Ngumiti siya sakin at kumaway, ganun din ang ginawa ko sakanya.

Ano 'tong nararamdaman ko? Guilt? Nakalimutan ko na siya! Paano ko nagawang kalimutan na may gusto pala siya sakin? Jusko! Umaasa pa ba siya? Naku!

Kinurot ko yung binti ni Jared out of frustration. "A-Aw ouch. Bakit?"

"Wala," sagot ko.

"Sakit nun ah."

"Sorry," sabi ko. Pati siya e nadadamay sa kagagahan ko. Napatingin ako doon sa bracelet niya na ni kelan e 'di niya tinanggal. Inilipat ko nalang dito ang atensyon ko. "Ano ba 'yan? Ba't lagi mong suot?"

Mukha siyang nabigla sa random kong tanong. "Etong bracelet?"

"Oo. May meaning ba?" tanong ko at kibit balikat lang ang sagot niya bago tumingin sa malayo.

"Kanina pa masama tingin ni Martinez sa'tin bro"sabi ni Angelo kay Jared. "Nagseselos ata."

Kunot noo kong nilingon si Angelo "Huh? Bakit naman?"

"Pagselosin natin lalo" natatawang aniya bago ako inakbayan.

"Bro, 'wag ganyan" suway ni Jared bago tanggalin ang kamay ni Angelo sa balikat ko. "Babae 'yan eh. Respeto naman."

"I'm sorry Adi," agad na sabi ni Angelo.

"It's okay," sagot ko bago siya bigyan ng tipid na ngiti. Okay lang naman na ma akbayan ako dahil 'One of the boys' nga ako e. Pero parang dahil sa sinabi ni Jared na 'Babae yan eh.' Parang pakiramdam ko hindi nga dapat ganun ang trato nila sakin. Na para bang.. importante ako. Dapat iniingatan.. ganun.

Nasanay ako na makipag sabayan sa mga lalaki. 'Yung tipong kahit suntukin mo braso ko e ayos lang? Sasapakin din kita pabalik. Kaya naninibago ako sa trato ni Jared sakin. Hinahatid, sinusundo, inaalalayan bumaba ng hagdan, sinasambot, pinagbubuksan ng pinto. Maingat siyang kumilos kapag ako ang kasama niya. Na kahit na ba nang gigigil siya sa pisngi ko e hindi siya aabot sa punto na masasaktan ako.

Hindi ko kailangan ng ganung trato dahil kaya ko naman kahit na itulak tulak niya pa 'ko. Magrambulan pa kami kung gusto niya e! Pero kahit hindi ko kailangan... gustong gusto ko.

Hindi nagtagal e nagsimula na ang program. Nagsalita pa 'yung principal pati 'yung mon seigneur bago kami hinayaang magparty na. May DJ din dito at nandoon siya sa stage, puro pang party talaga ang pinapatugtog niya kaya naman hinila ako nina Tris para magsayaw.

Ako, si Tris, Ethel, Kei at Hannah ang magkakasama. Nakapabilog kami at nag gagayahan ng steps. Nakakatawa din dahil matigas ang katawan ni Tris!

Umakyat pa ang boys ng batch namin sa stage. Sila 'yong mga matagal na talagang magt-tropa dahil elem palang e magkakasama na sila. Madami sila at nakapalibot sila doon kay Freddie na nag d-dougie sa gitna. Asus! Laos na 'yang sayaw na 'yan ah? Natawa nalang ako habang pinapanood sila.

Nawalan ako ng ganang manood noong sumali na 'yung mga feeling gangster na babae. Kasama na dun si Sharmaine pangit.

"Ang e-epal!" singhal ni Tris. "Enjoy na e! Mga papansin talaga 'yung mga 'yun ano?"

Biglang nagstop 'yung loud music at napalitan ng love song kaya nagka ayaan kaming umupo muna. Moment muna 'to ng mga couple.

"Anyway, kita niyo si Asher kanina? Galit na galit!" natatawang sabi ni Tris. "Nagseselos yun! Naku! Ikaw na talaga Adrianna!"

"Nagseselos? Kaya pala kasayaw ni si Savannah ngayon" sabi ni Hannah na siyang nagpasikip na dibdib ko.

"Ouch," mahinang ika ko pero narinig nila.

A & AWhere stories live. Discover now