Hindi ko sya maintindihan. Ano bang sinasabi nya? Hindi ko naman talaga nilalaro 'yon, alam ko lang na may ganon.

Nagkibit balikat ko. "Hindi ko maintindihan." Utas ko.

Tumawa ito bago umiling-iling. "Wala, wala." Tumingin ito sa wristwatch nya bago ako ulit binalingan. "Time na, let's go. Magsisimula na tayo." Sabi nito tyaka tumayo.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago tumayo. "Okay."

Humalakhak ito sa naging sagot ko na dahilan ng pagtingin sa amin ng mga natirito sa loob.

"Wala ito, I swear!" Utas nya na may pagtaas pa ng kamay sabay ngiti sa akin tyaka nagsimulang lumakad palabas.

"Hindi ko in-expect na may pagka-weird din 'yang si Sic." Bulong sa akin ni Mia.

"At matanong." Dugtong pa ni Kiel.

Ipinagkibit balikat ko lanag 'yon at muling humugot ng malalim na paghinga bago tuluyan labas.


Nalulula yata ako sa dami ng tao. Parang gusto kong umurong ng makita silang lahat. 'Yong iba sakanila ay nakatingin sa akin ng nakangiti, may kumakaway pa at tumatawag sa akin.

Nakakapanibago. Kilala nila ako?

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa tanong na 'yon. Ahg!

Ang mesa ko ay malapit sa upuan ni Sic na hanggang ngayon ay malawak ang ngiti. Kumakaway rin sya sa mga supporters na nasa harapan namin.

"Try mo'ng ngumiti at kumaway, hindi nakakabawas ng ganda." Usal nya bago ako nilingon.

Nakatayo sya sa gilid ng upuan nya.

Ngumiti ako ng pilit. "Hindi ako komportable, and na- uh... Nahihi-"

Hindi nya ako pinatapos magsalita. "Just enjoy." Nakangiting sabi nya bago lumapit sa akin at ipaghila ako ng upuan. "Upo na."

Lumunok ako. "Salamat."

"Sa advice o sa paghila ko ng inuupuan mo?" Nagtaas baba ang kilay nya sa tanong na 'yon.

"Both." Napapangiting sagot ko.

"Hindi na plastic 'yang ngiti mo ngayon." Natatawang sabi nya bago bumalik sa upuan nya. "And I died for the nth time." Ang huling narinig ko sakanya bago nagsimula ang book signing.

Isa pang magulong linya mula sakanya.


Marami pa kaming kasamahan na author dito na nakilala ko rin kanina.


Noong may tatlong na oras na kaming nakaupo at nagpipirma ay biglang tumawag ng 15 minutes break ang staff.

Nakakapagod! Pero sulit naman sa mga ngiti at pagbati nila. Ganito pala ang pakiramdam nila. May iba na kapag nagpa-picrure ay may kasamang pagyakap sabay sabi ng kung anong nakakapagpagaan ng loob at nakakawala ng pagod at kaba. Ang saya!

"Ang request mong ice cream at ito 'yong tubig." Ani Kiel sabay lapag ng mga 'yon sa harap ko.

Binalingan ko sya ng nakangiti. "Salamat!" Utas ko.

"Ang lakas mo eh." Nakangiting tugon nito.

"Bumalik na si Pat at Ngay?" Tanong ko habang inaayos pagilid 'yong inuupuan ko sa mesa para maharap ko sya.

"Oo, nasa loob." Nagkibit balikat sya.

Tumango-tango ako. "Pasok tayo." Utas ko bago kinuha 'yong tubig at ice cream tyaka tumayo.

"May pinagkagulohan daw kanina sa hallway." Ani Kiel habang naglalakad kami.

"Ano? Sino?" Tanong ko.

"Hindi ko alam, narinig ko lang. Pero uh, mukhang kilala nong iba." Sagot nya.

"Kyah! Congrats Rory!" May kasamang pag-irit na salubong sa akin ni Pat. Yumakap pa sya sa akin. "Ang akala ko joke lang 'yong publish chuchu, maygash! Akala ko nananaginip lang ako!" Sabi pa nito habang hawak ako sa mgakabilang balikat ko at sumigaw pa.

"Pat, magtigil ka! Wala tayo sa bahay." Ani Kiel sa mahinang boses.

Ngumuso si Pat. "I'm a proud besfriend, you know."

"Thank you Pat." Sabi ko sabay ngiti.


Umupo kami sa dati na naming pwesto at nagkwentuhan sandali. At kaunting pagpilit pa sa akin ay mamasahiin na sana ni Pat 'yong kamay na gamit ko sa pagpirma.

Masyado talaga syang baliw paminsan.


Pagbalik namin sa labas ay may maliit na commotion ang nangyayari sa harapan. Ilang minuto ang kinuha no'n para maayos 'yon ng mga staff at nagpatuloy.

Nakakailang libro palang ako na napipirmahan mula nong magsimula ulit kami. Nang may isang libro akong nabuklat, may sulat 'to sa first page.

Nagtataka kong tinignan ang cover ng libro para siguraduhin na tama ngang libro ko 'to bago ko ulit binalikan ang first page. Alam ko ang sulat na 'to, nabasa ko na ito dati.


'Hi. Let's talk. Nearest Starbucks after ng book signing. :)' 'yan ang mga katagang nakasulat sa first page.



Napatunghay ako sa harapan ko.







Itutuloy...



Ate Anj: Sorry sa late UD. Bawi ako bukas. :)

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now