Chapter 49 Tapos Na

201 19 2
                                    





"Finally you're here! Come, join us!" Salubong sa akin ni Kiel ng makapasok ako sa loob. Nakaupo silang lahat sa sofa na kamukha lang din ng sa kabila.

Ang buong kwarto ay parang dinisenyohan talaga para sa isang dinner, hindi kagaya do'n sa kabila na dark ang theme, dito ay maliwanag. Maraming pagkain sa mesa na nasa gilid din. Hindi flat screen ang nandito kung hindi videoke, na nasa harap at hindi kalayuan sa sofa.

"May sine-celebrate kayo?" Ang salitang lumabas sa bibig ko bago ko narinig ang pagsara ng pinto sa likod ko.

"Pa-birthday namin sa'yo?" Nakakibit balikat na sagot ni Miles. "Let's go, alam kong na-drain ka." Natatawang utas nito bago ako nilapitan at igiya sa sofa sa tabi ni Mia. Nang makaupo ako ay pinasalamatan ko sya.

Wala silang tinanong o sinabi sa akin, binati ako no'ng dalawa matapos ay wala na. Nagpatuloy lang sila sa kung ano man ang pinag-uusapan nila.

Pakiramdam ko ay ngayon unti-unting nauupos ang lakas ko. Nang makaupo ako ay tyaka ko lang naramdaman ang panlalambot. Pakiramdam ko nga ay na-drain ako, nauuhaw ako. Ilang minuto lang 'yon pero pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko maging ang nasa loob ko, wala akong maramdaman! Bakit ganito? Bakit wala akong makuhang reaksyon sa sarili ko? Bakit wala?

May nakalapag na bote ng inumin sa harap ko at baso, kaya naman walang pagdadalawang isip na nagsalin ako no'n at ininom ng diretso. Ilang ulit na ganon lang ginagawa ko hanggang sa makaramdam na ako ng pagkahilo.

Sumandal ako sa sofa at pumikit ng mariin. Sigurado ako na bukas ay hindi ako makakangon dahil sa epekto ng alak. And to think na may lakad ako with the publishing company. Ahg! At sa pag-iisip ng publishing ay may pumasok sa isip ko.


Isinulat ko ang istorya namin na matagal nang natapos.

Alam kaya nya?


Lumunok ako bago nagmulat ng mga mata. Nang ilibot ko ang paningin ko para hanapin sya ay wala akong nakita. Mabilis kong binalingan ng tingin si Miles na ngayon ay nakatingin rin pala sa akin. Nasa tapat lang sya ng inuupuan ko katabi si Nash.

"Where is he?" Tanong ko.

Nagtinginan muna sila ni Nash bago ako muling binalingan.

"Hindi sa'yo nagpaalam?" Balik tanong nya sa akin.

Ipinaling ko ang ulo ko sa kanan.

"Nasaan sya?" Ulit na tanong ko.

"Mamayang 10 ang flight nya..." Sagot ni Miles.

"Flight?" Nagugulihang tanong ko.

"Oo, somewhere in Europe? Saan nga 'yon?" Ani Miles na mukhang pilit may inaalala dahil sa ginagawa nyang pagpitik pitik gamit ang kanyang daliri. "Europe... Ahg! Greece?"

"Yaeh, buwang! Remember what happened years ago? Kinuha nya lahat do'n." Sabi ni Nash.

"Oo na." Humarap sa akin si Miles tyaka ngumiti. "G-go pa rin, hindi na yata talaga matututong magpaalam 'yon." Nagkibit balikat na sabi nya.

"At dahil do'n, dapat syang matuto ng leksyon. Alam mo na, konting pahirap at pagapatagal." Natatawang ani Nash kasunod ng pag-inom sa hawak nyang lata ng alak.

"Raze means to destroy." Wala sa sariling utas pa ni Nash. "Sya naman ang may kasalanan kung bakit nasisira sya, kung mahal talaga nya dapat sabihan nya. Hindi ba nya alam na kung mahal mo at mahal ka dapat... dapat..." Uminom pa ito bago nagpatuloy. "Dapat may tiwalang kaya nilang dalawa 'di ba? Destroyer..." Nakapikit na dugtong nito tyaka sumandal ng pabagsak sa sofa.

"What do you mean, Nash?" Tanong ni Pat.

"He's drunk, h'wag nyo nang pansinin." Umiiling na sabi ni Miles.

"Raze means to destroy?" Wala sa sariling tanong ko.

"Uh-hu! To destroy... Completely."  May paturo-turo pa sa akin na segunda ni Nash sa sinabi ko.

Pilit kong iniisip 'yong mga salita na na 'yon ng biglang umilaw ang phone ni Mia bago sya nagpaalam at umalis sa tabi ko.

Sa pagkakakita ko pa lang ng phone nya ay may isang tao nang pumasok sa isip ko na madalas 'yon ang sagot sa akin. Ang palagi nyang sagot sa tanong ko ay...

"Two different words sounds like one. Something fast. Sometimes an event..." Lumunok ako bago nagpatuloy. "Meant 'to destroy..."

Sounds like one? Fast and an event? Uh? Race? And as he said Raze means to destroy.

"Logic na ba tayo ngayon?" Natatawang tanong no Ngay.

"I think ang sagot Racing? Race?" Sabi ni Kiel.

Lumunok ako.

"Drag racing 'yan!" Pahabol ni Nash.

Umiling ako. "Anong gagawin ni Raze sa Greece?"

"Trabaho... May trabaho sya do'n." Sagot ni Miles. "Pabalik-balik sya doon, ayaw nya kasi mag-stay ng matagalan... Kaya ang nangyayari, twice a month ang pagbalik nya do'n. May contract kase sya sa dating kliyente ng papa nya."

"Halos isang taon pa lang no'ng maka-graduate sya pero big time na! Ang alam ko ang laman ng wallet no'n ay hu-"

"Shut up Nash! Ang daldal mo talaga!" Pagputol sakanya ni Miles. "Pinapakealaman mo ba 'yong wallet ni Raze at alam mo hanggang dyan?" Nakataas ang kilay na tanong pa nito.

"No. Nabasa ko lang sa papel nya sa table nya? Sa unit nya 'yon eh?" Patanong na sagot naman ni Nash.

Umikot amg mata ni Miles bago kami tinapunan ng tingin. "We should go. Late na rin naman."

Gusto ko pa sanang magtanong patungkol kay Kib pero natatakot ako, kaya nagpadala nalang ako sakanila hanggang sa makauwi kami.

"Ry." Tawag sa akin ni Kiel bago ako makapasok sa kwarto ko.

Nilingon ko sya na nasa gilid ko."Bakit?"

"Ipinapaabot ni Nash at Miles." Nagkibit balikat na utas nito. "Ang sabi kase nila, hindi sila sigurado kung maiyaabot nila sa'yo 'yan. Ewan ko ba do'n sa dalawa."

Kinuha ko 'yong ibinibigay nya sa aking paper bag bago nagsalita. "Wala sa edad nila 'yung mga trip nila sa buhay."

"Well, wala rin naman sa mukha nila 'yong edad nila." Nakangising sagot sa akin ni Kiel.

"Baliw." Natatawang utas ko. "Pero salamat pa rin for everything, Kiel!" Nakangiting sabi ko. "Hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga condom!" Dugtong ko pa.

"Malakas ka sa akin eh! And I guess, okay ka na... Hindi na ako magtatanong kung anong napag-usapan nyo. Ang mahalaga, you can move forward now na walang ibang gumugulo sa isip. Sige na, may lakad ka pa bukas 'di ba? Good night!"

"Yeah, good night Kiel." Nakangiting utas ko.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko, nagdiretso sa higaan at pabagsak na humiga doon.

Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayaning bumangon pa dito ngayong nakadikit na ang likod ko sa malambot na higaan. Ipinikit ko ang mga mata ko para balikan ang mga nangyari kanina. Para balikan ang mga sinabi nya na sa tingin ko ay ngayon palang unti-unting pumapasok sa akin.


Ang dami nyang pinagdaanan.


Alam ko na ang dahilan pero umalis sya ulit ng walang sinasabi o iniiwan.

Bakit kailangan kong makaramdam ng ganito?

Parang may pumipiga sa puso ko... Nasaktan ako emotionally pero hindi ko inaasahan na kahit sa pisikal ay mararamdaman ko rin 'yong sakit. Sa dibdib ko.

Tapos na... Dito ko masasabi na wala na talaga kaming dapat pag-usapan.

Tapos na.







Itutuloy...





Tatlong chapter

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora