CHAPTER 16

1.1M 29.4K 12.6K
                                    

To Saira Mae de Guzman: Life is too short to be lived counting the years. Just enjoy the ride and make awesome memories. HAPPY BIRTHDAY. 

To Iris Gonzaga: Head up, stay strong, put on a smile, move on.

And to you who's reading this: You're a hopeless romantic with a bit of a dirty mind and high standards.

CHAPTER 16

NAKATITIG LANG sa kawalan si Ruth habang nakaparada sa gilid ng kalsada ang sasakyan niya. Her thoughts are filled with Sarra and Beckett and the pain in her heart that is starting to suffocate her. Napakurap-kurap lang siya at napukaw ang pag-iisip ng mag-ingay ang cellphone niya.

Humugot muna siya ng buntong-hininga bago sinagot ang tawag ng Mama niya.

"Yes, Ma?" Aniya sa boses na kalmado.

"Ruth, si Papa mo." Nanginginig ang boses ng Mama niya sa kabilang linya. "Sinugod na naman sa Hospital."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka napasabunot sa sariling buhok. "Nasaan kayo? Pupunta na ako."

Kaagad na sinabi ng Mama niya kung saang Hospital ang mga ito naroon. "Bilisan mo, ha? Nasa school pa si Ralph eh."

"Opo, Ma." Pinatay niya ang tawag saka mabilis na pinaharurot ang sasakyan patungo sa Hospital kung saan naroon ang Papa niya.

Mabilis ang pagmamaneho niya hanggang sa makarating siya sa destinasyon. Nang maiparada ang sasakyan, mabibilis siyang umibis ng sasakyan at malalaki ang hakbang na naglakad papasok ng Hospital.

Nang makapasok sa ICU, kaagad na nakita niya ang ama niyang nakaratay sa kama.

"Shit..." Hindi niya mapigilang mapamura ng makalapit sa ama niya at nakita ang kalagayan nito. "Anong nangyari?" Nag-aalalang tanung niya sa Mama niya na walang imik na umiiyak. "Ano na namang ang nangyari kay Papa?"

Hilam ang luha na yumakap sa kaniya ang Mama niya. "Nagkaroon na naman ng Heart attack ang Papa mo. Buti nalang kaagad na dumating ang ambulansiya, kaagad na naisugod sa Hospital ang Papa mo. Natatakot ako, anak."

Hinagod niya ang likod ng Mama niya. "Its okay, Ma. Magiging okay lang si Papa. Huwag kang mag-alala."

Inalo niya ang Mama niya hanggang sa tumahan at kumalma ito.

"Anong sabi pala ng Doctor?" Saka lang niya tinanung ang ina ng hindi na ito umiiyak.

Kumawala ito sa pagkakayakap sa kaniya bago sumagot. "Nabigyan na ang Papa mo ng mga gamot para gumaling siya pero under observation pa rin hanggang sa magkamalay siya. They said that a person having a Heart Attack is at high risk of experiencing a cardiac arrest. Mabuti nga daw at hindi nauwi sa ganun ang Papa mo."

"Ganun ba?" Napasabunot siya sa sariling buhok saka pilit na pinapakalma ang sarili. "Sige, chill ka lang, Ma, okay? Papa is going to be okay."

Tumango ang ina niya saka hinawakan ang kamay ng Papa niya at pinisil iyon. Siya naman ay lumabas ng ICU para hindi makita ng ina niya ang pag-aalala at takot sa mukha niya. Ayaw niya makita nitong kinakabahan siya sa lagay ng Papa niya.

Nakaupo siya sa waiting area na nasa labas ng ICU ng tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, nagdalawang isip siya kung sasagutin iyon. Pero sa huli, sinagot din niya.

"May kailangan ka?" Kaagad niyang tanung kay Beckett na siyang nasa kabilang linya.

"Mag-usap tayo."

"I can't." She finger-combed her hair. "Nasa Romero's Main Hospital si Papa. Hindi ko puwedeng iwan si Mama ng mag-isa."

"Pupuntahan nalang kita diyan." Wika nito na parang nagmamadali.

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ