Chapter 33

301 31 8
                                    

CHAPTER 33 Dream


Rory's POV

Kinabukasan ay halos hindi ako makabangon. Wala naman akong nararamdaman na sakit ngunit pakiramdam ko ay gusto kong maghapon nalang dumikit dito sa kama ko. Ayokong bumangon. Ayokong lumabas ng kwarto. Ayokong kumilos. Ubos na ubos ako. Hindi ko na nga alam kung anong una kong iisipin. Ginulo mo ako! Ang tanging alam ko lang ngayon ay ikaw ang unang-unang pumasok sa isip ko ngayong umaga. Ikaw lang. What the hell, KnightInBlack?

Pinikit ko ang mga mata ko matapos ay humugot ako ng malalim na paghinga. Pagmulat ko  ay tumitig ako sa kisame at pilit na binalikan ang mga nangyare kahapon.

Ahg! Iniisip ko pa lamang na babalikan ko ang mga 'yon ay nananakit na ang ulo ko. Mababaliw yata ako.

Hindi ba panaginip lang 'yon?

Baka nga panaginip lang ang mga 'yon.

Wala sa sariling napahawak ako sa parte ng ulo ko na hinalikan nya. Panaginip din ba 'yon? Panaginip. Sumasakit ang dibdib ko sa isiping walang katotohanan ang lahat.

Owmaygad Rory! Wake up! Harapin mo ang katotohanan! Sh-t! Sh-t! Sh-t!


Si mommy, si daddy na wala kagabi, si kuya at Mae, sina Kiel at Ngay. Sigurado akong paglabas ko ng kwarto ay hindi ako makakaligtas sakanila. Sa mga tanong nilang sigurado akong walang katapusan. Walang tigil na interview ang aabutin ko nito. Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ako. Mas lalo na ngayong kilala na nila kung sino talaga si Kib.

Si Kib. Babalik daw sya ngayong araw.

Napakagat ako sa'king pang-ibabang labi sa isiping iyon. Babalik sya. Wala pa ngunit bigla nanamang kumalabog ang dibdib ko. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito. Ikaw ang dahilan Kib.


Maya-maya pa'y inabot ko ang unan sa gilid ko para do'n ilugar ang mukha ko. Sheez! I want to scream! Gusto kong ilabas ang nararamdaman ko!


Putik!

Raze! Baliw ka! Baliw!

Baliw!

KnightInBlack! You! Uhg! Sht!


Ang gusto ko lang ay sumigaw hanggang sa mapaos ang boses ako.

D-mn! Why do I have to feel this way?

Halos maubos ang lakas ko sa ginawa kong pagsigaw ng paulit-ulit. Kapos ang hininga akong umupo pasandal sa headboard ng kama. Kinagat ko ang labi ko.


Mahal nya ako.

Mahal daw ako ni Kib.

Mahal daw ako ni KnightInBlack.

Mahal daw nya ako.


Ahg! Hindi ako naniniwala! No! Hindi ako makapaniwala! Hindi. Kasalanan mo talaga 'to Kib.

"Mababaliw yata ako!" Usal ko sabay ang paggulo ng aking buhok. "Parang hindi totoo. Jusko! Ayoko na! Baka bumigay ako, talagang mababaliw ako dito. Uhg!" Kib? Anong ginawa mo sa'kin? Bakit ngayon lang ito pumapasok sa isip ko? Bakit ngayon ko lang naisip na ganito pala?

Kahapon lang ay halos hindi ko maintindihan. Ngayon naman ay... Ahg!


"I love you."

"Ang sarap sabihin."

"I love you ulit."


Dahil sa naisip ay mabilis ko ulit kinuha 'yung unan at do'n nilabas ang halo-halong nararamdaman ko. Napuno nanaman, parang hindi nabawasan sa pagsigaw ko kanina!

Ng makaramdam ng pagod ay tumunganga ako kaharap no'ng unan.

Binabaliw mo talaga ako.


Napabalik ako sa reyalidad ng biglang nag-beep ang phone ko. Pinalipas ko muna ang ilang sandali bago ko kinuha 'yon sa side table at muling bumalik sa pagsandal sa headboard.

Ilang segundo pa akong nakatitig sa screen ng phone ko bago 'yon naisipang buksan. Message galing sa isang unregistered number ang bumungad sa'kin.

"Good morning! Lunch time na, bangon na po. I love you. ❤ Mwaps 😘 - Raze"

Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa nabasa. Nanginginig ang mga kamay kong in-exit 'yon at inilapag sa gilid ko.

"Sh-t!" Mahinang mura ko.

Hindi na ako makahinga ng maayos. Maygad! Nagwawala nanaman sya.

"Relax, please. Rory, relax!" Pagpapakalma ko sa'king sarili.

"Good morning! Lunch time na, bangon na po. I love you. ❤ Mwaps 😘 - Raze"

"Good morning! Lunch time na, bangon na po. I love you. ❤ Mwaps 😘 - Raze"

"Good morning! Lunch time na, bangon na po. I love you. ❤ Mwaps 😘 - Raze"


Napatapik ako sa noo ko dahil sa iniisip. Tumino ka Rory! Text lang ay hindi ka na mapakali. Gano'n na ba talaga sya kalakas sa'yo? Wala pang ginagawa 'yung tao.

Ipinikit ko ang mata ko. Hingang malalim.


Reader nya lang ako.

Nagsimula ako sa pagbasa ng istoryang isinulat nya. Hinangaan ko sya. Sinimulang suportahan sya no'ng book signing. Sa book signing na naging isang malaking pagyanig sa buong sistema ko. 'Yong lalaking sumulat ng isa sa mga kinaadikan kong istorya at ang kauna-unahang author na pinlano kong suportahan. Sya 'yung nakabangga ko sa harap ng school, 'yung IT student na OJT sa school. Sya 'yung lalaking nagbigay sa'kin ng mogu-mogu at nakasabay kong kumain.

Gaano ba ako kaswerte? Grabe ang mga pagkakataong ibinigay sa'kin ni tadhana. Ang lakas ko sakanya. Wala akong kaalam-alam na 'yung gugustohin kong makilalang manunulat ay nauna na nya sa'king ipinakilala bago pa ang lahat.

I heaved a sigh.

Talagang sasakit ang ulo ko sa mga pumapasok na bagay-bagay dito. Ang layo na ng narating nito.

Hindi ko inaakalang ang simpleng pagbasa ko sa wattpad ay may mararating na ganito.
Sikat syang manunulat. Maraming nababaliw sakanya. Sa sobrang dami ng followers nya ay napansin nya ako na hindi kapani-paniwala. Pansin na hindi mo aakalaing ibibigay nya. Readers. Isa lamang ako sa mga taga basa nya dati. Dati? Hindi, dahil hanggang ngayon ay hangang-hanga ako sakanya.

I just really can't believe it! Hindi ako makapaniwalang nangyayare 'to!

Napalunok ako dahil sa mga naiisip.


Sya si KnightInBlack.


Reader nya lang ako.


At in love sya sa'kin.




Itutuloy...




A/N: Hindi ko inaasahan na aabot ng Chapter 33 ito. And now, 2 more chapters to go bago officially na maisara ko ang first half nito. :) Sana na-enjoy nyo. :) Salamat!


H'wag kalimutan! COMMENT. VOTE. SALAMAT!

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now