Chapter 53 Pero

201 18 11
                                    



Nagising ako sa pagbukas sara ng pinto.



Madilim.



Kinusot ko ang mga mata ko bago tuluyang dumiretso ng upo. Nang makaayos ay inilibot ko ang paningin ko sa labas ng kotse. Nasa parking lot ako base sa mga nakikita kong sasakyan.


Nagugulohang inayos ko sandali ang damit ko bago bumaba.


Anong ginagawa namin? Ko? Dito? I mean, bakit dito? Nasaan sya? Bakit iniwan nya lang ako sa loob ng sasakyan?


Nagpalingon-lingon ako bago nagsimulang maglakad patungo sa isang building. Pangalan ng isang bar ang nakasulat sa taas no'n na nagbi-blink. Pumaling ang ulo ko sa kaliwa habang binabasa 'yon.


"Kyah Pem Bar." Basa ko sa pangalan. "Kyah Pem Bar?" Napangiwi ako sa pag-ulit ng pangalan no'n. "Weird." Bulong ko bago tuluyang pumasok.



Kagaya ng mga nasa ordinaryong bar, sinalubong ako ng maingay na musika, mga nagkalat na couple, grupo at nagso-solo, mga wild sa dance floor, dim na ilaw at iba pa. Nagsimula akong maglakad at magpalingon-lingon sa paligid. Nag-iingat para hindi nya makita kung nandito man ngs sya sa loob.



'Iniwan nya ako, 'di ba?' Sa isip ko.


'Ano namang gagawin ko dito?' Habang nakatayo ay muli kong inikot ang paningin ko sa paligid. 'Yeah, siguro hindi naman masama kung iinom ako.' Kukuhain ko sana 'yong phone ko sa bulsa ko ng maalala kong iniwan ko lahat sa sasakyan ko. What the hell? Wala din akong pera!




Sa paglalakad ko ay nakarating ako malapit sa counter, naglakad ako palapit do'n para umupo sana pero bago ko magawa 'yon ay may humigit na sa kanang braso ko kaya mabilis akong napalingon.



Nagsalubong ang mga kilay ko ng makilala kung sino ang may gawa no'n.



"Bakit ka lumabas ng sasakyan? Aalis na tayo." Utas nya.

Lumunok ako bago nagsalita. "Iniwan mo ako." Wala sa sariling sabi ko.

"Rory..." Kahit may kadiliman ay kita ko pa rin ang pagtaas baba ng adams apple nya.

"What is it, Kib? Bakit kailangan mo pang patagalin? Bakit hindi mo nalang sabihin ng diretso? Dito."


Maging ako ay hindi ko inaasahan ang mga salitang lumalabas sa'kin. Nagkusa ang lahat.


"No, hindi dito. Dinaanan ko lang sina Miles. Let's go." Sagot nya.


Tinitigan ko lang sya.


He let a heavy sigh. "Okay." Nag-iwas sya ng tingin sa'kin at humarap sa counter. "The usual." Utas nya bago ako iginiya paupo, sa katabing upuan ko sya pumwesto.



'The usual?' Meaning, madalas sya dito. Pero hindi ba ang sabi ng mga katrabaho nya noon sa University ay wala syang night life?

C'mon Rory! Misteryoso, remember?

Halos umikot ang mga mata ko sa naisip.




Pinanood ko na lamang ang bawat galaw nya, ang pagkuha nya sa phone nya at pagtipa ng kung ano doon bago ulit ibinalik 'yon sa pants nya. Napansin ko rin ang pagpikit nya at pagtiim bagang bago kinuha 'yong inumin nya.


Tahimik lang kami hanggang sa maka-dalawang shot sya.


Hinarap nya ako. "I'm sorry." There was a hint of sadness when he said that. He closed his eyes and shook his head. "I'm sorry. I almost forgot, what do you want?" Sabay taas nong shot glass nya.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now