"Syota? Okay ka lang? Anong tingin mo sa mga babae, basta-basta na lang shino-syota??" - Mandy

"Oo na. Oo na. Sorry." Sabi nung sundalo. Tinutok niya ulit ang baril sa amin. "Anong ginagawa niyo rito?"

"M-malakas kasi ang ulan tapos ito lang ang nakita naming pwede masilungan." Ako

"Weh?" Sundalo

"Oo nga." Tss. May pagkachismoso rin tong sundalo na to ah. =__=

"Paano mo napagkakatiwalaan itong lalaking to?" Tanong niya kay Mandy.

"Napagkakatiwalaan naman yan kahit di halata." - Mandy

Tumango yung sundalo. Humithit muna siya ng sigarilyo at saka tumingin sa malayo.

"Nagkaroon din ako ng syota."

Nagkatinginan kami ni Mandy. At binalik ulit ang tingin namin sa kanya. Magkukwento ba 'to ng talambuhay niya?

"Sa loob ng isang taon, binibisita niya ako every week. Sobrang saya ko nun. Kaya lang, nalaman ko na lang na umibig na pala siya sa isang security guard. Bwisit." Nagsimula na siyang umiyak.

"Kahit yung aso ko, nilayasan na rin ako para lang sa isang askal. Ang aking Yorkshire terrier. Letse!" Tinutok niya ulit ang baril niya sa amin. "Ako na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Pinangako ko sa sarili ko na papatayin ko silang lahat!! Letseng buhay to! Aaaaaaagh!" Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

"Alam niyo ba niyo ba kung anong araw ngayon ha? Ha?" Tanong niya sa amin.

Umiling kami. Ba naman to, para kaming tanga na nakikinig sa kanya. =___=

"Letseng buhay toooo!!! Aaaaaagh!!!!" Sinubo niya ang baril niya kaya lang nabilaukan siya.

"Pssst. Alam mo ba ang mangyayari kapag binaril mo ang bunganga mo?" Pabulong na sabi ni Mandy sa akin.

"Hindi." Pabulong din na sagot ko.

"Sa pagkakaalam ko, sasabog daw ang utak mo kapag ginawa mo yun." Mandy

"Oo nga. Sa pagkakaalam ko rin, ganito raw kalaki yung hole sa utak mo." Bumuo ako ng malaking bilog gamit ang mga kamay ko.

"Woah! Totoo?" Mandy

"Oo--"

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?! Huwag nga kayong joker!" Nagsisimula na ulit siyang umiyak. "Aish! Bwisit.. BWISIT!"

Tinutok niya na naman ang baril sa amin. "Kahit kayo hindi niyo ako sineseryoso!"

"That's why don't be too foolish." Sabi ko. Hindi ko na napigilan. Kailangan niyang maliwanagan.

Mandy's POV

"Foolish? Paano naman ako naging foolish!? Ha?" Sundalo

"Kahit gawin mo 'to, hindi pa rin siya babalik." Sabi ni Yabang. Napansin kong bigla siyang nalungkot. Nakakarelate ba siya kay Manong sundalo?

"Alam ko. Oo, alam ko. Kaso kapag nalaman niyang patay na ako, madudurog ang puso niya. Magsisisi siya na iniwan niya ako."

"Hindi. Mali ka. Mawawala rin yang sakit na nararamdaman mo. Trust me." Parang nakakarelate nga siya.

"Dumaan ka na rin sa ganito?" Sundalo

Napabuntong-hininga siya. "Oo. Ganun na nga."

Mukhang masaklap yata ang nakaraan niya ah. Nacu-curious tuloy ako.

May naalala ako bigla..

"They're gone." Sagot niya nung tanungin ko kung nasaan ang pamilya niya.

"Gone? Silang lahat?" Ako

Ningitian niya lang ako.

Baka tungkol sa pamilya niya. Hmm. Matanong nga minsan. Kaya lang, parang ayaw naman yata niyang pag-usapan yun.

"Aissh, kapag nahuli ako dito, sa kulungan talaga ang bagsak ko nito." Sundalo

"Talagang mabubulok siya doon. Psh" Pabulong na sabi ko kay Yabang.

"Oo nga." Sagot niya.

"Wag niyo nga akong ini-interupt!" Akmang ibabato sana ni Manong sundalo sa amin ang baril niya.

"Sorry, may sinasabi lang naman siya eh." sabi ni Yabang.

"Anyway, Manong, ikaw na ang responsible sa lahat ng actions mo." Sabi ko.

"Uhm, excuse me po, nakikiusap ako, pakawalan mo na po siya." Sabi ni Yabang. Yan! Sige sige. Waaah! Gusto ko ng makaalis dito!!

"Paano kung ayoko?" Sundalo

"Uhm.. kung ayaw mo..... edi ako na lang ang pakawalan mo." Yabang

Ano?? Napakasalbahe naman ng mayabang na 'to!! Makasarili! Huwag manong sundalo! Huwag!!! >___<

"Kung iisipin..." Tinutok niya ang baril niya sa akin. "Naaalala ko sayo ang hinayupak kong ex." Binalingan niya sa Yabang. "Kaya ikaw, pwede ka ng umalis."

O______O No way! Pinandilatan ko si Yabang. Aaargh!! Huwag siyang magkakamaling iwan ako dito!

"At ikaw, sama-sama tayong mamamatay dito! Kuha mo?!" Sabi niya sa akin sabay kasa ng baril.

"H-ha?" Ayoko pang mamatay! Magpapakasal pa kami ni Jules at magkakaanak ng limang anak! >___< Kahit kailan talaga pinapahamak ako ng mayabang na yun!

"Hoy ikaw. Kalimutan mo na tong babaeng to at humanap ka na lang ng iba. Kuha mo?! Umalis ka na." Sabi niya kay Yabang.

"Ayoko. Sama-sama na tayong lumabas dito. Tayong tatlo. Maawa ka naman po sa babae." Yabang

"Aalis ka ba o hindi?" Tinutok pa niya lalo ang baril niya sa ulo ko. Aray! " Kung hindi, pasasabugin ko ulo nito!"

"Sir, huwag mo namang gawin sa babae yan--"

Nagsimula na itong magbilang. "Isa..... Aalis ka o hindi? Dalawa...."

"Y-yabang.. H-huwag mo kong iwan..." Naiiyak na sabi ko.

Charles' POV

Aisssh! Bwisit na sundalo to!

"Sir, huwag mo namang gawin sa babae yan--" Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Isa..... Aalis ka o hindi?? Dalawa...."

"Y-yabang.. H-huwag mo kong iwan..." Naiiyak na si Mandy.

Shit. Kung di ako aalis dito, mapapahamak si Mandy. Kung lalabanan ko naman yang sundalong yan, baka mas lalong mapapahamak si Mandy. Mapapatay ako ng ate at mommy nito kapag may nangyaring masama sa kanya.

Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako. "Mandy, huwag ka masyadong mag-alala. Hindi naman talaga siya masama eh."

"Y-yabang... H-huwag mo akong iwan.." Mandy

"You'll come out safely. I promise." Sabi ko

"I-iiwan mo akong mag-isa dito?! Makasarili ka talaga!!" Mandy

"Wala na akong choice Mandy." Naglakad na ako palabas ng horror house. Tsss. Sana tama ang desisyon ko..

Mandy's POV

"Yabang! Huwag mo kong iwan!"

Arrgh! Nakakainis talaga yang mayabang na yan! Kapag ako, namatay dito, talagang guguluhin ko ang buhay niya! Walangyang lalaking yun. Nakakainis!!!

"Hahahahahaha! Masaya ako na may kasama na akong pupunta sa kabilang buhay ngayon." Kinasa na niya ang baril na nakatutok pa rin sa ulo ko.

*to be continued*

X X X X X X X X X X X X X X X X X 

Inspired ito sa movie na My Sassy Girl. Magulo ba? Sana nagets niyo mga ganap dito.  Hehe.

Pahingi comments!

Slowding ♥

I'm In Love With My Sister's Boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now