Second Half

221 24 2
                                    


"Naiwan ako ng walang kahit ano ma'ng salita ang nakuha mula sakanya. Simula no'ng gabing 'yon, umalis sya at iniwan ang mga memoryang nagpabaliw sa'kin.


END."



Maarte ang naging pagbasa ni Kiel sa mga huling salita. "Ang sakit lang, shet!" Komento pa nito bago iniabot kay Mia 'yong libro. "Paano mo naisulat 'yon? Paano mo naisulat ang kwento nyo?" Dugtong pa nito.

"Nabasa ko na 'to sa wattpad at oo, natapos ko. I'm so proud of you girl! Nakaka-proud talaga." Ani Mia habang ini-scan 'yong libro. "Bitin nga lang." Pahabol pa nya.

"Pahingi ng copy, Ry. Bakit ba iisa lang ipinadala sa'yo no'ng publishing company?" Tanong ni Ngay.

"Ipinakita lang naman nila sa'kin 'yang kinalabasan ng libro." Sagot ko.

"Kailan Book Signing?" Tila nagningning ang mga mata ni Pat sa tanong nya. "Owmaygi! Dapat nando'n kami ah?" Dugtong pa nya.

"Wala pa 'yong details." Nakakibit balikat na sagot ko.

"What?! So mayron nga? Omg! Dapat i-post na 'to!" Excited na turan ni Kiel.

"Yas! Pwede ba ako maging admin ng fans club mo, ganon?" Ani Mia.

Natawa ako sa sinabi nya. "Seriously? No need Mia." Naiiling na utas ko. "Wala akong balak na magsulat pa, 'yan lang. 'Ni hindi ko in-expect na ganyan ang kalalabasan."

"Sayang." Napanguso ito.



May isang taon na ang nakalipas mula nong maisipan ko na isulat sa wattpad 'yong kwento. Kwento ng isang reader at author. Nag-click sya at ito ang kinalabasan. Nai-publish ng isang Publishing Company, sinwerte yata.


"Bakit hindi mo sabihing true to life 'yang libro mo? Diary like ganon. At tama silang si KIB 'yang tinutukoy dyan." Out of the blue na ani Ngay.

"Hindi na. Isyu pa 'yan eh." Sagot ko.


"Nasaan na kaya sya?" Tanong ni Mia.

"No one knows. Ganon sya 'di ba? Isang isteryo." Ani Kiel sabay tingin sa'kin.




Apat na taon na rin ang nakalipas. At sa loob ng apat na  taon na 'yon ay napatunayan ko na hindi ko nga talaga sya gaanong nakilala. Hindi ko nakilala ang totoong sya.

Address, contacts kagaya sa mga kaibigan nya, family. Wala kaming clue sa kung nasaan nga ba talaga sya. Para akong nag-back to zero sakanya.

Basic. Wala akong alam.








Ate Anj: Hello bibs! Salamat sa pagpapatuloy na pagbasa. :) Please mag-iwan kayo ng comment! Pampalakas ng loob. ❤ Chapter 37 is up! All the love. :) Xx

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon