Chapter 29

302 30 4
                                    

CHAPTER 29 Out Of My League

Rory's POV

Kasalukuyan kami ngayong lulan ng sasakyan ni Kib. Alas-otso na ng gabi ngunit hindi pa rin talaga sya nagpapigil kahit sinabihan ko na, na halos dalawang oras ang byahe patungo palang sa'min. Anong oras nalang sya makakauwi, hindi ba? Ang tigas ng ulo, wala akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang sa gusto nyang mangyari.

"Uh. Ehem lang ano? Ang tahimik masyado." Ani Kiel mula sa backseat. Here we go again. Nawala na ng kaunti 'yong inis ko sakanya kanina kaya sana naman ay umayos sya ngayon.

"Bakit? Gusto mo bang magkwento?" Natatawang ani Kib.

"Pwede ba?" Excited na balik tanong ni Kiel.

"Sure, sure." Sagot ni Kib na kita ko sa peripheral vision ko na tatango-tango pa.

"Nasaan 'yong libro? 'Yon ang babasahin ko para exciting." Sabi ni Kiel.

"Seriously?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kib sa pinsan ko.

"Yes, kaysa naman sa nakakabinging katahimikan 'di ba?" Ani Kiel.

"H'wag na 'yon." Ani Kib.

"Why not? Fan ka din naman 'di ba?" Pangungulit ni Kiel.

Bumaling ako sa bintana para libangin ang aking sarili. Hindi naman ako makakasali dyan. At ayoko na munang pakinggan ang pinag-uusapan nila. Nakakapagod ang araw na 'to! Parang gusto kong magpahinga at matulog nalang. Uhg! 'Ni hindi ko nga alam kung tanggap na ba ng isip ko na nandito sya. Mukhang hanggang ngayon ay naglo-loading pa rin ako. Langya! Pauwi na kami at lahat ngunit may gantong isipin pa rin ako.

"Oo, pero nabasa ko na 'yon,kayo din, 'di ba? Wala ng thrill kapag gano'n." Ani Kib.

Ayokong makinig ngunit wala akong magagawa. Nasa labas ang tingin ko ngunit nasa kanya pa rin ang atensyon ko. Nasa kanya ang atensyon ko pero ayaw tanggapin ng isip ko na nandito sya sa tabi ko. Malala na ako!

"Oo nabasa na namin... Pero hindi naman nakakawala ng thrill kahit paulit-ulit na. Alam mo 'yon? 'Yung tatlong beses ko na ngang inulit 'yon pero ganon pa rin ang dating sa'kin. Ganon pa rin ang reaksyon at nararamdaman ko. Walang pagbabago. Maganda at nakakakilig pa rin." Dire-diretsong ani Kiel.

"Chill Kiel, wala kang kaaway dito." Natatawang wika ni Ngay.

Paano nalang kaya kung kilala nya kung sino ang kausap nya ngayon?

"Kaynis eh! Kaynis! Dapat maganda kung maganda! Period!" Sagot ni Kiel.

"Wala naman akong sinabi na hindi maganda, ah?" Ani Kib.

"Just the 'wala nang thrill the second time around na basahin mo' lang, ganon?" Sagot ni Kiel.

"Kinda." Sagot no'ng isa.

Ano ba'ng ipinaglalaban ng isang 'to? Seriously? Pinipintasan ba nya ang gawa nya? Sinisiraan nya na ang libro nya.

"Hindi ka fan, kuya. Kulang ka sa pananalig." Madramang ani Kiel.

Humagalpak ng tawa si Kib na ikinabaling ko sakanya. D-mn! Nagpaliko-liko ang sasakyan! "Oh shit! Pfffttttt." Anito bago umayos ang pagpapatakbo. "So you're a big fan." Komento pa nito na nagpipigil ng pagtawa.

"Parang walang nangyari." Utas ko.

"Sorry... Bumilib lang talaga ako sa sinabi nya." Ani Kib na pasulyap-sulyap sa'kin.

"Kita ko nga. Lumalaki 'yong ulo mo, nanlalaki rin 'yong tainga mo pati na rin 'yang butas ng ilong mo." Tyaka ko sya binigyan ng isang hilaw na ngiti ng tignan nya ako.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon