Chapter 8

556 63 8
                                    


Author's note first. 😊😊
Maraming salamat sa pagsunod hanggang dito! Enjoy reading.

VOTE AND COMMENT.

CHAPTER 8

- Rory's POV -

Kinagabihan ay halos hindi na ako mapakali. Pinipilit kong makatulog ng maaga ngunit bigo ako dahil patuloy sa pag-iikot-ikot ang utak ko.

Ngayon lang ako magpa-fan girl sa isang author. At sobrang nae-excite ako.

Ano kaya ang mga posibilidad na mangyare bukas?

May iba't ibang senaryo na ang pumapasok sa utak ko. At napakarami nila. Mga pagpapantasya na napakaimposibleng mangyare.

Maygad! Normal pa ba 'to?!
I'm so excited to meet him! To finally see him. Para bang may parte sa utak ko na masasagot at bubuo sa'kin kapag nakita ko na sya. Kadramahang alam! Pero totoo nga, mawawala na yung blangkong mukha ni KnightInBlack sa isip ko.

19 years old na sya, 'yun lang ang alam ko.

What should I expect?

Sya ang nasa likod ng mga karakter na hinangaan namin at istoryang nagustohan.

D-mn!

Pwede ko kaya syang ilinya sa mga karakter na gawa nya? Base kase sa edad ay pwedeng-pwede.




Kinabukasan ay maaga talaga akong nagising. Hindi gaya ng mga natural na gising ko tuwing Sabado. 

Dali-dali akong naghanda at bumaba sa kusina para kumain.

Wala sina mommy at daddy ngayon dahil may mga inaayos pa. Ang mga kapatid ko naman ay siguradong nahihimbing pa sa pagtulog.

Mabilis akong kumain.
Halos hindi ko nga malaman kung nabusog ako o ano. Ni hindi ko na din nalasahan.

Maya-maya lang din ay umalis na ako patungo sa Whatever Park. Du'n na namin napag-usapang magkita-kita dahil medyo may kalayuan ang mga bahay namin.

Pagkarating na pagkarating du'n ay marami na'ng tao. May iba na namamasyal lang at mayron naman na halatang ang book signing ang sinadya.

Kanya-kanyang grupo, iba't ibang awra ang makikita mo. Pero base sa mga mukha ay excitement ang nangigibabaw.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang marinig ang usap-usapan. Halos lahat ay excited makita ang author. Ang author na kinahuhumalingan ko din ngayon.

Si KnightInBlack. Maygawd! Ang dami kong kaagaw! Ang dami namin! Napabusangot ako sa naisip.

Bakit ganon? Gusto ko ay akin lang sya. Gusto ko ako lang ang makakakita sakanya. Gusto ko ako lang ang pansinin nya. Gusto ko ako at sya lang. Umuwi na 'yung iba!

Harsh. Napatigil ako sa paglalakad sa naisip at muling nagpatuloy.

Ngayon ko lang naramdaman 'to. Gustong-gusto kong magdamot! Gusto ko syang ipagdamot! Tama pa ba 'tong nasa isip ko? Hindi ba masyado na akong naaadik sakanya? Uhg! Shake it off Rory!

I gulped.

Mabilis kong nakita sina Mia sa napag-usapang pwesto. Sa open field malapit sa mga puno'ng may mga nakatayong tent sa ilalim. Siguro ay du'n sila mamaya.

"Rory!" Tawag ni Pat sa'kin ng may ngisi at kumakaway.

"Hey!" Sagot ko sakanya. "Kanina pa kayo?" Tanong ko ng makalapit sa pwesto nila.

"Hindi naman." Nakangiting wika ni Mika. "Excited na ako!" May kasamang pag-irit na wika ni Mia na sinundan pa ng mahinang hagikgik namin ni Pat.

"Finally! OMG!" Mas malakas na wika ni Pat.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now