CHAPTER 23

1.3M 27.9K 7.5K
                                    

Hi to Iris Gonzaga and Anne Alcones.

CHAPTER 23

NANG MAKAALIS SILA sa Nalusuan Island, kaagad na dumeretso si Beckett at Ruth sa hilagang parte ng isla. There, they explore every tourist spot they could find. From the Church to the Tops, and to the Temples and flower gardens.

At ng sumunod na araw, umakyat sila sa Osmeña Peak at sa sumunod na araw ang Mt. Manunggal naman ang inakyat nila. At kahit pagod na pagod na siya, nang ayain siya ni Ru na mag hiking ulit kinabukasan sa Mr. Kan-Irag, pumayag siya.

He can't say no to Ru, not because he wants to please her but because he wants to be with her in every moment of her life.

Kaya kahit masakit ang buo niyang katawan dahil hindi naman siya sanay na umakyat ng bundok, sumama siya sa dalaga sa Mt. Kan-Irag. Nag-umpisa sila sa Brgy. Budlaan, pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, nakapasok na sila sa kakahuyan. And after another forty-five minutes or so trekking, they arrived at the beautiful pool fed by the river. At doon nag-umpisa ang river trekking nila. Siya ang nauna para humanap na mas medaling daanan para hindi mahirapan masyado si Ru.

After a long agony, they finally reach the Kabang falls. They have to climb a huge boulder to get there. But it was all worth it, it made Ru happy. He can't forget how happy and excited Ru looks. Mukhang nakalimutan siya nito dahil excited itong lumusong sa tubig at nagtampisaw na parang bata. Siya naman ay pinagmasdan lang ito mula sa gilid ng falls habang kumakain siya ng lunch na dala nila. While Ru join him for lunch after she finally had enough taking a dip.

She looks really happy in the water, so opposite to him.

At sa tuwing umaahon ito para magpasubo sa kaniya ng pagkain, hindi niya maiwasang mapatitig sa tattoo nito sa likod. Hinubad kasi nito ang pang-itaas na damit ng lumusong sa tubig.

His mouth watered. It craves to lick and taste Ru's back. He craved to trail his tongue on her tribal tattoo.

Napabuntong-hininga nalang siya ng magdamit ulit si Ru saka inaya na siyang umalis para magpatuloy sa pagti-trekk. Napailing nalang siya saka mabilis na sinundan ang dalaga na mas nauna sa kaniya.

After another tough climb, they reach the highland valley. Nagpahinga muna sila doon ng ilang minuto bago tumuloy ulit patungo sa Guava trail.

Nang maabot nila ang tuktok ng Mt. Kan-Irag, all he could see is Ru's happy face. At dahil nakita niya itong masaya, worth it ang pagod niya.

Tumabi siya sa dalaga sa pagkakaupo sa malaking bato saka inakbayan ito.

"May bundok ka pa bang gustong akyatin?" Tanung niya.

Mahinang natawa si Ru saka bumaling sa kaniya, "kaya mo pa?"

"Oo naman." He flexed his muscles, "for you."

Inirapan siya nito, "puro nalang para sakin, paano naman ang para sayo?"

"Ikaw...para ka sakin." Pinisil niya ang pisngi nito na ikinasimangot ng huli, "seeing you happy is enough."

"Sus..." Kinurot siya ni Ru sa tagiliran, "tama na nga 'yang mga pa-sweet mo." Humilig sa kaniya ang dalaga saka idinipa ang kamay, "ang sarap sa feeling na nandito no?"

"Hmm-mm..." He wrapped his arm around her waist. "Did it make you forget the pain for a little while?"

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot si Ru. "I'm not in pain, Beckett, I'm in doubt and I'm afraid. But slowly, I'm trying to face it and overcome it. Pasasaan ba matatapos din 'to at mawawala rin."

Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa beywang nito. "I'm here...hindi na ako aalis sa tabi mo."

"We'll see."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon