Chapter 11

441 50 5
                                    

CHAPTER 11 Confirm

- Rory's -

May tatlong araw na simula nu'ng nangyare 'yung book signing at hanggang ngayon ay may sama pa rin ako ng loob sakanya.

Say what? Masama ang loob ko sakanya?

Oo. Pero hindi ko alam kung tama pa ba 'to. May karapatan ba akong makaramdam ng ganto? Siguro nga ay oo, dahil umasa ako sa mga inasta nya nu'ng mga nakaraang araw na nakasalamuha ko sya. Pero hindi naman talaga kami close hindi ba? Pinaasa ko ang sarili ko. Puro ako akala.

Napatawa ako ng mahina.

Magmula nun ay hindi muna ako nagbasa sa wattapad, hindi ko pa din binubuklat 'yung libro nya. Kahit mag-online sa kahit anong social media ay hindi ko pa ginawa. Madalang ko na lang din hawakan ang phone ko.

Baliw-baliwan ang tema ko.

Naging busy din naman ako sa pag-aayos ng pag-transfer ko at pagtulong kina mommy sa pag-aayos dito sa bahay. Kaya ngayong tapos na ang lahat ay wala nanaman akong pinagkakaabalahan.

Sa tuwing mababakante ako ay hindi ko maiwasan na 'yun ang isipin ko.

Bakit hindi sya namansin?

Ayan lagi ang tanong na nasa isip ko.

Oo, alam kong hindi pwede 'yung hinihingi kong pag-uusap namin dun dahil wala dapat nakakaalam ng identity nya. Pero kahit 'hi' lang naman sana diba? 'Yung ganon sa ginagawa nya sa iba. Tingin nga ay hindi nya ginawa sa'kin.

Naiinis ako dahil hindi nya ako pinansin o kahit tingin ay hindi nya man lang ako tinapunan. Nasaktan ako dahil umasa ako na kahit papaano ay mapapansin nya ako. Na ikinasama naman ng loob ko.

Kilala ko sya!

Hindi naman sa kilalang-kilala pero ilang beses ko na din syang nakasalamuha! Feeling close pa nga ang isang 'yon minsan.

Gulo diba? Paulit-ulit-ulit 'yan na tumatakbo sa utak ko.

Sa totoo lang ay sinakop na nya ang buong sistema ko. Kinain ng buo. Bawat sulok ay naandon sya. Nakakatuwa na nakakainis isipin. Mababaliw na yata ako dito ng tuluyan.

How to move on? Maygad! Kakaisimula pa nga lang, move on na agad, hindi ba?

May sinimulan naman ba? Asa!

Masyado akong nag-expect mula sa taong hindi ko naman talaga ganon katagal ng kilala.

Napabusangot ako ng hindi oras at napasabunot sa'king buhok ng wala sa sarili. Siguro ay kung may makakakita sakin ngayon ay aakalaing natuluyan na ako.

Maygad Rory! Ayaw mo nga syang kausap diba? Ganon 'yung ginawa mo sakanya. Tinalikuran mo nuong hapon!

That's it! Nakaka-stress!

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang magbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ate! Pahiram nu'ng libro." Salubong sa'kin ng bunso kong kapatid, si Mae.

"Pwede kang kumatok bago pumasok." Masungit na sabi ko dito habang magkasalubong ang mga kilay.

"Yes your Highness." Nakangising turan nito bago tatlong beses na katukin ang pinto. "Maaari ko na bang makuha 'yung libro?" Pagpapatuloy pa nya.

"Tss! Ano bang libro?" Walang ganang tanong ko sakanya.

"Hell University, diba complete mo na 'yun?" Wika nito habang papalapit sa kama.

Bago sumagot ay umayos ako ng upo at tinitigan sya. "Nasa wattpad 'yun, dun mo nalang basahin." Sagot ko dito.

"Mas gusto ko ng libro." Habang nagsasalita ay unti-unti syang umupo sa paanan ng kama ko.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now