CHAPTER 24

1.3M 27.8K 17.2K
                                    

Hi to Joanne Alsonado, Danna Mae Sagario and Hikari Winchester. 

'To Iris Gonzaga: God found some of the strongest women and made them Nurses. 

Hi to ALL: Comment here 'yong gustong magpabati  sa next chapter. First 30 comments po.

CHAPTER 24

NANG DUMATING SI Ruth sa napag-usapan nilang Restaurant ni Sarra, wala pa doon ang babae. Sarra is late but she waited patiently for her since she's the one who's at fault. Nang dumating ang kausap, nakataas ang kilay nito nang umupo sa kaharap niyang upuan.

Nakangiting binati niya si Sarra, "Hi—"

"Ayaw kitang kausapin..." Nakataas ang kilay nitong sabi, "pero nagmamakaawa ka eh."

Pasimpleng tumiim ang bagang niya pero hindi niya pinatulan ang pagtataray nito. Pinaalala niya sa sarili na may kasalanan siya rito.

"Salamat at pumayag ka na magkausap tayo." Wika niya sa mahinahong boses.

Pumilantik ang mga daliri nito sa ere, "well...what is it that you want to say to me? Huwag mong sayangin ang oras ko."

"I want to talk to you so I could, ahm," huminga siya ng malalim, "apologize."

"You should." Tumalim ang mga mata nito. "Akala mo hahayaan kong maging sayo si Beckett? Hell, no."

Kumulo ang dugo niya sa babae pero kinalma niya ang sarili. Siya ang may kasalanan, dapat siya ang magpakumbaba. Dapat siya ang umintindi.

"I, ahm," humugot siya ng malalim na hininga at tiningnan si Sarra sa mga mata. "Gusto kong humingi na tawad sayo kasi nasira ko ang kasal niyo sana ni Beckett noon."

Hinintay niyang may makitang emosyon sa mukha ni Sarra tulad ng gulat o galit pero wala, kaya naman nagpatuloy siya sa paghingi ng tawad.

"I'm sorry. Hindi ko sinasandyang sirain ang kasal mo." Hindi siya nagbaba ng tingin, mata sa mata ang gusto niya para makita ni Sarra na seryuso siya sa paghingi niya ng tawad. "Ang gusto ko lang ng mga panahong 'yon ay mapansin ako ni Beckett. I admit, that was a desperate move in my part. I lost my self-respect so that I could have that moment with him. And I'm so sorry that it took me years to apologize to you personally. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko, hindi ko akalain na makakasira ako ng kasal dahil sa kagustuhan kong mapansin ako ng taong mahal ko. Sana mapatawad mo ako."

Pagkatapos niyang magsalita, nabalot sila ng katahimikan ni Sarra. Pareho silang nakatitig sa isa't-isa, binabasa ang emosyon sa mukha ng bawat isa pero wala siyang mabasa kay Sarra.

Then she spoke in a taunting voice. "So, you're sorry, huh?"

Tumango siya. "Sana mapatawad mo ako—"

"Of course not." Sarra looked at her with disdain. "Lumuhod ka muna sa harapan ko. Sa laki ng kasalanan mo sakin, hindi pa 'yon sapat para patawarin kita pero kung luluhod ka ngayon din, baka, mapatawad kita."

Walang pag-aalinlangan siyang tumayo. Seryuso ang paghingi niya ng tawad at patutunayan niya iyon sa kahit na anong paraan na gusto nito. Alam niyang masyado niyang nasaktan si Sarra dahil sa ginawa niya noon at kung gusto nitong lumuhod siya, gagawin niya dahil malaki naman talaga ang pagkakasala niya sa babae.

"Lumuhod ka na." Utos ni Sarra ng nasa harapan na siya nito.

Humugot siya ng malalim na hininga at mariing ipinikit ang mga mata niya. Ma-pride siyang babae, alam niya iyon, pero kaya niyang apakan ang pride niya para makahingi ng tawad sa kabaro na nasaktan niya.

Slowly, her knees folded as she slowly kneels in front of Sarra. Dinig niya ang bulungan ng mga tao sa loob ng Restaurant dahil sa ginawa niya pero hindi niya pinansin ang mga ito.

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon