Chapter 57 Rest

239 19 2
                                    

Raze's POV




Habang inilalagay ko sa hanger 'yong damit nakarinig ako ng malakas na paghampas sa pinto.


'Maingay! Magigising sya.' 'Yon ang unang pumasok sa isip ko.



Naiiling na napalabas ako ng bathroom.


Kilala ko kung sino ang gumagawa no'n at alam ko na rin kung bakit.

Paglabas ko, nakita kong wala na nga sya dito sa kwarto.



Umiling ako. "Seriously Rory?" Utas ko bago nagtuloy sa pinto.


Sumalubong sa akin ang batang babae na magkaekis pa ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.


"Matagal." Nakanguso na sabi nito.

"Baby y-"

"Papa Raze!" She cut me off. "Chocolate?"

Lumuhod ako para maging kalebel ko sya.

"Baby, si grandma nasa kusina?" Tanong ko.

"Yes, but I want your hot chocolate." Usal nya.

"Chocolate or Disney Land?" Tanong ko.

"Disney Land!" Mabilis na sagot nya na ikinangisi ko.

"Good. Kapag ayos na kami ni mama, dadalhin kita doon, okay?" Sabi ko.

"But where's my hug? The cuddle?" Matinis ang boses na sigaw nito sa akin.

"And that's what you get from spoiling the kid, kuya."

Napatunghay ako sa nagsalita. "Reyah, si Callista?" Tanong ko habang minamasahe ang batok ko gamit ang kanang kamay.

"Clinic." Sagot ni Reyah.

"Let's go." Sabi ko kay Kim tyaka sya hinalikan sa noo at binuhat.

"You are always busy." Sabi nito.

"I'll make it up to you baby, next time. But for now, you'll go with tita Reyah." Hinalikan ko sya sa pisngi bago naglakad palapit kay Reyah na malapit sa hagdan. "Ikaw muna ang bahala kay Kim." Utas ko. "Babalik si papa." Sabi ko kay Kim tyaka ulit sya hinalikan sa noo bago ibigay kay Reyah.

"Kaaalis lang ni ate Rory." Ani Reyah.

Tumango ako bago binalingan ang isa pang bulilit. "What's with the long face Kiev?" Tanong ko kay Kiev na kanina pa tahimik. Hindi sya sumagot kaya pinisil ko nalang ang pisngi nya bago tuluyang umalis do'n.


Nagdiretso ako sa kusina. Nakita ko doon si mama na may ginagawa habang nakaharap sa sink.


"Ma." Niyakap ko sya mula sa likod bago humalik sa pisngi. "Good morning."

"Good morning, Kib." Sagot nya bago ako hinarap.


Ngumiti ako. Naalala ko nanaman sya kay mama. Silang dalawa lang ang tumatawag sa akin ng Kib.

"H'wag mo akong daanin sa ngiti mo." Nakataas ang kilay na sabi nya. "Anong ginawa mo Kib? KA-GA-BI." May panggigigil na utas nya bago ako inabot.

"Ma! Masakit! Ano nanaman ba'ng ginawa k- arayyy!"

"Kib!"

"Ano?" Hawak ko 'yong tagliran ko na kinurot nya.

"Anong ginawa mo, nyo kagabi?!"

"Ma!" Tawag ko sakanya.

"I'm asking."

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon