Khai looked down, "I'm sorry, Ruth. Nahuli ako ng dating. Kung sana mas tinutukan ko pa ang pagmamasid sa mga galaw ni Sarra, hindi mangyayari 'to. Pasensiya na, hindi ko alam na ganito kalala ang kalalabasan ng lahat. Sarra is already in custody and she will remain in jail. I promise you that. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. I take full responsibility, Ruth."

Umiling siya, hindi naniniwala sa sinabi ni Khai tungkol kay Beckett. Hindi 'yon totoo. Binibiro lang siya nito.

"H-hindi..." Umiling ulit siya, unti-unting pumapatak ang luha mula sa mga mata niya. "Hindi totoo 'yon. Nagbibiro ka lang di'ba? Gino-good time mo lang ako. He can't be..." She can't say that four letter word, "he can't be de—He's okay, damn it! Saang kuwarto siya? Pupuntahan ko siya at sasakalin kita kasi hindi magandang biro 'yon—"

"Hindi ako nagbibiro, Ruth." Khai looked at her in the eyes, "Beckett is dead."

Tumawa siya na umiiyak na umiiling. "That's a bad joke, Khai. That's not funny—"

"It isn't a joke and its not funny either." He looks so sad; she can see tears in his eyes. "He was already seventy percent dead and thirty percent alive when we reach the Hospital. Apat na bala ang tumama sa kaniya, Ruth. One bullet pierced his lungs and the other one damages his kidney and the rest, is also deadly. They manage to stabilize him but it wasn't enough, so his mother decided to bring him to U.S. for more chances of surviving and living. Pero hindi siya umabot. He died on the plane. Katatawag lang sakin ng Mama niya."

Hindi tinatanggap ng isip niya ang mga sinasabi ni Khai. "Hindi 'yon totoo. I'm sure, he survives and his mom just wants me gone that's why. Gawa-gawa niya lang 'yon. Hindi 'yon totoo. Hindi... Hindi puwede!" Umalis siya sa kama at kinapkapan niya ang bulsa ni Khai. "Akin na ang cellphone mo. Let me talk to his mother. I'll beg. I'll plead. Gagawin ko lahat para bawiin niya lang ang sinabi niya." She's losing her sanity. Disperado niyang kinakakapkap ang bulsa ni Khairro at napasigaw ng malakas ng wala siyang makapang cellphone. "Give me your phone! Damn it! Give it to me! Patutunayan ko sayong nagsisinungaling siya! Give it to me!" She's screaming as tears falls down from her eyes. "Give it to me! Please! Please..." Magmamakawa siyang tumingin kay Khai. "Parang awa mo na. Please...kakausapin ko siya. Babawiin niya 'yon. Hindi puwedeng mamatay si Beckett...hindi puwede..."

Huminga ng malalim si Khai saka may kinuha itong cellphone mula sa likod na bulsa ng suot nitong uniform.

May tinawagan ito sa cellphone. "Sige." Parang suko na itong magpaliwanag sa kaniya. "Here." Ibinigay nito sa kaniya ang cellphone. "Its his mom."

Nanlalamig at nanginginig ang kamay na tinanggap niya ang cellphone at inilapit iyon sa taenga niya. "H-hello?" Pigil niya ang umiyak.

"Sino 'to?" Tanung ng nasa kabilang linya.

"S-si Ruth p-po 'to..." Kaagad niyang pagpapakilala. "M-ma'am, I know that you don't like me but...c-can I see Beckett? I know that Khai is lying to me. Sabi niya wala na daw si Beckett...pero diba, hindi naman 'yon totoo?"

Silence filled in the other line. Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Ruth, hija..." Walang buhay ang boses ng ina ni Beckett. "Nandito ako ngayon sa Narita Airport, naghihintay sa private plane na pinadala ng Daddy ni Beckett." Then her voice crack and she started sobbing. "I'm sorry, Ruth. I'm sorry dahil hindi ko na maiuuwi diyan ang katawan ng anak ko para sayo. S-sorry, hija. We plan to c-cremate him, I p-promise, i-I'll send some of h-his ashes to you."

Nabitawan niya ang hawak na cellphone saka wala sa sariling napaatras hanggang sa tumama ang likod ng paa niya sa gilid ng kama.

Mas dumoble ang luha na umaagos sa mga mata niya habang sapo niya ang dibdib na parang pinapira-piraso sa sobrang sakit at pighating nararamdaman. Nararamdaman niya ang pagkawala niya sa sarili. Parang nililipad ang isip niya at nakaawang lang ang labi niya habang umiiyak siya.

POSSESSIVE 19: Beckett FurrerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon