CHAPTER 31

1M 26.7K 6.9K
                                    

Happy reading to Iris Gonzaga and to all of you. 

CHAPTER 31

ITS HARD to cope, accept and move on. Sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kaniya na magiging maayos din ang lahat, na mawawala din ang sakit, pero walang katutuhanan 'yon. Its hard to accept the fact that she can no longer talk to the man she loves. Na wala ng paraan para makita niya ito, mayakap at mahalikan.

Two months already passed but she's still in hell. She's still in pain and she still can't move on with her life. Oo, sinabi niyang susubukan niyang maging masaya pero ang hirap ngumiti kung nadudurog naman ang puso niya.

Her baby is the only reason why she forced herself to wake up and face the day with fake braveness and strength. No one knows that she's breaking down inside. Ayaw niyang makita iyon ng mga magulang niya dahil mag-aalala na naman ito sa kaniya. Sapat na na ang Papa lang niya ang aalahanin ng mga ito.

She doesn't want to burden her family. Nang magdesisyon siyang piliting maging masaya, kasama na do'n ang hindi bigyan ng alalahanin ang pamilya niya.

Itinago niya sa mga ito ang pagluluksa niya, ang pagiging mahina niya at ang pag-iyak niya gabi-gabi. She hid her pain by being strong for her family.

Because that's Ruth Pascua to everyone. Strong and brave.

"'Nak, kain ka na." Boses iyon ng Mama niya na pumukaw sa kaniya.

Napakurap-kurap siya saka tumingin sa Mama niyang inilalapag sa center table sa sala ang pagkain niya. "Ano po'ng sabi niyo?"

Her mother smiled before putting some food on her plate. "Kain ka na, anak."

"Ah..." Nagbaba siya ng tingin saka tumango. Medyo nakokonsensiya siya na kailangan pa siyang hatiran ng pagkain ng Mama niya. "Sorry, Ma, at dito ko sa Salas gustong kumain." She can't stand eating in the dining table. The memory of that night still haunts her.

"Ayos lang 'yon, naiintindigan ko." Tugon ng Mama niya saka sinalinan siya ng tubig sa baso. "Alam ko naman kung bakit." Hinalikan siya nito sa nuo, "oh, siya, doon muna ako sa kusina."

Tumango siya saka walang imik na nag-agahan. Paminsan-minsan, habang kumakain, sumasagi sa isip niya ang mga ala-ala nila ni Beckett at bigla nalang tumutulo ang luha niya na mabilis naman niyang tinutuyo kaagad. Alam niya sa sarili niya na dapat hindi siya magpatuloy na ganito.

Inabot niya ang cellphone niya saka pinakatitigan ang wallpaper niya na gawa ni Beckett nuong nasa Baguio sila.

Humugot siya ng malalim na hininga ng maramdaman ang paninikip ng dibdib niya. Ang sakit. Ang sakit-sakit pa rin. Kahit kaunti ay walang nabawas sa sakit na nararamdaman niya. Walang nagbago. Para pa ring pinapatay ang puso niya.

"Anak naman, dapat sabay tayong mag-agahan." Boses iyon ng ama niya dahilan para mabilis niyang ayosin ang sarili at bumaling sa ama.

"Pa..." She forced a smile. "G-good morning."

Ilang segundo siyang tinitigan ng Papa niya bago ito umupo sa mahabang sofa paharap sa kaniya. "Kumusta ang gising? Tuloy ka ba mamaya? Gusto mo samahan kita?"

Umiling siya. "Hindi na, Pa. Dadaan pa ako sa Boutique, eh. Kaya ko naman."

Tinitigan siya ng matiim ng ama. "Kaya pa ba?"

Kaagad niyang naintindihan ang tinutukoy nito.

Ngumiti siya saka nag thumbs up. "Kakayanin."

Her Papa smiled. "That's my baby—" tumigil ito sa pagsasalita saka tumikhim, "sorry, ayaw mo pala sa endearment na 'yon. Sensiya na, anak."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerWhere stories live. Discover now