Chapter 28

307 33 7
                                    

CHAPTER 28 PDA

Rory's POV

"Isang tanong, isang sagot Rory. May something ba sainyong dalawa?" Tanong ni Ngay ng tuluyang maiwan kaming dalawa.

"Real talk. Wala talaga." Nagkibit balikat na sagot ko tyaka nagtingin tingin sa mga dress. "Maroon and Black 'di ba?" Pagbabago ko ng topic.

She heaved a sigh. "Oo. Conservative ang guest mo, kaya dapat may sleeves."

"Makikita ba nya?" Tanong ko.

"Malay mo 'di ba?" Anito na pinantayan na ako sa pagpili.

"Nah." Sagot ko nalang.

Inabot kami ng halos isang oras sa pagpili, balik, sukat ng paulit-ulit. Hanggang sa makakuha kami ng isang simpleng sleeveless black dress na may gold na belt. Plain na plain pero elegante kung titignan.

"Tara na sa NBS!" Excited na wika ni Kiel ng makalabas kami ng boutique.

"Let's go!" Segunda ni Ngay.

Bakit ba kahit ito ay nalimutan ko? D-mn! Bibili kami ng libro ng author na kasama namin ngayon! Napapikit ako ng mariin. Ahg! What to do? Sasakit ang ulo ko dito sa lakad na 'to!

"Guys." Mahinang tawag ko na ikinalingon naman nila sa'kin. "Dito nalang ako sa bench." Sabay turo ko do'n sa 'di kalayuamg upuan. "Maghihintay nalang ako. Sandali lang naman kayo 'di ba?" Dugtong ko pa.

"Rory, hindi ka namin pwedeng iwan. Kapag may nangyari sa'yo kami ang lagot kay tito." Ani Ngay.

"Nasa loob pa rin naman tayo ng Mall, walang mangyayari. H'wag OA." Sabi ko habang pilit iniiwasan ang mga nanliliit na mata ni Kib.

"Ako nalang ang sasama sakanya." Biglaang suhestyon nito.

"Bawal din, tara na nga!" May pinaledad na wika ni Kiel.

"Sa susunod nalang kaya kayo bumili?" Halos mapangusong sabi ko habang mabagal na naglalakad. Sh-t lang! Pumayag na kayo! Ang dami nyo ng kasalanan sa'kin!

"Nandito na rin naman tayo kaya gora na." Sagot ni Ngay kaya nag-diretso na kami sa paglakad.

D-mn! I have to do something! Hindi pwede ito! Bakit ba kase nahihiya ako kahit na wala naman dapat ikahiya, hindi ba? Bibili lang naman kami ng libro. Libro nitong kasama namin!

"Buti sana kung ipinahiram mo na sa'min 'yong libro mo." Sabi pa ni Kiel.

"Oo na!" Wala. No choice! Ahg!

"Ang damot kase! Para makikibasa lang!" Komento pa ni Kiel. Ang ingay talaga ng baklitang ito!

"Ano bang libro 'yon?" Tanong ni Kib! Ayan na! Ayan na!

"Hell University." Halos sabay pang sagot no'ng dalawa.

"Seriously?" Tanong ni Kib. Napapikit na lamang ako dahil sa tono ng pananalita nya! Mukhang namamangha pa ang loko!

"Oo. Ang bilis nga ng kamay eh, ang bilis nailayo sa'min no'ng libro. At ang bilis bilis nai-lock sa drawer nya." Mistulang bata na nagsusumbong na ani Kiel.

"Bakit kase ayaw mong magpahiram?" Nagpipigil ng tawang tanong ni Kib.

"Oh? 'Di ipapahiram ko na!" Walang ganang sabi ko habang patingin-tingin na lamang sa ibang direksyon.

Bakit ba kailanan pa nyang itanong 'yon? Hindi pa ba obvious? I'm sure, kapag ipinahiram ko sakanila 'yong Part 1 susunod na 'yong part 2. Ang inaalala ko lang naman talaga ay 'yong sulat nya sa libro! Sh-t!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon