Chapter 45 Leave

205 16 1
                                    



Pagkatapos ko sabihin sakanya 'yon ay nagsimula na ulit akong maglakad. Hindi ko na hinintay ang sagot nya, kahit ang naging reaksyon nya ay hindi ko na pinagkaabalahan pang tignan. Ang mahalaga ay ang makalayo ako sakanya!


Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang may mga makasalubong na mga mata ng mga nakapaligid sa amin na binabalewala ko nalang. Sa magkabilang gilid ko naman ay ramdam kong sumusunod sa akin sina Mia.

Napabuga ako ng hangin nang makita ko ang sasakyan. Nakaramdam ako ng kakaibang saya, ang kaninang naninikip na dibdib ko ay medyo lumuwag at napalagay.



"Susi?" Sabay may naglahad ng kamay.

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Kiel sa harap ko na dahilan ng pagtigil namin.

Tinitigan ko sya.

"Ako ang magda-drive. Nasaan 'yong susi mo?" Tanong nya.

"Kaya ko, ako na Kiel." Sagot ko.

"I don't think s- Uh basta... Ako na." Pagpupumilit nya habang may nakalahad  pa rin na kamay.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga bago napilitang ibigay ang hinihingi nya. Sumilay ang malaking ngisi sa labi nya bago ako hinawakan sa magkabilang balikat at paharapin sa likuran namin.


"Face him, Ry..." Utas nya.

"Kiel!" Tawag ni Pat.

"Shut up, Pat!" Asik nya. "You'll do it, Ry... Please, para maayos na ang lahat. Para maging okay ka na rin. Pl- "

"Please, don't waste my time." I cut him off. Hinarap ko si Kiel para bigyan nang isang masamang tingin. "Magpapaliwanag ka sa akin." Sabi ko bago sila tinalikuran.


Hindi ko na sila hinintay na makasunod sa akin, dali-dali akong sumakay sa sasakyan. Hindi ko na alam kung saang parte nang sasakyan ko naibato ang mga gamit ko. Nakasakay ako sa backseat habang sapo nang dalawang kamay ko ang mukha ko.


This is not good! Nasa tahimik na ako, bakit kailangan pa maging ganito?



Nang marinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng sasakyan ay ginulo ko ang buhok ko.



"What the hell is wrong with you, Kiel?!" Asik ko bago tuluyang tumunghay.


"There's nothing wrong with him, Rory." Utas nang kasama ko.




Natigilan ako sa pagsagot nya. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa narinig.


What's going on? Paano?



Naalarma ako nang biglang umandar ang makina ng sasakyan.


Mabilis akong lumapit sa pinto ng sasakyan para lumabas pero wala, ayaw bumukas! "What the heck a-----"

"Mag-uusap tayo." Pagputol nya sa'kin.

"There's nothing left to talk ab-----"

"Shut up." Utas nya na ikinalaki nang mga mata ko. Bago pa ako magsalita ay pinaandar rin nya 'yong stereo, in FULL VOLUME.


"WHAT THE HELL?!" Asik ko. "KIB! TURN T-----"

Hininaan nya 'yung volume bago ako nilingon. "You were saying?" Anito.

I greeted my teeth. "I said, you tu------"


"Mas maganda kung lalakasan ko nalang muna 'to hanggang hindi tayo nakakarating sa pupuntahan natin..." Pagputol nya ulit sa'kin. "Ang sakit eh."



His Reader (A KnightInBlack Fan Fiction)Where stories live. Discover now