Napakunot noo ako nung nakita kong nakatayo mag isa si Asher sa harap tapos si Jessa na ang kapartner ni Angelo.

"Ganun? We're all waiting for you guys outside e." aniya.

"Nasan si Jared?" hanapin si crush yehey hahaha!

"Tino-tour 'yung girls." sagot naman ni Six. "Bawal sila dito sa fourth floor kasi baka daw makita si Jared nung teachers niyo."

Tumango ako sa sinabi nila. "San pa kayo pupunta nyan?"

"Sama kayo samin. Let's go sa base! May masarap na pizza daw doon e, we wanna try it before we go back to Manila."

Nagpaiwan kasi silang mga highschool dito, nag sleep over sila habang sina Kuya Beau, Kuya Eric, Ate Ashley at Ate Elizabeth (Yung nag v-video na ate nina Arthur at Theodore) umuwi na dahil isang araw lang sila pwede mag absent.

"Osige sige. Sasabihin ko nalang sila, pero maya maya pa matatapos ang klase namin."

"Okay! See you later!" bineso pa ko ni Chance. Sakanilang kambal, mas malandi itong si Chance kesa kay Isaac. Naka ilang halik ata 'to kay Tris kahapon? 'Yung gaga naman tuwang tuwa! Aniya'y ang gwapo daw ni Chance kaya pagbigyan. Mga lasing na din kasi sila.

Ako naman hindi nakainom, pati si Kei dahil bantay sarado kami. Kay Kei e si Henry, sa'kin naman si Jared. I mean, hindi naman sa pinagbawalan ako ni Jared kahapon pero sabi niya sana 'wag daw akong uminom. Eh crush ko? Edi hindi ako uminon! Juice juice lang hahaha! Pa good girl e.

Pagpasok ko sa room, agad akong hinarang ni Sharmaine. "Sino 'yung naka shades tas itim na t-shirt? Ipakilala mo naman ako!" aniya.

"Si Link?" tanong ko bago siya irapan. "Asa!" tapos naglakad na ko pabalik sa pwesto ko kanina.

"Adrianna," napatigil ako sa pagtawag ni Sir. "Dito ka sa harap, partner kayo ni Asher."

"Hala sir! Bakit?" pagprotesta ko kaya naman tumaas ang kilay ni Sir.

"Is there a problem Ms. Gomez?"

Napakamot ako sa ulo tapos tinignan ko si Asher na nakasmirk doon sa harap. Anong nginingiti ngiti neto?

"None sir." sagot ko bago maglakad papunta sa tabi ni Asher.

"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig!" agad na kanta ng mga kaklase ko. Tadyakan ko kaya 'tong mga 'to? Sinamaan ko sila ng tingin kahit na kinikilig naman talaga ako.

Etong si Sir mukhang nananadya e! Ngingiti ngiti din! Nakiki bata.

"Pwede na ba tayong magsimula?" ani Sir at nag 'Opo' naman sila. Hmp! Bahala kayo jan! "Hold your partner's hand."

"Sir naman eh!" reklamo ko nanaman pero hindi niya ako pinansin.

"Tss," ani nung unggoy na katabi ko bago niya higitin 'yung kamay ko. Nag iritan nanaman mga kaklase ko.

Mga bwisit!

At dahil lumilipad nanaman ang utak ko. Nagulat nalang ako ng ipulupot ni Asher ang braso niya sa bewang ko at nauntog 'yung ilong sa dibdib niya.

"Uy!" utas ko.

"Mag focus ka. Tss." aniya. Iniangat ko ulo ko at sinamaan siya ng tingin.

"Sungit." bulong ko. "Pangit naman."

"Anong sabi mo?" tanong niya bago humakbang, ako naman e umatras.

"Wala!"

"And turn!" sabi ni Sir kaya iniikot ako ni Asher bago hapitin nanaman sa bewang kaya humampas 'yung likod ko sa harap niya.

"Aray ko punyeta." inis na sabi ko.

"Bunganga mo." suway niya.

"Nakakabit." sagot ko bago umirap.

"Daniel 'yung kamay mo ayusin mo!" sigaw ni Sir.

"Sir si Kris nantatapak!" reklamo ng isang kaklase ko.

"Kristoffer! Focus!"

"Sorry ser." ani Kris kaya natawa ako.

Narinig ko ang halakhak nina Angelo at Henry. May naalala kasi kami jan sa 'Ser' na 'yan kaya natatawa kami.

"Tinatawa tawa mo jan?" inis na tanong ni Asher. Tumaas ang kilay ko tapos hinarap niya 'ko sakanya.

"Pake mo? Friends tayo?" pagtataray ko.

"Mahal mo 'ko." sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, nakakapikon na 'tong unggoy na 'to ah! Kahit mahal ko pa siya, aba! Kapal ng mukha!

"So?"

"Anong so?"

"Wala kang paki sa'kin kaya wala din akong paki sa'yo."

Kumunot ang noo niya tapos hinila niya pa 'ko ng mas malapit hanggang sa nararamdaman ko na 'yung hininga niya sa mukha ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, "Talaga?"

"Watch me forget about you Asher."

A & AWhere stories live. Discover now