EPILOGUE

1.9M 40.8K 15.5K
                                    

 A/N: I want to thank Ruth Pascua for letting me use her name. Sana nagustuhan mo ang kuwento nyo ni Beckett. And i hope you're doing well. Stay happy and just love <3

And to my readers, again, thank you so much. I love you all.

Happy reading to Iris Gonzaga. LOL. Marami ng nagtatanung kung sino siya. Haha. Kahit sa personal may nagtanung na sakin. Nagulat nga ako kasi may lumapit sakin saka nagtanung ng update. Haha. hindi ako sanay na may nakakakilala sakin dito sa amin as cecelib. But i'm thankful to her, kasi naalala kong may naghihintay pa pala ng update na busy kasi ako eh. Hahaha. Anyways, shoutout kay miss na nakipag-usap sa akin sa may kanto. Hehe. Nakikisagap ako no'n ng wifi kaya nagulat ako bigla ng kausapin mo ako kaya pasensiya na kung nag loading ako at nakatulala lang bago makasagot sa tanung mo. Hindi talaga kasi ako sanay na may kumakausap sakin na taga sa'tin about my stories. Ginulat mo talaga ako. Anyways, HAPPY READING Y'ALL.

And another shoutout doon sa mga inosenteng babae sa GAISANO-CATARMAN nuong nagdaang sabado. Napatigil si Mama kasi may mga babae daw na tumigil at tinuro ako sabay sabi na 'oy, si cecelib'. Haha. Eh, nasa unahan ako tapos mabilis akong maglakad tapos ang daming tao kaya hindi ko napansin. Syempre, nagulat na naman ako. Tawa ng tawa kapatid ko after ikuwento ni Mama. Kaya pala sila napatigil ni Lola. Haha. Anyways, sorry hindi ko kayo napansin. Siguro magkikita pa tayo ulit. Palagi naman akong pakalat-kalat sa Gaisano eh.

HAPPY READING EVERYONE. Sana hindi kayo mahirapan i-pronounce ang mga pangalan ng anak ni Beckett at Ruth. Hahaha. 

EPILOGUE

"PASSPORT, Ma'am." Anang immigration officer kay Ruth ng siya na ang nasa unahan sa pila para sa flight nila papuntang Hong Kong.

Kaagad niyang ibinigay dito ang apat na passport na dala.

Hindi na bago sa kaniya ng tumaas ang kilay ng IO ng makita ang mga pangalan na nakasulat sa tatlong passport na ibinigay niya rito. Mukhang bago ang IO. Kilala na kasi sila rito, palagi kasi silang nagta-travel na mag-anak at pabalik-balik sa ibang bansa para sa mga anak niya na gustong magbakasyon kaya suki na sila ng ibang IO.

Kaagad itong tumingin sa kaniya. "A. B. C. D. E. F.?"

Ngumiti siya. "Yes, but my son's name is pronounced as Abcedef, but written as Abcdef." Binalingan niya ang panganay na anak na sampong taong gulang na. "Say Hi to the IO, baby."

Nagtaas ng tingin si Abcdef sa IO mula sa tablet nitong hawak. "Hi po, Sir. Magandang umaga. Nag-agahan ka na po?"

Mukhang nagulat ang IO sa tanung ang anak niya. "Hi. Oo tapos na. Thanks for asking." Anito saka ang isang passport naman ang tinanung nito sa kaniya. "L. M. N. O. P.? Pangalan 'to?" Bakas sa boses ito na hindi ito naniniwala.

Ngumiti ulit siya. "Yes. Its pronounce as ILIMINOPE, but written as Lmnop. She's my youngest daughter." Kinarga niya ang bunsong anak na babae na naka pink na bonnet at naka pink tutu. Yes, a pink ballet dress. Ayaw nitong magpalita kaya hindi na niya pinilit dahil ayaw niyang ma-late sa flight nila. "Say Hi to the IO, baby."

Her youngest smile and cutely wave her hands at the IO. "Hi po, Sir." Lmnop said in a sing-song voice. "Good morning po. Have a nice day po. Eat your meals right and just love and be happy po." Mas lalong lumapad ang ngiti nito dahilan para mas makita ang malalalim nitong biloy.

"Ang cute ng bunso mo, Ma'am." Anang IO saka ang isang passport naman ang tiningnan. Tumaas na naman ang kilay nito saka tumingin ulit sa kaniya. "Dapat hindi na ako magulat, Ma'am, pero paano ba ito i-pronounce na 'Uvwxyz'."

Natatawang kinagat niya ang pang-ibabang labi saka sinagot ang IO. "Yuvwexeyz."

Napailing-iling ang IO. "Ang hihirap ng pangalan ng anak niyo, Ma'am."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon