Chapter 54 Raze

225 20 8
                                    





Raze's POV



Matapos ang kong sabihin 'yon ay hindi na sya nagsalita. Kahit noong alalayan ko sya hanggang sa makalabas kami ng bar at makasakay sa sasakyan ay wala syang sinabi.


Natatakot ako sa ikinikilos nya. I want to do something, pero ano? Ang tanging naiisip ko lang ay bigyan muna sya ng katahimikan.



Napabuga ako ng hangin ng mamatay ang makina ng sasakyan. Mabilis ko syang binalingan. Tulog na tulog pa rin sya. Hindi ko na dapat sya gisingin dahil alam kong napagod din sya kanina sa book signing sumama pa 'yong pag-uusap namin.

Wala naman talaga 'yon sa plano ko, si mama... Naghanda sya ng isang family dinner and I want Rory to be with us.

Pero sa mga nalaman ko, para akong natauhan. Hindi ganon kadali alam ko, pero gagawa ako ng paraan para bumalik sya sa'kin.



Dahan-dahan ang ginawa kong pagbaba ng sasakyan para hindi ako makagawa ng ingay hanggang sa maisara ko 'yong pinto. Kagaya no'ng mga nakaraang araw, naghihintay sa akin ang mga baby ko malapit sa sasakyan, sa driver's seat. Magkasabay silang tumakbo at yumakap sa akin.

Lumuhod ako para maka-level sila.


"What took you so long papa? Mommy and Lola's waiting." Kiev asked.

"Ssshhh. Kiev, please tone down your voice." Bulong ko dito. "Papa's with someone, pumasok na kayo sa loob. Susunod ako."

And my ever so cute Kim, Kiev's little sister pouted her lips. "Piggyback." Sabi nito.

"Kim, you heard papa. Come, let's go na." Pagyaya naman ni Kiev gamit ang mahinang boses.

Mana talaga sa akin ang lalaking 'to.

"Go Kim, sumunod ka na sa kuya mo."

Hindi na ako nahirapan na pasunorin si Kim para pumasok dahil hinila-hila na rin sya ng kuya nya.

Umikot ako sa kabilang side ng sasakyan kung nasaan ang passenger's seat para kuhain si Rory.

Dahan-dahan ko syang binuhat papasok ng bahay. Nang makarating ako sa salas ay sumalubong sa akin sina Callista at Mama, kasama na si Reyah, Kiev and Kim. Nakatuon ang atensyon nilang lahat sa akin at sa babaeng hawak ko.

"I'll explain later." I mouthed.

Walang reaksyon si mama, habang si Reyah ay malaki ang ngisi, tinaasan ako ng kilay ni Callista at si Kiev ay nakabusangot na pilit tinatakpan ang bibig ng nakababatang kapatid habang may mga ibinubulong dito.

Nagsimula akong maglakad paakyat.


Sa paglalakad, hindi ko mapigilan ang sarili na mas titigan sya.



It feels good.


It feels good that finally... Finally I am holding my world. D-mn good and at the same time painful as hell.

Hawak ko sya, pero hindi sa akin. And I am not even sure if I can win her back.

But surely.. I will, I will do everything to have her back. Everything.



Pagkarating sa kwarto ko ay kaagad ko syang ibinaba sa kama.

Ang payat-payat pero ang bigat-bigat! Naiiling na isip ko. Ano nalang ang gagawin sa akin ng babaeng 'to kapag narinig nya ang nasa isip ko? Gusto kong matawa.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon