Chapter 18

388 47 11
                                    

CHAPTER 18 KnightInBlack 1

- Rory's POV -


"You call me Raze." May pinaledad na wika nito.

"Hindi ko makuha kung bakit ganto ka. Hindi ko makuha kung bakit may ganto." Naiiling na wika ko. "Pwede sa iba ka nalang ma-curious?"

"Ro-----"

"I get it. I get the idea Knight In Black, Kuya KIB or Raze. I get the idea na Reader mo lang ako."

Halos maputol ang paghinga ko sa mga sinabi ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin iyon. Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang mga salitang 'yun.


"Disappointed ka." 'Yon lamang ang isinagot nya sa mga sinabi ko.

Ng pakatitigan ko sya ay hindi ko na maipaliwanag ang mararamdaman. Para akong tanga na gustong bawiin kung anong mga sinabi ko. Isang iglap lamang ay gusto ko ng burahin ang mga iyon. I want to be more than that. I want to be more than a reader to you KnightInBlack.  D-mn! Sa tingin ko ay aasa at aasa ako sa'yo lalo pa na ngayong kausapa kita at binibigyan mo ako ng oras.

This is not good! Sa bawat minuto, sa bawat segundo ay unti-unting nagbabago ang lahat. Ang titigan sya ay nakakagaan ng loob at nakakapagpababa sa'kin. Nakakawalang pag-asa. Sa isang tingin ang dali nyang abutin, ngunit kapag pinakatitigan mo ay napakahirap na. Ang layo-layo nya. Iba sya. Iba ako.

Why are you doing this KnightInBlack? Bakit ganto ka? Bakit kaharap kita ngayon? Uhg!


Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Nauubusan ako ng sasabihin. Mistulang naubos na lahat ng lakas na nakuha ko kanina.

"Kuya!" Pagtawag ng isang boses sa kabilang linya na dahilan ng pagbaling nya sa gilid.

"Bakit gising ka pa?" Kunot-noo syang tumingin sakanyang wristwatch. "Late na Reyah." Dugtong pa ni KIB? Raze? Whatever.

"OA kuya! Maaga pa. Nagkapag-update ka na?" Tanong nung kausap nya. "OMG! Ano? Ano?" Pahabol pa nito ng nakasigaw at mababakas ang pagkakilig base sa tono nito.

Napabuntong hininga si KIB. "How many times do I have to tell you Reyah? 'Wag. Kang. Babasa. Ng. Gawa. Ko." Seryosong sabi nito sa kausap.

"Milk gusto mo? Ahehehe." Mukha namang natakot ang isa dahil sa humina ang boses nya.

"Ang kulit! Magtimpla ka nalang tapos bumalik ka na sa taas." Masungit na sabi nito tyaka umirip at bumalik sa screen ang tingin. "Kuhaan mo ako no'ng mogu-mogu." Pagkakwan ay pahabol pa nya.

D-mn! Pwedeng tumawa? Gawd! Anong ginagawa nya sa'kin? Nababaliw na yata ako! And the mogu-mogu, talaga palang gusto nyo 'yun.

"Gloomy mo kuya?" Tanong kay KIB.

"Just go Reyah." Nakakunot noong sagot nito na hindi man lang binalingan ng tingin ang kausap. "Matutulog ka na?" Maya-maya ay tanong nito sa'kin. Siguro ay nakaalis na 'yong 'Reyah'.

"Hindi." Sagot ko.

Tumango-tango sya. "Can I talk to you?" Anito na mukhang nalilito pa sa sasabihin base sa ekspresyon na ipinapakita nya.

"Nag-uusap na tayo." Sagot ko.

"I mean--" lumunok ito bago nagpatuloy. "'Yong seryoso."

Tumango ako. "Ano bang sasabihin mo?" Pagtatanong ko.

D-mn Rory! You're doing a good job! Hindi ka nabubulol. Hindi nga ako nabubulol pero nauubusan naman ako ng hangin. Anong klaseng epekto 'to KIB?

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon