Chapter 40 It's Over

210 15 0
                                    





"Are you really sure na ganon lang ang ginawa nya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mia matapos kong ikwento sakanila ang mga nangyari.

Tumango ako ng ilang beses para masagot sya.


Mukhang nagkaroon na rin naman sila ng clue dahil lumabas kanina si Kib at nakita nila kaya hindi na rin ako nahirapang magpaliwang.

Yes. It's him. Walang duda.



Nandito na kami ngayon sa mall pero parang mga lutang lang kaming nakarating sa food court dito at naupo.

"Baliw ba sya?" Utas ni Pat. "Tapos parang hindi man lang nya kami nakita... wala lang."

"Hindi kaya nagka-amnesia sya? Napaka-imposible naman na hindi ka nya nakilala." Segunda ni Mia.

"Hindi ko alam." Umiiling na sagot ko. "Nagugulohan din talaga ako."

"Ang maliwanag lang naman dito ay tinrip ka nya! Play like a doctor ang ginawa. We all know na IT student sya." Ani Mia.

"And I don't think magagawa nya 'yon sa iba na hindi nya kakilala." Dugtong ni Pat.

"Ang labo." Utas ni Mia.

Ayoko na sana ng maraming tanong, pero bakit ganon? Sa pagkikita namin na 'yon ay parang mas dumami pa sila? Bakit kailangan umasta sya na parang wala lang?

Ahg! Why do I have to feel this way?


"Bumalik tayo sa clinic." Sabi ni Pat.

"Ayan din ang nasa isip ko." Segunda ni Mia tyaka ako binalingan. "This is it, Rory... Chance mo na."

Napalunok ako sa sinabi nya.

"Ayoko." Ang tanging naisagot ko bago umub-ob sa braso ko sa mesa.

"Rory..."

"Kalimutan nalang natin 'yon." Utas ko.

"C'mon, Ry... Kahit itago mo sa'min ay a----"Hindi ko na si Pat pinatapos sasasabihin nya.

Tumunghay ako bago nagsalita. "He's okay. Buhay at mukhang wala namang problema." Utas ko bago napabuga ng hangin. Ahg!

"Bakit kailangan ko pa syang puntahan para magtanong? Para mag-demand ng paliwanag? If from the very start ay kaya naman talaga nya akong i-contact, 'di ba? Iisa lang naman ang binabagsakan ng mga 'yan. So bakit pa?" Sandali silang napatahimik sa sinabi ko.

"Malungkot ka." Komento ni Mia. "Aminin mo man o hindi, nalungkot ka sa nangyari kanina." Dagdag pa nya.

"At wala na do'n sa pali-paliwanag na 'yan." Utas ko.

"Sya pa rin ang dahilan." Sabi ni Pat.

"No, I think ako." Ako nalang naman yata ang apektado ng hindi sinasadyang pagkikita na 'yon. Oh yes! Apektado! Naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba kailangan ko pang mag-react nang ganito over him?

Grow up, Rory.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at tinitigan sila. "May bibilhin pa kayo 'di ba? Hintayin ko nalang kayo sa sasakyan. Uwi na tayo after nyo mamili." Sabi ko bago nagsimulang maglakad.


Napabuga ako ng hangin nong makalayo ako sakanila.

Bakit ba apektado pa rin ako hanggang ngayon? Hindi tama 'to. 

"Shut up, Rory!" Mahinang usal ko bago binilisan ang paglalakad.

Hindi dapat ganito! Hindi pwede 'yan.

Padabog akong sumandal sa kotse ko sa gilid tyaka ginulo ang buhok ko.

It's me. Ako ang dahilan kung bakit nalungkot ako at ganito! May maliit na parte pa rin sa'kin na kahit papaano ay umaasang kapag nagkita kami may sasabihin sya! At kanina nga ay nangyari! Nakita ko sya at pinagtripan pa ako! Pinagtripan, yes!

Halos umikot ang mata ko sa salitang 'yon. Pinagtripan. Ganon din ba 'yong dati? Hindi ko na dapat sya nakita!


Naging tahimik ang buong byahe namin. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay ganon ang eksena.

Pabagsak akong naupo sa pang-isahang sofa at mabilis na kinuha 'yong phone ko para abalahin ang sarili do'n. Ganon ang ginagawa ko pero ang tainga ko naman ay nasa kusina. Dahil dinig na dinig ko mula rito ang pinag-uusapan no'ng apat. Tungkol saan pa nga ba?

Napaikot ako ng mata sa kawalan at ibinaba 'yong phone ko sa center table.

Hindi maganda ang simula ng weekend ko.

"Rory, juice?" Sabay lapag ni Kiel ng inumin sa harap ko. Sunod-sunod silang apat na naupo sa harap at gilid ko.

Magkakaharap na kami ngayon dito sa living room. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"So? Anong plano mo?" Seryosong tanong ni Kiel sa'kin.

"Binigyan mo ako ng inumin para lang itanong 'yan?" Balik tanong ko.

Nagsalubong ang mga kilay nya bago nagsalita. "Seryoso ako, Rory."

Napalunok ako sa tono ng pananalita nya at uri ng pagtingin. Nagiging seryoso talaga kapag ganito na ang usapan namin.

"Wala." Utas ko.

"Ry, i------"

"Matagal nang tapos 'yon. Do I really have to plan things ngayong nakita ko sya?" Pagputol ko sakanya.

"Oo, Ry. Ang panget man sabihin, pero may karapatan kang magtanong at alamin kung anong nangyari. Ayaw mo bang tuluyan nang matapos 'yang mga tanong mo?" Sagot ni Kiel.

Dapat pa ba talaga namin 'tong pag-usapan?

"Ayoko nang alamin at wala na akong planong balikan 'yong mga nangyari. May mapapala ba ako dyan?" Utas ko.

"Peace of mind." Mabilis na sagot nya.

"I'm at peace, please Kiel. Pabayaan mo nalang. Hindi ko sya makikita o makakasalamuha sa araw-araw. Wala nang rason para pag-usapan 'yan, kaya kalimutan nalang natin, okay?" Sabi ko tyaka ko sila isa-isang tinignan.




Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala. Siguro dahil sa napakahabang panahon na nandito kami ay ngayon lang ulit nagkaganto. Ewan ko ba, pero sa usaping ito ay nagiging sensitive sila.

Kagaya nalang nong ginawa kong pagsusulat. Big deal 'yon sakanila pero no'ng makakuha nang magandang feed back ay medyo natanggap na rin naman nila.


Wala akong nakuhang sagot sakanila kaya mas minabuti kong lumapit kay Kiel at umupo sa pagitan nila ni Mia tyaka sila inakbayan.

I want to assure them that I am okay. Wala naman na dapat ipag-alala.


"Minsan kase, may mga bagay na hindi na kailangan pa pag-usapan. May mga bagay na hindi na kailangan nang sagot para tuluyang matapos. It's all about how you accept the fact that sadly... things ends way, 'yong..."

Kinailangan kong tumigil para humugot ng malalim na paghinga dahil kahit papaano ay sumasakit ang dibdib ko sa mga salitang lumalabas sa'kin.

"It's over guys, ayokong tambayan ang nakaraan." Sa huli ay nasabi ko.

"I don't really think maganda 'yan." May kasamang pagbuntong hininga na sabi Mia.

"Ahg! Malling?" Nakangiting yaya ko.

Pampalubag loob. Ang hirap kase kumbinsihing ng mga 'to eh.


















Itutuloy...

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now