Chapter 25

365 36 11
                                    

CHAPTER 25 Chasing Hell


- Rory's POV -

"SA SATURDAY NA!" Puno ng pagkagalak na wika ni Ngay.

"YOU MEAN, BUKAS NA!" Pagtatama ni Kiel.

Nanlalaki ang mga matang bumaling dito si Carla. "Thursday na pala?" Hindi makapaniwalang paninigurado nito.

Nagtaas baba ang mga kilay ni Kiel tyaka ito ngumisi. "D-mn yes! Owmaygad! Excited na ako!" Malanding anito.

Matapos ang ilang saglit na pagtititigan ay sabay silang nagsisigaw na may kasamang pagtalon-talon sa kama ko. Uhg! Ibang klase talaga 'tong dalawang 'to! Dito nanggugulo sa kwarto ko pagkagaling na pagkagaling sa eskwelahan. Mago-overnight daw sila dito. Ang galing nga eh, may mga gamit na sila dito sa kwarto ko, agad-agad!

"Rory! May isusuot ka na?" Pagbaling sa'kin ni Ngay.

Nandito ako ngayon sa study table ko, habang sila nga ay nasa kama. Sinakop lahat eh, parang sila ang may-ari.

"Hindi ako pupunta ro'n." Simpleng sagot ko.

"Bawal 'yan! Hindi mo ba alam na once a year lang 'yon? Tyaka masaya 'yon!" Ani Ngay.

"She's right, tyaka hindi ka pa nakaka-attend ng ganon, 'di ba? For experience, sumama ka!" Dugtong pa ni Kiel na umaayos na ng pagkakaupo.

"Ayaw ko." Nagkibit balikat kong sagot.

Fiesta na pala dito sa Sunday at may magaganap na Sayawang Bayan kuno bukas na parte daw ng celebration dito.

"Bawal KJ Policy nga kase! Sumama ka na!" Sabay flip pa sa side ng bangs ni Kiel.

"May ganon ba?" Nawiwirdohang tanong ko sakanya.

Ano 'yon?

"Seriously Rory, pa-party tayo bukas! Ikaw nga ang bago dito 'di ba? Dapat um-attend ka." Pangungulit ni Ngay.

"Hindi ako------"

"I will just take 'yes' for an answer." Boses lalaking wika ni Kiel.

"Whatever." Napapailing na wika ki tyaka hinarap 'yong nasa mesa ko.

"Semi formal lang naman, may mga dress ka naman, 'di ba?" Ani Ngay, tyaka ko narinig ang pagbukas ng closet ko.

"Oo." Sagot ko habang busy'ng busy na ini-scan itong libro na kakabalik lang ni kuya.

"Maroon and Black ang theme." Paglapatuloy nito.

"'Kay..." Tamad na sagot ko habang pinapasadahan ng daliri ang pirma nya sa unang libro.

Kanino kaya talaga galing 'to? Sa school iniwan, ipinabigay ng admin sa isang estudyante.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Halos kapusin ako ng paghinga ng maalala ko ang Academy na 'yon. Sa eskwelahan na 'yon sya nago-OJT.

May possibility na sakanya nanggaling 'to. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi sa naisip. Sh-t! Mas lumakas kabog ng dibdib ko.

"Rory, wala kang black, kahit maroon wala." Ani Ngay na kita ko sa peripheral vision ko napabagsak umupo sa kama malapit sa pwesto ko.

"Okay." Simpleng sagot ko.

"Oh? Ano pa ginagawa mo dyan? Manghihiram ka sa'kin o titingin tayo sa mall? Mag-alas kwatro pa lang naman." Wika ni Ngay.

"Wow! Lakas ng loob Ngay? May kasya ba kay Rory sa mga damit mo?" Ani Kiel na pumwesto sa likod ko.

"Oo naman! Magkakatawan lang naman kami ni Rory!" Nagmamayabang na sagot ni Ngay.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Där berättelser lever. Upptäck nu