Chapter 35

271 27 25
                                    

CHAPTER 35 Careless



Rory's POV

No'ng lalaking nakatalikod, Rory? Tindig pa lang ay kilala mo na! Sh-t! Nawawala nanaman ang normal na pagkabog ng puso ko.

What the hell?

Napalunok ako ng humarap sya sa'kin.

"Hi. Good morning!" Bati nito tyaka umupo sa tapat ko.

"Morning." Mahinang usal ko habang titig na titig sakanya. Kumikilos ako pero hindi ko na alam ang ginagawa ko.

Hindi pa rin ako makapaniwalang nandito nga sya at inutusan sya ni mommy? What? Kanina pa ba 'to dito? Nagkausap ba sila ng wala akong alam? Kaya ba ganon si mommy kanina?

"Rory, ayusin mo nga 'yang ginagawa mo." Boses ni mommy.

Sasagot pa sana ako ngunit hindi ko na nagawa ng mapagtantong nasa bibig ko 'yong hotdog na hawak ko gamit ang tinidor.

Seriously, Rory? Anong klaseng... Owmaygad!

Napayuko ako dali-daling kinagat 'yong hotdog na kanina ko pa naisubo. Yata? I don't know! Ahg! What the hell? Get back to yourself, Rory!

"Rory!" Pagtawag ni mommy sa'kin na mas nakapagpadagdag sa kaba na nararamdaman ko.

Sh-t! Ang laki no'ng hotdog! Masyadong malaki 'yong parte na nakuha ko. Tukop ang bibig na tumingin ako kay mommy.

Nguyain mo Rory kung gusto mo pang mabuhay! Pangaral ko sa sarili.

"Hey... 'You okay? Gusto mo ng tubig?" Anang nasa harap ko habang nakatayong nagsasalin ng tubig.

Napalingon ako sakanya kaya't wala sa sariling napalunok ako na ikinasamid ko naman. Putik!

"'Yan ang sinasabi ko!" Rinig kong sabi ni mommy habang tumatayo ko.

"Shoot! Rory?" Ramdam ko ang isang kamay sa baywang ko ngunit wala na akong panahon para kiligin. Ahg!

Dali-dali akong tumakbo patungo sa CR.

"D-mn it woman! Be careful!" Anang kasunod ko.

Kung kaya ko lang sumagot ay ginawa ko na! What the hell? Be careful? Eh mamamatay na ako careful careful pa?

Nang makarating sa CR ay diretso pa rin ang pag-ubo ko. Isuka mo lahat, Rory! Putik!

D-mn! Ahg! Ang sakit! Sabi ko nga hindi ko kayang lunukin!

"Ito 'yung tubig." Anang nasa likuran ko habang hinihimas-himas ang likod ko. "Next time kase h'wag na nang-aakit, Darling... Oo na, hulog na hulog na ako sa'yo, dahan-dahan naman."

Mas nasasamid yata ako sa pinagsasasabi nya! Uhg!

"Uhg! Shut up!" Sabi ko matapos ay tumayo ako nang diretso habang hawak ng kanang kamay ko ang ulo ko. "Hindi ka nalang dapat kase magsalita!" Kapos ang hiningang utas ko tyaka sya hinarap.

"Tubig." Aniya na parang walang narinig.

Hindi na ako sumagot. Kinuha ko nalang 'yong isang baso ng tubig na inaabot nya sa'kin at nag-iwas ng tingin.

Laking gulat ko na lamang ng may dumamping panyo sa noo ko. Napatingin ako sakanya.

"Gusto ko na tuloy ako na'ng mag-aalaga sa'yo. Ang careless mo." Anito habang dumadampi pa rin ang panyo nya sa mukha ko. "Susubuan nalang kaya kita para may kasamang pag-iingat?" Hirit nito na ikinasamid ko ulit.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Där berättelser lever. Upptäck nu