Chapter 23

365 33 1
                                    

CHAPTER 23 Kuya KIB

- Mia's POV -

Happy Monday morning! School day! Quiz and reporting.

Habang papasok ay hindi ko malimutan ang usapan namin ni Rory. That girl! Ano ba'ng ayaw nya kay sir Raze? Gwapo naman, mabait, bata pa, galante. Oo, galante dahil sa tuwing kakausapin kami no'n ay laging sa cafeteria at libre lahat, sya lagi ang may sagot. Oh diba? Tapos hindi rin naman teacher 'yon kaya pwedeng-pwede sila. Ang hina ni Rory. Tsk!

Malapit na ako sa gate ng may naalala ako na nakapagpangisi sa'kin. I'm sure! May lalaking naghihintay sa'kin malapit sa gate habang nakaupo sa pinakamalapit na bench. 100% sure.

"Morning." Anang isang boses sa gilid ko.

"Oh?" Napapataas ang kilay na pagbaling ko sa nagsalita. "Good morning sir Raze!" Mali ang naging prediction ko. Nandito na pala sya at kasabay ko ng naglalakad papasok.

Gusto ko sanang sabihin na nakausap ko si Rory kanina eh, ang kaso baka madulas ako na sinabihan ko na tungkol sa ipinadala nya. Hahaha. Ayaw pa kase ipasabi.  Eh sa na-excite ako eh. Magagawa ko? Tyaka bakit kaya hindi nalang nito tawagan si Rory? Ibinigay ko na naman 'yung number sakanya ah?

"Sup?" Anito na nakatingin lamang ng diretso sa harapan habang patuloy na naglalakad at hawak sa kanang kamay ang phone nya.

"Para sa'kin ba 'yon?" Natatawang balik ko sakanya na saglit na ikinatigil nya. "Lagi kang ganya sir, napapatigil kapag naisama na si Rory sa usapan." Dugtong ko. "Bakit?" Pahabol ko pa.

"Dunno." Anito.

"Alam mo sir..."

"Dunno." Pagputol nya sa'kin.

"Sir! Patapusin nyo po ako." Sabi ko.

"Alright." Natatawang aniya.

"Alam mo sir, sa ginagawa nyong pagkausap sa'kin o sa'min araw-araw ay iba na ang iniisip ng mga estudyante. Hindi naman po sa ayaw ko na kayaong tulungan, nagsasabi lang po. Alam nyo 'yon?" Dire-diretsong turan ko.

"At kung nandito si Rory, I'm sure they'll freak out." Nagkibit balikat na na sagot nito.

"'Yung totoo sir? Bakit ako ang pinapakilig mo? Bakit hindi sya?" May kasamang mahinang pag-irit na tanong ko. "Sir naman! Nakakainggit! Kainis!" Napapanguso ako sa pagpipigil ng pagngisi. Itong lalaking 'to! Bakit ang daming alam?



- Raze's POV -

"Morning." Bati ko dito sa isang estudyanteng mukhang may hindi magandang iniisip base sa pagngisi nya mag-isa.

"Oh?" Nawala ang ngisi nito at nagtaas ng kilay. "Good morning sir Raze!

"Sup?" Tanong ko habang patuloy kami sa paglalakad.

"Para sa'kin ba 'yon?" Natatawang anito na nakapagpatigil sa'kin at nakapagpaisip. "Lagi kang ganyan sir, napapatigil kapag naisama na si Rory sa usapan." Komento nito "Bakit?" Pahabol pa nya.

"Dunno." 'Yon lang ang kaya kong isagot. Sa ngayon.

"Alam mo sir..."

"Dunno." Pagputol ko sakanya.




"Sir! Patapusin nyo po ako." Anito.

"Alright." Natatawang sabi ko.

"Alam mo sir, sa ginagawa nyong pagkausap sa'kin o sa'min araw-araw ay iba na ang iniisip ng mga estudyante. Hindi naman po sa ayaw ko na kayong tulungan, nagsasabi lang po. Alam nyo 'yon?" Dire-diretsong turan nito.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang