Chapter 14

398 48 4
                                    

CHAPTER 14 Plan C

- Rory's POV -

Matapos ang ilang minutong paghihintay ay biglang tumunog ang messenger ko. Na ang bumungad sa'kin ay ang profile nya sa Facebook.

I gulped.

It's him.

Kinakabahang tinitigan ko ito.

Sasagutin ko ba? Hindi ba dapat galit ako? At bakit naman? Hindi ba move on na sa nangyare? Ayoko na yata syang kausap. Anong sasabihin ko? Bakit kailangan kaming mag-usap? Para saan ba? Pero nasabi ko okay lang na tumawag sya.

Biglang kumalabog ang puso. Letche! At ngayon ka pa nakaramdam ng ganyan?

Nakausap ko ba talaga sya?

Wow! At ngayon ka pa talaga nagtanong?

Biglang tumigil ang pag-ring kaya napatigil ako sa pag-iisip, mataman itong tinitigan. Matapos ay pabagsak itong ilinagay sa gilid ko.

Ayan! Ayan ang nakukuha mo sa pag-iinarte!

Ng makarinig ng messenger tone ay mabilis ko itong kinuha.


"Busy?"

"Hey, nandyan ka pa?"

"Can we talk?"

"Are you mad?"

"I gotta go, labasan na daw eh. Basahin mo nalang 'yung letter sa libro. I'll call you later."


Sunod-sunod na message nya ang pumasok sa messenger ko.

Pwedeng kiligin?
And where the heck did you get that?

"Okay." Ayan lang ang tangi kong naisagot matapos ay parang ewan na kilig na kilig at may malawak na ngiti. Letche! 'Yung totoo? Anong nangyayare? Kanina galit ako. Ngayon ano? D-mn! Wala talaga akong idea sa mga pangyayare ngayon. Basta kinikilig ako!

Dali-dali kong kinuha 'yung libro ng Hell University sa mesa ko.

Napalunok ako bago buksan ito. Una kong tinignan ay 'yung first page.


"Hi. Let's talk. Nearest Starbucks after ng book signing. -Raze :)"


Hindi makapaniwalang tinitigan ko ang sulat kamay nya sa librong hawak ko ngayon. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. At hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Walang pumapasok sa isip ko kung hindi 'yung mga katagang isinulat nya.

Anong ginawa ko? Bakit ganto? Para akong nahilo.

Mabilis ko namang binuklat ang libro para naman sa isa pang kailangan ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi matapos makuha 'yung letter na sinasabi nya.

Kinakabahan ako!

Bago buklatin ay humugot muna ako ng isang malalim na hinga. Nanginginig ang mga kamay na inayos ko ito mula pagkakatiklop. Isa pang malalim na paghinga ang ginawa ko bago tignan iyon.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa bumungad sa'kin.

Napabunghalit ako ng tawa ng makita ang kabuuan. "Whathaahahh----what the hell?! Hahahahah-ano 'to?"

"Sh-t! Asdfghahahaha." Nabitiwan ko ang papel sa sobrang pagtawa ng muli iyong makita.

Ano 'yun? Unggoy yata na mukhang palaka ang naka-drawing!

Kagat ang pang-ibabang labi ng muli kong kuhain 'yun at pakatitigan. Hindi ko mapigilang mapatawa ng mahina. Ano ba 'to? Pinakatitigan kong mabuti. May drawing na parang tao yata ito, nakayuko? Mukhang unggoy kase yung ulo tapos mukhang palaka dahil walang leeg. Magkasiklop ang mga kamay na nasa harap nito.

What the hell?! Ano 'to?

Lapis pa ang ginamit. Wow! Artistic!

Dumako ang mga mata ko sa ibabang parte ng long bond paper. Yes, it's a long bond paper for an 'artistic letter'.

Owkay! Forget about the 'drawing'. Napapangising isip ko.

"Plan C..." Ayan ang pinaka unang linya na nabasa ko. Sulat kamay.

Pwedeng ngumiti? Bakit ganto? Halos mapunit na ang labi ko sa laki ng pagkakangisi ko ngayon.

"Plan C..." Pag-uulit ko.

D-mn it! Bakit napapangiti ako ng simpleng 'Plan C' lang?

"Pakiramdam ko ay hindi mo pagbibigyan 'yung plan B ko kaya may rest back ako. Hays. Plan C..."

Napataas ang kilay ko sa nabasa. Hindi ito love letter. I'm sure. Pero bakit kinikilig ako?

"May Plan D, E, F, G, H, I and so pa, kaya sa ayaw at sa gusto mo papansinin mo ako. Dahil wala talaga ako'ng plano na tigilan ka. Gusto ko'ng magpaliwanag kaya basahin mo 'to ng maayos at buo."

Surely. Hindi nga love letter 'to! Pinagbabantaan ba ako nito? Mahinang napahalakhak ako sa mga nabasa. Pero kinikilig pa rin ako. What the hell? Really KnightInBlack? Anong mayron?

"Oo, writer ako but I don't really know how to write a letter para sa isang babae. I never did. Kaya dapat, you take it seriously."

Cute.

"Remember the first time we met? Nagbabasa ka ng istoryang sinulat ko, habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Reviewer? Natuwa ako dun... lol na-curious tuloy ako sa'yo. Siguro dahil ginawa mong reviewer ang H.U. ko. Ano kayang klase ng estudyante 'to?"

Iniinsulto ba ako ng lalaking 'to? Ang galing!

"Seriously, don't be mad... Pero totoo nga dahil do'n ay na-curious ako sa'yo. Tapos nasaktohan pa na sa school nyo ako nag-OJT. I'm sorry for not telling you. Pero wala naman talaga ako'ng plano na sabihin sa'yo ang kaso ang galing lang ng pagkakataon at ang talas ng mga mata mo. Kita ko ang mga titig mo sa pendant at wristwatch ko. Dun palang huli na ako. Nagustohan ko lang ay 'yong pagkakataon hindi 'yong pagiging mausisa mo. lol I want to talk to you... Pwede ba? 'Yong friend request ko. Bakit ba ayaw mo akong i-confirm? Hays. Accept it!

Ps. You might be asking 'Bakit ko ginagawa ito?' I'm sorry but I don't really know. Kahit ako ay hindi ko alam. Ginagawa ko lang ang gusto kong gawin.

Pps. Yung friend request ko."






Itutuloy...



-----
VOTE. VOTE. VOTE. lol mag-iwan din po kayo ng comment. Salamat!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora