Chapter 32

252 25 3
                                    

CHAPTER 32 Rory


Raze's POV

"Anong nangyare?" Pambungad sa'kin ni Nash ng makapasok ako sa kwarto ko.

Madaling araw na pero nandito pa rin sila. Hinintay talaga ako ng mga g-go.

"Date." Sagot ko. Nagdiretso ako kama para umupo do'n at mag-alis ng sapatos.

"Namo! Seryoso nga?" Natatawang ani Miles na nakiupo pa sa tabi ko.

"I'm serious." Simpleng sagot ko.

"Weh?" Paninigurado pa ni Nash. Na nakapwesto na sa harap ko, naka-indian seat sa sahig.

Nang matapos ako sa pag-alis ng sapatos at medyas ay tinignan ko sila ng may ngisi sa labi.

"Kumain kami sa labas, naglakad-lakad sa mall, bumili ng dress nya para mamaya at na-meet ko ang mga pinsan nya, kuya, bunsong kapatid at mommy nya." Pagmamalaki ko. "Happy?" I gave them a smug look.

Nakataas ang isang kilay ni Nash. "Na-meet mo ang family, kaya ba namumutla ka? O sadyang naje-jebs ka lang?"

"The f-ck?!" Asik ko. "Bakit ba pilit nyong sinisira ang mood ko?" Tanong ko.

"Curious lang dre... Magkwento ka kasi." Sagot ni Miles.

"Mga chismoso!" Naiiling na sabi ko.

"Tapos? Anong nangyari?" Ngiting-ngiti na tanong ni Nash.

Tumayo ako. "Tigilan nyo ako." Sabi ko.

"Ano ngaaaaaaaaaaaaa?" Pamimilit ni Nash. Kulang nalang ay maglupasay na sya sa sahig.

Parang bata.

Nagsimula akong maglakad papuntang bathroom. "'Pag labas ko dito, gusto ko wala na kayo dyan. Maliwanag?" Sabi ko tyaka tumalikod.

Binuksan ko ang pinto.

"Lul! Sinundan ka namin! Date ha? Date? Apat kayo? lul!" Tumatawang sabi ni Nash na nakapagpatigil sa'kin.

"Sinundan nyo ako?" Ulit ko sa unang sinabi nya. Humarap ako sakanila.

"Ngina mo Nash! Kahit kailan talaga ang daldal mo!" Inis na sabi naman ni Miles.

"Bakit ba? Ayaw magkwento eh, 'di 'yan! Ang yabang eh. Kala mong naka-score, 'di naman." Sagot ni Nash.

"What the hell?" Bulalas ko. "Seriously? Alam nyo ba ang salitang chismoso? Eh 'yong mausisa? Pakealamero?" Dismayadong sabi ko. "You guys! Ahg!" Napatapik ako sa noo ko.

Tama ba talagang isinama ko 'tong dalawang 'to dito? Seryoso ba talaga ako sa paghingi ng tulong sakanila? Ano kayang gagawin nila mamaya? Baka naman magsabog ang mga 'to sa gagawin namin! D-mn no!

"Nakahawak naman ng kamay ah?" Sabi ni Miles.

"Anong mangyayari sa holding hands?" Pairap na sabi ni Nash.

"Maginoo eh." Sabi ni Miles.

"Kung hindi pa inabot sakanya no'ng lalaki 'yung kamay ni Rory, zerooooooooo." Komento pa ni Nash. "Mahina." Habol nya pa.

Nangunot ang noo ko. "Talking like as if wala ako dito." Sabi ko.

Sabay silang lumingon sa'kin.

Nanlalaki ang mga mata ni Nash. "Nandyan ka pa pala?" Pagkatapos magsalita ay itinakip nya ang kanang kamay sa bibig nya. "I didn't know! Ang akala ko ay pu-----owmaygie!" Dugtong pa nito.

"Ptttfffffff. Slay Nash!" Komento ni Miles.

Pinasadahan ko ng kamay ko ang buhok ko. Chill Raze. Chill lang.

His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن