CHAPTER 34

1.2M 30K 9K
                                    

Happy reading to Iris Gonzaga. 

A/N: Heto na. Sensya, natagalan :)

CHAPTER 34

NANG MAGISING si Ruth, nakahiga na siya sa malambot na kama at iba na ang damit na suot niya ngayon keysa kanina ng mawalan siya ng malay sa dagat— Beckett! Mabilis siyang bumalikwas ng bangon ng maalala ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. Kaagad siyang luminga-linga, gusto niyang maniwala na hindi niya lang guni-guni ang nakita niya kanina.

Ruth was frantically looking around when her eyes settled on the man standing in the balcony, his back is on her.

Bumilis ang kabog ng puso niya ng makita ang pamilyar nitong likod. Kilalang-kilala niya ang likod na 'yon. How can she forgot the back of the man she loves for so long?

Maingat siyang bumangon saka at dahan-dahan ang hakbang na lumapit sa lalaki. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya habang papalapit siya ng papalapit.

At nang makatayo siya sa likod ng lalaki, hinawakan niya ang laylayan ng suot nitong t-shirt at bigla iyong itinaas.

Her knees buckle when she saw four bullet wounds in his back! Wala sa sariling napaatras siya habang nanunubig ang mga mata.

"I-It's r-really ... Y-you..." Nanginginig ang boses na bulong niya.

When she looked up at him, he was looking back at her over his shoulder.

Parang bumalik lahat ang sakit na naramdaman niya ng malaman niyang wala na ito. Bumalik ang paninikip ng dibdib niya at hindi niya maiwasang magtampo at makaramdam ng galit sa binata.

Bakit hinayaan siya nitong masaktan ng ganun kung buhay naman pala ito? Bakit hinayaan nitong magdusa siya ng ganun?

Dumaloy ang isang butil ng luha sa pisngi niya habang nakatitig sa binatang nakaharap na ngayon sa kaniya.

"B-bakit?" Nanginginig ang boses niya sa halo-halong emosyong nararamdaman. "M-may nagawa ba akong m-masama s-sayo para parusahan m-mo ako ng g-ganito? A-alam mo ba ang s-sakit na naramdaman ko?" Sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata niya. "D-did you know the hell that I'd been through because I thought that I'd lost you?"

Napahagulhol siya ng ipalibot nito sa kaniya ang nga braso at mahigpit siyang niyakap. Naninikip ang dibdib niya sa sakit pero hindi niya maikakaila na masaya siya. Masaya siya na nayayakap na niya ulit ang lalaking mahal niya.

"I'm sorry, Ru. I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit itong humingi ng tawad sa kaniya habang pahigpit ng pahigpit ang yakap sa kaniya. "Sorry. I'm sorry, Ru. Hindi ko gustong gawin 'yon sayo. Kung sa akin lang, hindi ko hahayaan na mahirapan ka ng ganun. But I was unconscious for the five weeks. I'm sorry, baby. I'm really, really, deeply sorry."

Ruth gripped Beckett's shirt as she cries her heart out. She was sobbing loudly, her tears are flowing non-stop and she was out of breath.

"Shh...Ru..." Pinakawalan siya sa pagkakayakap ni Beckett saka sinapo ang mukha niya habang tinutuyo ng mga daliri nito ang mga luha sa pisngi niya. "Tama na. Tahan na. Nandito na ako. Hindi na ako aalis. Hindi na ako mawawala."

Mariin niyang pinikit ang mga mata at pilit na hinamig ang sarili. She counted from one to ten, when she's still not calm, she counted again.

At nang kaya na niyang tumingin sa binata na hindi umiiyak, saka lang niya nagawang salubungin ang mga mata nitong nangungusap.

Dahan-dahan, umangat ang kamay niya para haplosin ang pisngi nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya na ngayon ang kasintahang dalawang buwan niyang pinagluksa.

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon