CHAPTER 18

1.2M 31.1K 6.2K
                                    


Kaway-kaway to Iris Gonzaga.

At Happy Birthday sa lahat ng may Birthday :)

CHAPTER 18

PABAGSAK na naupo si Ruth sa bakanteng upuan sa inuukupang mesa ni Khai. Inimbitahan siya nitong mag-kape at dahil tapos naman na ang kailangan niyang gawin para sa kasal ni Gladz, pinaunlakan niya ito.

"Umorder na ako ng para sayo." Wika ni Khai sabay lahad ng kamay sa Java Latte at isang slice ng strawberry cake na nasa ibabaw ng mesa. "Anyways, how's life?"

"Nagkikita palang tayo last week." Nailing siya, "but to answer your question, I'm good. Busy. And bored."

Mahinang natawa si Khai. "And?"

Tinaasan niya ng kilay ang kaharap. "And what?"

"Do you miss him? Palagi ba siyang laman ng isip mo?"

Pinukol niya ng masamang tingin ang lalaki. "Sa bawat pagkikita natin, palagi mo siyang pinapaalala sakin. Sa susunod na ipaalala mo pa, sasakalin na talaga kita."

Khai grinned. "Kasi naman eh." Napakamot ito sa batok. "Tatlong buwan na ang lumipas mula ng umalis siya pero mukhang normal ka naman. Hindi kita nakitang umiyak o kaya naman nagmukmok. Are you sure you're normal?"

Inirapan niya si Khai. "Ewan ko sayo. Kung nagmukmok naman ako, pagagalitan mo ako. Tapos ngayong okay ako, nagrereklamo ka naman. Seriously, Khai, what do you want from me?"

"For you to be normal."

Mahina siyang natawa. "I am normal."

"No. You're weird."

"Nope."

"Yes."

Tinuro niya ang puso. "Okay na siya, Khai. Okay na okay na. After the soul searching I did in Mt. Pulag, Mt. Daraitan and Mt. Ulap with you, pagkatapos ng pananakit ng buong katawan ko pagkatapos kong akyatin ang mga bundok na 'yon maging okay lang ako, alam mo naman 'yon kasi kasama kita, pagkatapos kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyari sakin, pagkatapos kong lumuha ng balde-balde, siyempe, tinago ko 'to sayo, at pagkatapos kong mahalin at intindihin ang sarili ko, my heart is finally okay." Aniya para maintindihan nito ang nararamdaman niya. "Tapos na ako sa parteng 'yon ng buhay ko, ayoko ng balikan ang sakit kasi hindi ko kakayanin kung mararamdaman ko ulit 'yon. I already cried a river because of him. Enough is enough. May awa naman ako sa sarili ko. Kung ano man ang nakikita mo ngayon sakin, yon na ang ako ngayon. Huwag ka ng magreklamo diyan."

Umiling-iling si Khai saka napabuntong-hininga. "Nakakainis ka. Hinanda ko pa naman ang balikat ko para iyakan mo."

Inungusan niya ang binata. "Baliw. So gusto mo akong umiyak ng sandamakmak na luha, ganun?" Pinandilatan niya ito. "Hello! Tatlong buwan na mula ng mag-end ang katangahan ko. Naniniwala akong matalino na ako ngayon."

Natawa si Khai sa huli niyang sinabi. "Umuwi siya kaninang umaga para sa kasal ni Pierce."

"Eh di umuwi siya." Kibit-balikat niyang sabi. "Hindi ko naman pag-aari ang lalakaran niya pauwi, so chill lang ako."

"Chill ka lang ba talaga, Sexy?"

Seryuso niyang tinitigan si Khai. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Ilang segundo siyang tinitigan ni Khai bago sumagot. "Hindi. "

"'Yon naman pala, eh." Sumimsim siya ng Java Latte saka ngumiti. "Anyways, Mr. Policeman, change topic na tayo. Ayokong ma-toxic kaya pag-usapan nalang natin 'yong susunod na bundok na aakyatin natin. And you owe me. Sabi mo dadalhin mo ako sa Cafe in the Sky pero hanggang ngayon, drawing ka pa rin."

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon