CHAPTER 21

1.3M 29K 11.3K
                                    

Hi to Iris Gonzaga and Joanne Alsonado. 

CHAPTER 21

RUTH WAS reviewing Khai's Itinerary for their two weeks' vacation when someone tapped her on her shoulder. Kaagad niyang nilingon ang kumalabit sa kaniya at napatanga siya ng hindi si Khai ang nakita niya.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Beckett showed her two tickets. "Khairro is busy. He's ahm, he's beat up."

Kumunot ang nuo niya. "Anong ibig mong sabihin? We talked last night. Siya ang sasama sakin—"

"Bakit, ayaw mo akong makasama?"

Natigilan siya. "Ha? H-hindi naman sa ganun..."

"Naka moved on ka na diba?" He looked her in the eyes like he's challenging her. "If you really moved on like you said, my presence wont bother you at all. And anyways, its just two weeks. Hindi naman 'yon ganun katagal."

He's right. She already moved on. Bakit ba siya magpapa-apekto dito? Isinara na niya ang bahaging iyon ng buhay niya. Dapat niyang patunayan sa binata na wala na talaga itong babalikan, na ayaw na niya.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka inagaw ang ticket na hawak nito. "Lets go." Aniya saka nauna nang naglakad patungo sa check in counter.

Pagkatapos mag checked-in, kaagad silang pumasok sa Boarding gate. At dahil bukas na ang gate na makarating sila sa gate number nila, deretso silang sumakay sa eroplano.

As Ruth settled herself in the seat next to the window, she glanced at Beckett. Kanino pa ito tahimik at sumusunod lang sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay niya ng mapansing may hawak itong papel kung saan naka-print doon ang Itinerary na sinend sa kaniya ni Khai kagabi.

"Bakit mo binabasa 'yan?" Tanung niya sa binata.

His eyes are glued on the paper. "Pandanon Island, Olango Island, Nalusuan Island, Pescador Island, Sumilon Island, Whale Shark Watching, Tumalog Falls, Kawasan Falls, Kalanggaman Island, then Boracay, Coron, El Nido and Palawan...these are all water."

"So?"

"I hate water."

"So hindi ka naliligo?" Pabiro niyang tanung sa binata.

"Its not that." He sighed and looked at her. "Alam mo 'yong sa sobrang lalim ng dagat tapos yong kulay blue niyang kulay ay nagiging itim na? Do you know how scary that looks? At wala ka pang ka-ide-ideya kung anong nasa ilalim no'n."

Mahina siyang natawa. "Seriously? 'Yon talaga kinakatakot mo?"

"Yeah...that deep dark water..."

"Eh bakit ka sumama sakin?"

Nagkibit-balikat ito. "Gusto kitang makasama eh."

Hindi niya alam kung bakit napangiti siya sa sinabi ng binata. "Ingat din, baka dahil sa kagustuhan mong makasama ako, ikapahamak mo pa."

Beckett glanced at her. "Then so be it."

Inirapan niya ang binata. "Tama na nga 'yang ka sweet-tan mo."

"Bakit? May epekto ba?"

Ipinakita niya sa binata ang gitnang daliri niya saka ipinikit ang mga mata. Hanggang sa nag take off at nakalapag sila, nagpanggap siyang tulog at hindi kinausap ang binata.

Nang makababa sila ng eroplano at makalabas ng Airport, si Beckett ang nagtanung-tanung kung saan ang sakayan niya patungo sa pupuntahan nila. Hinayaan niya lang ang binata, ang bigat kasi ng backpack niya para maglakad-lakad siya. Masakit sa balikat at likod.

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon