Chapter 21

355 40 4
                                    

CHAPTER 21 Raze WP

- Rory's POV -

Sunday morning!

Matapos magsimba ay dumiretso kami sa bahay para mag-lunch. Ilang saglit na pahinga bago kami tumulak patungong Farm.

Very refreshing! May side na puros palay, maisan at may taniman ng iba't ibang klase ng mga bulaklak. Iba't ibang kulay ang nakikita ko kaya nalilibang ako sa paglalakad pa lamang namin patungo sa isang tree house.

"Rory, Mae, sasama ba kayo sa'min sa dulo?" Ani daddy.

"Dito nalang po ako." Sabay tingin ko sa tree house. "Okay na po muna ako dito." Dugtong ko pa ng nakangiti.

"Me too!" Masiglang sabi ni Mae.

"'Wag kayong lalayo." Paalala ni mommy bago sila tuluyang makalayo.

Habang nagpapahangin dito sa taas ay naisipan kong maupo na muna sa isang upuang kahoy sa gilid. Kinuha ko ang aking cellphone.

Maygad! Isang linggo ko ng hindi binubuksan 'to. For real! Dinadala ko lang dahil nagtatanong sina mommy kung bakit hindi ako nakahawak ng nakahawak sa gadget ko. Uhg! Para akong tanga!

May mga mensahe galing kina Mia, Pat at sa iba pang mga kaibigan sa Manila. Matapos ang ilang araw ay ngayon pa lamang ako mago-online! Inisa-isa ko silang lahat ni-reply-an bago ako nag-facebook.

Habang hinihintay na maka-log in ay hindi ko maiwasang pansinin ang mahihinang hagikgik ng kapatid kong si Mae na nasa hindi naman gaanong kalayuan mula rito sa pwesto ko. Napataas ang kilay ko dahil do'n pero saglit lang ay nakuha na ng flood notifications ko ang aking atensyon. May iilang friend request at may messages.

Sa mga message ay halos group chat ang nakikita ko. Mayron din sina Mia, Pat, Kim, Loraine at Janica.

Raze WP.

Halos kapusin ako ng paghinga sa pagbasa pa lamang ng pangalan nya sa isipan ko.

'Yong totoo Rory? Ito nanaman ba tayo? Ipinilig ko ang aking ulo sa naisip. Nitong mga nakalipas na araw ay halos wala akong gawin kung hindi ang kausapin ko ang aking sarili. Nakaka-frustrate!

Kauna-unahan ko 'yong ikinlick.

"You missed a call from Raze WP."

Oh yeah! Ito 'yong nung araw na pinatayan ko sya. Ito rin 'yong iniiwasan ko magmula noon. Ito ang dahilan ko kung bakit ngayon lang ako nag-online. Napapikit ako ng mariin. Nag-isang linya ang aking mga labi dahil sa inis na nararamdaman. Naiinis ako. Umasa nanaman ako. Huminga ako ng malalim bago nagmulat. Naiinis ako hindi dahil sa hindi man lang sya nag-iwan ng message! Uhg! Bwisit! Okay, sige, may parte rin sa'kin na inis dahil do'n. Pero mas nakakainis 'yung isipin na pag-asa ko sa mga sinabi nya. Joke ba 'yun?

Napairap ako sa kawalan ng may maalala. Pinatayan ko nga pala sya! Owmaygad! Anong nangyayare sa'yo Rory? Ang akala ko ba ay hindi tama ang pag-iisip ng kung anu-ano? Darn! It's him! Lahat ng ito ay dahil sakanya! Lahat ng nararamdaman ko! Lahat ng kakaibang nangyayare sa'kin. Ginulo lang nya ako!

D-mn! Ng dahil din ba sakanya ay iiwan ko na ang wattpad? No way! Bumagsak ang mga balikat ko. Sa bawat araw na lumipas ay ganito ako. Masyado nanaman akong nag-isip. Dahil nanaman sakanya. Ginawa ko ba masyadong big deal 'yong sinabi nya? Siguro ay iba ang pagkakaintindi ko sa 'I like you' nya. I like you as a what? Friend? Person? Fan? Reader? Maraming ibig sabihin 'yon.

Inalis ko ang aking tingin sa cellphone at bumaling sa kapatid ko na walang tigil sa pagngisi at hagikgik.

"You look like an idiot." Hindi mapigilang komento ko na ikinatunghay naman nya.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon