CHAPTER 28

1.5M 28.9K 7.9K
                                    

Hi to Iris Gonzaga.

Comment here kung gusto niyong magpabati. First 30 ulit. Yong mga nabati na nuong una, huwag na po ngayon. And it would be nice if name niyo po ang ilagay sa inline comment sa halip na account name niyo. Again, inline comment po para mabasa ko kaagad.

CHAPTER 28

MAHINANG NATAWA si Ruth habang pasulyap-sulyap sa kasintahang natutulog sa passenger seat. Napailing siya ng maalala ang pag-ayaw nito na siya ang magmaneho, pero nagpumilit siya. Alam niyang puyat ito dahil sa mga nagdaang gabi na sinasamahan siya nito sa pagbabantay sa Papa niya. Siya lang ang natutulog at nagpapahinga habang ang binata ay binantayan siya at ang Papa niya hanggang sa magising siya.

Kaya naman gusto niyang makabawi sa kasintahan ng ma-i-discharge ang Papa niya sa Hospital. Pagkatapos niyang siguraduhin na maayos na ang lagay ng ama, siya na mismo ang nag-impake sa damit ng binata at sinurpresa niya ito kaninang madaling araw.

Beckett strongly disagrees with her when she told him she will drive to Baguio while he rest. Pero wala itong nagawa dahil pinilit niya ang gusto. Alam kasi niya kung gaano kapagod ang binata.

So here they are, nearly in Baguio and Beckett is still asleep.

Ang plano niya ay dumeretso kaagad sa Sagada pagkadating nila sa Baguio. Makakaya pa naman niya magmaneho, mabagal nga lang, pero ayaw niyang maging insensitive. Beckett has been taking care of her these fall past few days. He had been deprived of sleep because of her. Siya naman dapat ngayon ang mag-alaga rito.

So she changed her plans. Nang makarating sa Baguio, ginising niya si Beckett para sabay silang makapag-check in sa Hotel na pina-book niya kanina lang ng itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada para uminom ng tubig.

"Name, Ma'am?" Tanung ng Receptionist sa kaniya.

She smiled politely. "Ruth Pascua."

"Card or cash, ma'am?"

"Card." Si Beckett ang sumagot saka naghikab ito at ibinigay sa Receptionist ang Card nito.

The Receptionist blinked at Beckett. Halata ang atraksiyon sa mga mata nito habang nakatitig sa kasintahan niya. And she can't help but to feel proud because her man is just so handsome and he only looks at her.

Pasimple niyang inilapit ang bibig sa taenga ni Beckett saka pubulong na biniro ito, "the Receptionist is attracted to you, charm her, baka maka-discount tayo."

Hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya ang kasintahan. "Panamimigay mo ba ako?"

Kinindatan niya ito, "basta ba isauli ka lang niya pagkatapos, bakit hindi?"

He gaped at her, still in disbelief. "Ano ako, bote na hiniram sa isang tindahan?"

Malakas siyang natawa na ikinalingon sa kaniya ng Receptionist. She instantly sobered up and smiled sweetly at Beckett. "Binibiro lang kita. Bakit naman kita ipapamigay, eh, akin ka."

Finally, Beckett smiled. "That's more like it. Hindi ko yata kakayanin kung ipapamigay mo ako. I'll die."

"Asus." Kinurot-kurot niya ang tagiliran nito saka naglalambing na hinalik-halikan ito sa leeg. "I love you, baby."

Beckett kiss her cheek and lips, "I love you too."

Nangingiting kinuha niya ang Bag niya na ito na naman ang nagdala. "Akin na 'to," aniya, "you're tired. Baka mag pass out ka sa pagod at puyat."

"Ru, I'm fine—"

"Baby," may babala ang boses niya, "makinig ka sakin. Don't make me worry."

Nagpaubay ito at naglalambing na yumakap sa kaniya saka nakangiting ginawaran ng halik ang tungki ng ilong niya. "Thanks for driving by the way. Pasensiya na, alam kong napagod ka sa biyahe."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerWhere stories live. Discover now