Chapter 10

518 53 9
                                    

Chapter 10 Dream

- Rory's POV -

"I don't wanna run away but I can't take it I don't understand.

If I'm not made for you, then why does my heart tell me that I am?

Is there anyway that I can stay in your arms?"

Pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay ang kasabay ng pagmulat ng mga mata ko.

Saglit akong napatanga.

What was that?!

"Pahinging tubig." Wala sa sariling nasabi ko.

"Ito oh." Sabay abot sa'kin ng isang boteng tubig ng kapatid ko.

"Thanks." Walang buhay na wika ko tyaka uminom.

I heaved a sigh.

That dream.

Napangiti ako.

What a beautiful dream. Panaginip. Pangarap. Ibang-iba sa tunay na nangyare kahapon.

Kabaligtaran.

Nakakatawa. Hanggang sa panaginip ko ay umaasa ako.







"Owmaygad! Malapit na tayo!" Ani Mia.

"Nakaka-excite! Shocks!" Wika ni Pat na ngayon ay nagpapaypay na gamit ang kanyang mga kamay.

"Ilang hakbang nalang!" Hindi mapakaling sabi pa ni Mia.

"Kinakabahan ako." I heaved a sigh.

"Sino bang hindi? Darn!" Ani Mia. "Abot kamay na natin!" Hinawakan ko si Mia para makabalanse na ikinagulat naman nya.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan nya ako. "Okay ka lang? Nanginginig ka." Ani Mia ng may nag-aalalang boses.

"Dunno. Kinakabahan ako eh." Sagot ko.

"Halata. Nanginginig ka eh, tapos ang lamig ng kamay mo." Anito.

"Relax Rory." Pagpapakalma nila sa'kin.

"Hindi ko alam k-kung paano ko sya kakausapin." I said. "Kinakabahan talaga ako." Pahabol na bulong ko pa.

"Easyhan mo. 'Wag kang ganyan, minsan lang 'to. Mag-relax ka at 'wag mag-isip ng kung anu-ano." Ani Pat.

Hindi ko pa nasasabi sakanila na sya 'yung nasa IT Room namin sa school hanggang ngayon. At hindi ko malaman kung bakit hindi ko masabi.

Am I being selfish?

Ang unfair ko ba?

Humugot ako ng malalim na paghinga at umayos.

Ilang saglit pa ay nasa harap na ni Pat si KIB.

"Kuya Kib!" Mahinang pag-irit ni Pat na ikinatunghay naman nya sandali bago muling bumaling sa libro. "Omg! Tumingin sya!" At sinundan pa 'yon ng mahinang hagikgik. "Let's take a selfie please?" Request nya na pinaunlakan naman ni KIB matapos pirmahan ang libro.

"Kuya KIB! Tingin ka naman dito please!" Wika ni Mia na ngayon ay kinukuhaan sya ng pictures. Matapos ay dali-daling inabot ang libro.

"Maygad!" Naibulalas ni Mia habang vini-video-han ang pagpirma ni KIB. "I love you kuya KIB! I love you!" Wika ni Mia matapos ay tumingin sa'kin. "Ano? Nasaan phone mo? Picture na dali! Nasa harap mo na 'yung pantasya mo! Gora na!" Anito bago bumaling kay KIB na kakatapos lang pumirma.

"Selfiiiie kuyaaaa!" Excited na wika ni Mia pero bago maka-selfie ay itinaas muna ni KIB ang kanang kamay nya na parang sinasabi na "wait".

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now