Chapter 48 Isang Salita

204 21 1
                                    



"Just make sure na hindi na iiyak si Rory after nyan Raze..." Utas ni Kiel bago tumalikod at nagsimulang maglakad.

"Kiel, you're not going anywhere!" Asik ko.

"Thank you Kiel." Ani Kib na parang hindi ako narinig, matapos 'yon ay binalingan ang mga kaibigan nya. "Escort 'em."


Naglakad ako pasunod kina Kiel sa pinto pero mahigpit nyang hinawakan ang braso ko tyaka ako hinila patungong sofa.


"Alam mong useless na rin 'to!" Asik ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak nya sa akin.

"Please. Let me think first." Utas nya bago ako binitawan at pabagsak na naupo sa sofa. Sapo nya ang ulo nya gamit ang dalawang kamay habang ang magkabilang siko ay nasa hita nya.



Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pagsara ng pinto. Nagpa-panic na naglakad ako patungo doon at pilit 'yon na binuksan pero wala! Naiikot ko ang door knob pero ayaw bumukas! Naka-lock kami mula sa labas!

"KIB!" Sigaw ko pero hindi ako pinansin!


Naglakad ako palapit sa kinaroroonan nya.

Tumunghay sya at tinitigan ako ng diretso sa mga mata. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon na ipinapakita nya. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko nakita ang sunod-sunod na paglunok nya.



"You look good together... D-mn good." There was a hint of sadness when he said that. He let a heavy sigh. "Seeing you with someone else was my painful death."  Nag-iwas sya ng tingin bago tumayo at ilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay.

Sa mga sinasabi pa lamang nya ay hindi na ako mapalagay. Anong ibig nyang sabihin? Hanggang ngayon ba ay...

"I just wanted to talk to you, but I didn't expect it to be this d-mn hard and painful." Mahina pero may diin ang bawat salitang sinabi nya.

Nagsimula syang humakbang palapit sa akin.

"Just... Just say whatever you want to say." Hindi ko alam kung paano kong nasabi ang mga katagang 'yan sa ilalim ng tensyon at kabang nararamdaman.


I can't even move! Ito nanaman 'yong epekto ng presence nya sa akin. Lumunok ako.


"Are you happy?" I was taken aback by his question.


Napalunok ulit ako dahil maging ako mismo ay hindi alam kung ano ang dapat isagot sa tanong na 'yon. Hindi ko rin mapigilang mapaisip.

Masaya ba ako?


"Are you contented?" He added then bit his lower lip.



"Are you in love?" Pabulong ang pagkakasambit nya sa sumunod na tanong na 'yon.



Bakit ganito? Naninikip ang dibdib ko. Ayoko sa pakiramdam na ibinibigay sa akin ng mga tanong nya. Ayokong masagot ang mga tanong na 'yon. Dahil kahit ako mismo sa sarili ko, alam ko na hindi lang sa mga sagot ko matatapos ang mga tanong na 'yon. Ayokong sagutin dahil ayokong masagot ko 'yon ng isa pang katanungan.


Umaawang ang bibig ko pero hindi ko masabi. Wala akong maisagot. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawa. "I uh.. I d-"

"No, no Rory. I don't want you to talk." Umiiling na utas nya. "I'm asking you some questions but I don't really want an answer. Hindi muna... Hindi muna ngayon."


Sinakop kami ng ilang minutong katahimikan bago sya muling nagsalita.


"I have never felt that way about anyone for the past four years, sa'yo lang. Ngayon, sa lahat ng ginagawa mo, nasasaktan ako. Tanggap ko, dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sa'yo. I can always make it up to you, I'll surely will... Ayokong mag-isip ng iba." Humakbang sya ng isa pa para mas magkalapit kami.



His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now