Chapter 46 Messed Up

189 19 0
                                    



Mia's POV


"Ano? Akyat na!"

"Kiel! Ikaw ang may kasalanan! Ikaw ang mag-babysit!"

"Pumayag naman kayo 'di ba? So bakit ako lang?"

"I didn't." Sabay taas ng kamay ni Pat na nakakuha ng atensyo namin. "What?" Tanong nya nang may nakataas na kilay.

"Sana pala naging bitter nalang din ako para hindi ako nag-agree na ibigay si Rory kay Kib kanina." Bulong ko.

"Inlike ka, sorry." Bulong ni Ngay na nakakuha ng masamang tingin sa'kin.

"Okay, shut up na ako. Sorry." Nagpipigil ng tawa na sabi ni Ngay.

"So yes, lets go. Pupuntahan natin si Rory, tayo. Lahat tayo." Sabi ko.

"Walang tayo, Mia." Sabay halakhak ni Kiel bago naglakad.

Ngumuso ako na ikinatawa naman nang dalawa naming kasama.

"Shut up!" Asik ko nang makitang bubukas ang bibig ni Ngay.

Nang makarating kami sa harap nang kwarto ni Rory ay walang pagdadalawang isip na kumatok si Kiel.

Ilang pagkatok pa ang ginawa nya bago inikot ang door knob.


Naabutan namin syang papalabas ng bathroom.


"Bakit?" Tanong nya nang makita kami.

"Okay ka lang?" Balik tanong ni Pat.

"Oo." Nagtatakang sagot nya habang naglalakad papuntang study table nya.

"Sure?" Tanong ulit ni Pat.

"Oo." Sagot nya ulit na hindi kami binabalingan ng tingin.


Pumasok kaming apat sa kwarto nya tyaka kami naglakad patungo sa kung nasaan sya. Tumayo si Kiel sa gilid ng inuupuan ni Rory.

Kita ko ang pagbuhay ni Rory sa laptop nya.

"Hindi ka ba galit?" Nag-aalangan na tanong ni Kiel na nakatayo pa rin.

"Hindi."


Nong sumagot sya ay nagkatinginan kami nina Pat. Nagkibit balikat ako.

Hindi sya galit pero isang tanong isang salita ang sagot nya sa amin.

"Seriously? Rory... Nakaka-frustrate na." Nakangusong sabi ni Kiel.

"I'm serious." Sagot ni Rory tyaka bumaling sa amin at isa-isa kaming binigyam nang tingin. "Nawala galit ko, nakatulong yata ang power ng water." Umiling sya sa sinabi nya bago nagkibit balikat. "H'wag nyo nalang uulitin 'yon. Hindi nakakatuwa."

Hindi sya mapagtanim ng galit, siguro on the spot kita mo ang inis nya pero kapag nakalipas lang ang ilang oras, natutunaw. Ewan ko ba sa babaeng 'yan! Komplikado mag-isip, magulo... Masyadong malambot.

Bakit kaya hindi nalang nya pakinggan? Para tapos na.

Kung sa bagay, hindi rin naman talaga maganda ang nangyari sakanila noon. Hindi basta-basta. Pero napakatagal na no'n. Maygosh!


"So... Bukas ah? Lalabas tayo?" Ani Ngay.

"Yes, saan nyo gustong mag-dinner?" Tanong ni Rory.

"May inihanda na kami." Ani Kiel na ikinataas ng kilay ko.



Ang alam ko ay wala naman kaming napag-usapan? Maliban nalang kung hindi nila ako isinasama sa mga meeting nilang tatlo?


His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon