CHAPTER 30

1M 26.9K 9.3K
                                    

Hi to Iris Gonzaga, Ivy Gonzaga, Anne Alcones, Kyrene Daug, Doc. Gra Oquendo and Joanne Alsonado.

CHAPTER 30

"NASAAN SI Papa?" 'Yon kaagad ang namutawi sa labi ni Ruth ng magkamalay siya. "Nasaan si Beckett?" Wala siyang pakialam sa sariling kalagayan, ang gusto lang niya ay malaman ang kalagayan ng mga mahal niya sa buhay. "Nasaan ang Papa ko?!" Sigaw niya ng walang sumagot na Nurse sa kaniya at nagpatuloy lang sa pag-aasikaso sa kaniya.

"Ma'am, please." Pakiusap ng Nurse sa kaniya. "Mahahablot po ang IV niyo."

Hindi siya nakinig at nagmatigas. Gusto niyang malaman ang lagay ng mga importanting tao sa buhay niya. "Nasaan si Papa?! Ralph!" Malakas ang boses na kuha niya sa atensiyon ng kapatid niyang nakatitig lang sa kawalan at wala sa sarili. "Ralph! Sagutin mo ako! Ralph!"

"Ma'am, please, dudugo po ulit ang sugat niyo." Pakiusap ng Nurse habang pinipigilan siyang gumalaw.

Hindi siya nakinig. Pilit siyang umaalis sa kama para makita si Beckett, ang Mama at Papa niya pero pinipigilan siya ng mga Nurses na ikinagagalit niya.

"Ralph! Ano ba! Sagutin mo ako. Ralph! Ano ba! Bitawan niyo ako!"

Nabaling kay Khai ang atensiyon niya ng makita itong pumasok sa kuwarto niya. Para itong wala sa sarili habang naglalakad palapit sa kaniya.

He's in uniform meaning he's on duty.

"Khai..." Nagpumilit siyang umalis ng kama kahit pinipigilan siya ng mga Nurses. "Khai...nasaan ang Papa ko?" Nag-uumpisa ng manubig ang mata niya lalo na ng maalala ang lagay nito bago siya nawalan ng malay. "Si Beckett? Si Mama? Nasaan sila? Okay lang ba sila? Sagutin mo—Khai!" Bigla niyang sigaw sa pangalan ng kaibigan na parang wala pa rin sa sarili. "Answer me, damn it!"

Napakurap-kurap ito saka napahawak sa batok bago nagsalita."Leave us for a minute." Pakiusap ni Khai sa mga Nurses na kaagad namang sinunod ng mga ito saka humarap ito sa kaniya ng silang dalawa nalang ang naroon. "Ruth..." Hinawakan siya nito sa kamay. "Just relax, okay—"

"No! I can't relax!" She shouted at Khai as she clutch her wound. "Nasaan si Papa? Si Beckett?" She felt so hopeless while she begged for an answer. Her wound is aching but she doesn't care. Mas importante sa kaniyang malaman ang lagay ng mga mahal niya sa buhay. "Please...sagutin mo naman ako." Pakiusap niya sa binata. "Nasaan ang Papa ko? Kasama ba niya si Mama? Okay lang ba siya? Nakaligtas ba siya? Si Beckett? Is he outside? Is he okay? Please...tell me that they're okay..." She was crying and pleading, "please, Khai..."

Tiningnan siya sa mga mata ng kaibigan at nakaramdam siya ng pangamba. May nababasa siya sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan pero natatakot siya.

"Okay si Papa, diba?" Tanung niya, nananalangin na sana walang nangyaring masama sa ama niya.

Ilang segundo ang lumipas bago tumango si Khai saka nagpaliwanag. "Ayos lang ang Papa mo. Katatapos lang ng Surgery niya pero hindi pa rin daw puwedeng makampante. Hindi naman malala ang tama niya pero dapat pa rin daw na obserbahan."

Nakahinga siya ng maluwang kahit papaano at mabilis na tinuyo ang mga luha. Salamat sa Diyos at ayos lang ang Papa niya. Nabawasan na ang takot na nararamdaman niya.

"Si Beckett?" Sunod niyang tanung. "Okay na rin ba siya? Puwede ko ba siyang makita? Promise, I'll be good. Hindi na ako magwawala pa ulit. Gusto ko lang siyang makita na ayos siya at—"

"He's gone."

Those two words made her world stops spinning. "W-what do you mean?" Hindi tinatanggap ng isip niya ang narinig na sinabi ni Khai. Her mind can't—no, it doesn't want to process that kind of information. "You're joking, right? I mean...he...c-can't be gone."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon