Chapter 16

427 44 5
                                    

CHAPTER 16 View

- Rory's POV -

Matapos maligo at nagbihis ng isang spaghetti strap top at short shorts ay mabilis kong ginawa ang mga homework ko. Matapos 'yun ay nahiga na ako sa aking kama at napatitig sa kisame.

Lumipas ang maghapon na na-enjoy ko gawa ng bagong paligid at mga bagong kakilala. Hindi na din ako gaanong nahirapan dahil sa dalwang pinsan ko na kaklase ko. Si Carmela o Ngay sa nickname nya na tunay na babae at si Kiel naman na binabae. Masaya silang kasama, hindi nauubusan ng pag-uusapan. 'Yung school? Public sya, hindi man kagaya nu'ng dati kong eskwelahan ay okay naman. Complete ang facilities at malinis kaso mainit kapag nagtanghali na. Walking distance lang ang school mula dito sa bahay kaya ayos.

Walang private school dito sa Barangay namin. Tag-isa'ng Elementary school and High School ang mayron. Malayo din sa kabihasnan. At kapag sinabi kong malayo sa kabihasnan, ito ay isang simpleng Barangay na malayo sa mga nagtataasang building at mauusok na sasakyan. Napapaligiran ng mga malawak na bukirin at magagandang tanawin. Aabutin ka pa ng halos dalawang oras sa pagbyahe kung gusto mong makarating sa Mall at sa palengke naman ay higit isang oras.

Masaya dito, pero nakaka-miss pa rin ang Manila.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ko pa nga pala nakakausap ng maayos sina Mia simula ng makauwi kami dito.

Napatingin ako sa wall clock, 8:13 na ng gabi. Online kaya sila? Umayos ako ng upo at sumandal sa headboard.

Pagka-online na pagka-online ko ay sabog kaagad ang messenger ko. Sunod-sunod ang pagpasok ng mga mensahe.

Messages galing sa GC, kina Mia, Pat, sa iba kong kaklase sa dati kong school, kay kuya at ang may pinaka-latest message. Si Raze. Raze or KIB? Whatever.

Inuna kong tignan 'yung kay kuya.
"Oy! Sis ung books mo dnala q. Pag-uwi q nxt month tyaka q maibabalk. Ung love letter mo nasa drawer. Lovyou!"

Hindi sya nagpaalam sa'kin! Ang galing talaga ni kuya! Ang galing. Nakabusangot na sinunod ko naman ang kina Mia at Pat. Parehas nangangamusta at tampo-tampuhan dahil hindi daw ako gaanong nagpaparamdam. At nagtatanong about kay "Sir Raze". Hindi ba sila ang malapit dun? Uhg! Halos mapaikot ang mga mata ko sa naisip. Bakit pakiramdam ko ay naiinis ako?

Napailing ako habang nagtitipa ng sagot para sakanila ng biglang matigil ito. Nag-hang? Whutdah?!

Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko ito.

Raze WP

What?!

Napalunok ako at matamang tinitigan ang screen.

Video call.

Ano Rory? Mag-iisip ka nanaman ng kung anu-ano? Tapos? Para hindi mo masagot 'yung tawag?

Pumikit ako at wala sa isip na kinlick ang answer button. Pagmulat ko ay napasinghap ako sa bumungad sa'kin. D-mn! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala na din sa tama ang paghinga ko. The view.

Hindi sya nakaharap sa direksyon ko, sa direksyon kung nasaan 'yung phone nya kaya't hindi nya ako kita ngayon. Nasa gilid kase yung view ko sakanya, nakasandal yata sa kung saan 'yung phone, kaya nakikita ko sya ngayon ng malaya at wala itong alam. Nakaupo sya sa sahig nakaharap sa center table at nakasandal sa mahabang sofa. Nakaharap sya sa laptop at busy na nagta-type ng kung ano. Dim light pero kitang-kita ko. Kitang-kita ko 'yung balikat nya. 'Yung bawat paggalaw nya. Dim na ang ilaw ngunit bakit parang ang linaw ng mga mata ko? Kahit pagkurap nya ay nakikita ko. I gulped.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now